Chapter 3

388 21 3
                                    

"Hahahahahahaha. Talaga?" tawang-tawa si Dahyun habang kinu-kwento ko sa kanya ang nangyari sa gym last week.

"Oo nga. Binigay pa nga niya number niya eh. Ano gagawin ko?" kasi naman, yung babaeng nagbalik sa tumbler ko biglang nag confess sakin.  Sabi nalove at first sight daw siya sakin nung naglalaro ako.

"HAHAHAHAHA. Naku, akala ko si Coach Guillermo lang puproblemahin natin pag naglaro tayo. May iba pa palang darating na problema. Tawagan mo." suhestyon ni Dahyun

"At bakit ko naman tatawagan, nagulat nga ako diba? Tapos diko pa siya kilala. Ano sasabihin ko sa kanya?" wala talagang naitutulong sakin tong babaeng to eh.

"Edi sabihin mo na di mo siya gusto. Na may gusto ka nang iba. Yung senior natin. Si Mina.""H-ha? Pinagsasabi mo? Wala akong gusto dun noh."

"Neknek mo. Mga kaibigan mo kami Chae. Di mo kami maloloko. Di ba Tzuyu?" tumango naman si Tzuyu sa sinabi niya.

Napabuntong-hininga ako. "Sige na. Tatawagan ko na. Pero diko sasabihin yung tungkol kay Mina."

Dinial ko yung number na binigay sakin nung babae. "Hello?"

"Ahmm, hello. Si Chaeyoung to."

Hindi siya sumagot. Maingay sa background niya kaya rinig kong nagexcuse siya sa mga kasama niya. Mukhang lalabas ata siya o lalayo muna sa lugar na iyon.

"H-hello Chae?"

"Ahmm, kita tayo."

"T-talaga? T-tungkol ba to dun sa sinabi ko sa yo sa gym?" kinakabahang tanong niya sakin.

"Oo. Pwede bang magkita tayo sa may coffee shop malapit sa school natin?

"Ngayon na? Sige, malapit lang naman ako."

"Sige, bye Somi." binaba ko na ang tawag.

Paalis na sana ako nung tinawag ako ni Dahyun. "H-hoy Chae. Ano nga ulit sabi mo?"

"Ha? Anong anong sabi ko?" naguguluhan ako sa tanong niya.

"I mean, anong sinabi mong pangalan nung tinawagan mo?"

"Somi. Bakit?"

"Somi. Sabihin mo nga, ito ba yung babae na nagconfess sayo?" sabay pakita sa akin ng isang post na picture sa instagram. Andun nga si Somi pero pamilyar ang katabi niya na nakangiti rin sa camera.

"T-teka. S-si...si Mina ba yang katabi niya?" gulat na tanong ko.

"Oo Chae. At magpinsan sila." ha?



Nagkita kami ni Somi. Kinakabahan ako. Bakit ba kasi pinsan niya pa si Mina? At lintek na Dahyun, pinagtawanan lang ako.

"Ahmm, ano k-kasi So-"

"Pwede order muna tayo?" putol niya sakin. Alam kong kinakabahan din siya. Di siya makatingin sakin ng diretso.

"O-okay."

Siya na ang nag-order para saming dalawa. Wala naman kasi talaga akong balak uminom ng kape. Sa sitwasyon ko ngayon, mas nenerbyosin pa ako.

Maya-maya, sinerve na ang kape namin. Gusto ko nang tapusin to.

"Somi, kasi tungkol doon sa sinabi mo sa akin. Nagulat talaga ako. Tsaka, h-hindi pa kasi ako handa. Ayaw din kitang paasahin kaya sorry. S-sorry" Napayuko ako. Ang awkward.

"May iba ka bang gusto?" tanong niya na nagpa-angat sa ulo ko.

"H-ha? W-wla. Wala." nauutal-utal kong sagot sa kanya. Pinagpapawisan na din ako ng sobra-sobra.

ImpossibleΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα