Chapter 4

361 25 0
                                    

"M-mina unnie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Somi.

"Hinahanap kasi kita. Your classmates told me na baka andito ka raw. Check your phone. May tinext daw si Tito. Hindi ka daw sumasagot sa tawag niya so he made me check up on you. Anong meron? Ba't narinig ko pangalan ko kanina?" she looked at the both us looking confused.

"Ahh ano kasi-"

"Wait, is that you Chae?" putol niya sa sinasabi ni Somi. "We meet again." She smiled. I was dumbfounded.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Ang lala ng sitwasyon ko ngayon that it rendered me so damn speechless. But Dahyun saved me.

"Excuse me people. Hello. hello." Kaway niya sa dalawa sabay lapit at hila sakin. "Tara na Chae, mainit na masyado dito. Ice cream tayo. Oo, masarap yon. Pampalamig at pampakalma." pekeng tawa niya at tuluyan na akong nahila palabas.

Kinabukasan, usap-usapan sa buong klase ang pag "basted" ko raw kay Somi. Well, katulad ni Mina, Somi is also quite popular sa School. At dahil dun, I spent my day enduring death glares and cold stares from everyone.

Nung sumunod na araw, masama pa rin ang tingin na ibinibigay sakin ng iba kaya napagdesisyunan kong huwag na muna kumain sa cafeteria. Pakiramdam ko kasi, kada subo ko, pinagdadasal nilang mabilaukan ako. I have no choice but to eat again sa mini park. Mabuti narin to nang may peace of mind ako habang kumakain.

"Mind if I join you?" pag-angat ko ng tingin. Nakangiting Mina na may hawak na sandwich at juice sa kamay ang bumungad sakin.

"Oo naman." ngiting sagot ko sa kanya. "Lunch?"

"Oo eh. Hindi na naman kasi sumabay sakin si Somi. Ako lang mag-isa kakain sa caf. So I preferred na dito nalang kumain." binuksan niya ang balot ng sandwich niya at nagsimulang kumain.

Naguilty naman ako dun sa sinabi niyang di na sumasabay ng lunch si Somi sa kanya.

"I'm sorry."

"Ha? Sorry saan?" naguguluhang tanong niya sakin.

Umiwas ako ng tingin. "W-wala."

"Anyways, I saw you playing basketball last time. Sa PE ninyo. You're good, ba't di ka sumali sa varsity team?" tumingin ako sa kanya saglit at umiwas ulit ng tingin.

"Hindi na. I am just playing it for fun. At tsaka, baka mainjured lang itong kamay ko. I can't paint if I injured my hands."

"Wait. Really? You paint?" Manghang tanong niya sakin.

Napatawa ako. Ang cute ng reaksyon niya. "Oo, simula bata nagpipinta na ako."

"Wow, you're good in sports, pati ba naman sa arts? Swerte ng magiging boyfriend mo...or girlfriend. Complete package ka na eh. Maganda, cute, mabait, sporty at artist pa."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "Hehe. Salamat. Sobra-sobra naman yung compliment mo. Wala akong pambayad."

Tumawa siya. "Loko. Totoo naman. Kaya nga siguro gustong-gusto ka ng pinsan ko." sa narinig, napalingon ako bigla sa kanya. Alam niya?

Tumingin siya sakin at ngumiti ng bahagya. "You looked surprised. Alam nga ng iba ako pa ba na pinsan niya? Naikwento ka niya sakin. Nandun nga ako nung unang beses kang tumawag sa kanya eh." napayuko ako. "Alam mo, huwag kang mag-alala, makakamove on din yon." sabay tapik niya sa balikat ko.

"Pero gusto ko lang malaman, curious kasi ako. Maganda naman pinsan ko, mabait pa. Bakit mo siya binasted? Don't get me wrong ha. Curious lang talaga ako."

Tiningnan ko siya sa mata. "I just...don't like her." umiwas siya ng tingin sakin, then continued to ask. "So you mean to say, you like someone already?"

ImpossibleWhere stories live. Discover now