"Be happy with your future baby. Take care of yourself." Tumango ako habang piniligilan pa din ang mapaluha.

"Ikaw rin." Tumango din siya.

"You like him, right?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Hindi na mahalaga kung anong nararamdaman ko, Jackson. Alam naman natin na aalis na din ako sa poder niya sa oras na mabigyan ko siya ng anak." Mapait akong ngumiti.

"Fight—"

"Pinaglalaban lang ang pagmamahalan kung parehas niyong mahal ang isa't isa, pero kung ikaw lang ang nagmamahal, kahit anong laban mo, matatalo at matatalo ka."

"Malaki ka na. Alam mo na ang ginagawa mo." Tumango ako at ngumiti. Tumayo na siya at gano'n din ako. "Saan ka na ngayon? May pasok ka sa bar? Ihahatid na kita."

"Hindi, wala. Uuwi na ako. 'Wag mo na rin akong ihatid." Ngumiwi siya.

"Okay. I'll go now." Tumango ako at ngumiti ulit sakanya. Puro na ako ngiti.

Nang makaalis siya ay sumakay na rin ako ng taxi at nagpahatid sa bahay ni Dereck.

Nang makarating ako sa bahay ay dumiretsyo muna ako sa kusina para maghanap ng pagkain.

"Talaga? Kagabi ko nga lang nakitang pinagbuhatan ng kamay ni Sir Dereck si Sir Jackson. Bakit kaya?" Natigilan ako nang marinig ko ang usapan nila Steph.

"Hindi ko alam. Pero kawawa si Ma'am Brie, 'no? Parang galit kasi sakanya si Sir Dereck." Galit naman talaga siya.

"Anong galit? Shunga ka ba? Kaninang umaga nga, 'di ba hinahanap niya si Ma'am Brie, nasigawan pa nga ako dahil bakit daw hindi ko muna siya pinakain bago pumasok." Hinanap niya ako?

Hinahanap niya ako? Akala niya ba umalis na ako dahil sa ginawa niya sakin?

"Ay, oo. Nakita ko din kanina pumasok siya sa kwarto ni Ma'am Brie mukhang tinitingnan kung nando'n pa yung mga gamit ni Ma'am."

Akala niya ba talaga lumayas ako?

Pumasok na ako, nakita ko pa silang nagulat pero hindi ko na sila pinansin. Kumuha ako ng cup noodles at nagpainit ng tubig. Mabilis naman itong kumulo kaya nalagyan ko na agad ang noodles.

"Ma'am, wala ho kayong pasok mamaya diba?" Tanong ni Tess sa kalagitnaan ng pagkain ko.

"Wala, e. Bakit?" Humigop ako ng sabaw dahil kanina ko pa gustong mainitan ang katawan ko.

"Sa susunod na buwan na po kasi ang birthday ni Sir Dereck. Ano pong plano niyo? Surprise party po ba?" Natigilan ako bigla.

Ang balak ko sana bibigyan ko lang siya ng regalo tapos aalis na ako. Tama naman ang gagawin ko, 'di ba? Dapat lang na umalis na ako dahil parte 'yon ng kasunduan namin.

"Hindi ko rin alam. Wala din kasi ako sa birthday niya." Mukhang nagulat silang dalawa.

"Ay, bakit po, Ma'am? May lakad po ba kayo? Or pasok?" Ngumiti lang ako at tinapos na ang pagkain.

"Usapan kasi namin 'yon." Inayos ko na ang pinagkainan ko.

"Ma'am, ako na po." Hinayaan ko naman na siya. Uminom lang ako ng tubig at kinuha na ang bag ko. Malamig pa din ang panahon ngayon kaya masarap matulog.

"Ay, Ma'am, kayo po? Kailan ang birthday niyo para makapag-handa naman kami ng regalo?" Napangisi ako sa sinabi ni Steph.

"Sa 9 na. Pero 'wag na kayong mag-abala pang bumili ng regalo." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umakyat na.

Nagbihis lang ako ng pajama at t-shirt bago nahiga. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog basta ang alam ko lang ay mabigat na ang mata ko.

Nagising ako nang maramdaman kong may gumagalaw sa kwarto ko. Madilim, hindi ko kasi nabuksan ng ilaw kanina bago ako natulog.

Anong oras na ba?

Napaigtad ako nang biglang may humalik sa leeg ko.

"Sino ka?!" Tinulak ko agad ang pagmumukha ng humalik sakin.

"Let's make a baby." Parang nanghina ang buong hita ko at nagsitindigan ang balahibo ko sa buong niya. Napalunok ako nang may maalala ako.

"Ha? B-baby?"

"Uh-huh."

Nagpaubaya ako. 'Yon naman talaga ang dahilan kung bakit ako dito ngayon tumutuloy. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko nang pumaibabaw siya sakin.

"Your scent... I will never forget it."

Dahan dahan niyang hinubad ang pang itaas kong damit at inalis din niya ang bra ko. Hindi ako pumalag. Karapatan niya 'yon. Parte 'to ng kasunduan namin.

Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin sakin. Hindi ako nag-reklamo at tumutol. Lahat ng sinabi niyang gawin ko ay ginawa ko.

Hindi ko alam kung bakit ang init init ng ginagawa namin pero nanlalamig ang loob ko.

Hindi lang isang beses namin 'yon ginawa. Maraming beses pa. Hinayaan ko siya hanggang sa siya na mismo ang tumigil at napagod.

Unti unting bumalik sakin ang ginawa niya sakin kagabi. Naramdaman ko ulit ang galit dahil sa hindi niya pag respeto sakin.

Kahit nanginginig ang binti ko ay pinilit kong makatayo. Pinulot ko lahat ng damit kong nahubad sakin at pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis ulit.

Nang makalabas ako sa banyo ay nando'n pa rin siya. Nakahiga pero may kumot ang kahubadan niya. Nagtama ang paningin namin pero agad akong umiwas.

Sana lang talaga mabuntis na ako para makaalis na agad ako dito.

LESSURSTORIES

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now