IV - Benzodiazepines

Start from the beginning
                                    

He heaved a sigh, "Wag na."

"I insist."

He smiled, "Kasalanan ko din naman."

"Still,"

"Kulit, tsk. Sabay mo nalang ako sa kotse."

Nakatingin lang ako sa kanya. My face remained deadpanned but I am feeling so sorry. Unjustifiable din yong ginawa ko. Oo, ang jerk niya sa part na basta nalang nang-spray ng pabango pero.. I can't excuse that alone to cover my mistake..

Ramdam kong nanghi-hinayang siya don sa pabango kahit naka-ngiti siya. Mukhang tanga talaga mga pretentious na tao. He can get mad at me naman.. or baka deep inside?

Pano ba mag-sorry?

I glanced at him.. mukhang iimik na siya kaya di'ko napigilan ang sarili ko, "Silence."

He just laughed.

**

"Amoy lalaki ka," Ansel frowned as she sniffed me. Umiwas ako ng konti. Buti nalang sanay sila na hindi ko madalas sinasagot ang bintang o tanong nila kaya hindi ko nalang pinansin. My face remained deadpanned.

I decided na pumunta mamaya after class sa mall at ibili si Cane nong pabango. Hindi ako makakatulog na guilty no.

"Smells Hurri," Cy said.

Damn it. Agad silang nag-share ng tingin bago mapang-akusang tumingin sakin. Parehas may nakakalokong tingin. Nakakainis talaga! Mukha silang tanga.

"Ano, nagshe share na kayo sa pabango?" Ansel giggled. Oh, heavens.. patience please..

"May continuation yong sa cr?" Cy's brows wiggling. Hindi ko nalang sila pinansin.

I don't want to lie to them.. pero ayoko din na tuksuhin nila ako kay Hurricane. Silence is always the best and powerful answer. It only left someone with conclusion and curiosity but never the truth.

Six pm came, kinukulit padin ako ni Ansel about the perfume kung hindi lang niya naalala na ngayon kami pupunta sa LIT hindi pa siya titigil. Buti nalang dumating si Ada.

Sobrang nag-tagal kami sa kakapalit-palit ni Ansel ng susuotin. I settled naman sa ivory fitted dress. Silk siya at plunging ang neckline. Bare back. Nag-baon nalang ako ng cropped-top denim jacket. Nagpa-ipit ako kay Ada ng high ponytail. Light make-up lang ang nilagay ko pero glittery.

Ansel finally got contented sa black fitted dress niya. Spaghetti strap. Bun plait ang inipit sa kanya ni Ada. Nilagyan ko naman siya ng light nude make-up. She really looks great. No wonder ang dami padin gustong manligaw sa kanya kahit taken na siya.

By 7 pm, dumating na si Cy para sunduin kami-not literally 'kami' kasi si Ada lang naman talaga yong gusto niyang masundo. Sa backseat kami ni Ansel umupo since tinignan na agad kami ni Cyclone nang warning look niya. As if naman gusto namin tumabi sa kanya.

Pasimple kong nilagay ang paperbag na tinago ko sa denim jacket ko at siniksk sa upuan.

"Pano mo naging friends mga 'yon?" Ansel curiously asked Cy.

"Nag-aya lang si Barb."

"Nage-exist pa pala siya."

Medyo puno na ng tao nang makadating kami sa Lit. The place was screaming with perfect class and Japanese vibe. Hindi ko aakalain na na-miss ko ang lugar na'to especially the whiskey..

"Cyclone!" a lady called. Napatingin kami agad sa isang long table.

Some of them are familiar since sila yong madalas namin makita sa coffeeshop lately. Who would've thought na makakasama namin sila uminom dito?

Winning HurricaneWhere stories live. Discover now