Nang makita na Haponesa ang nasa counter, dali dali kong inilabas ang phone ko at pumunta sa language translator app.

"No Japanese," I gestured. "English only. You. Speak. Here," I pointed my phone. "Talk. Speak."

Nalukot ang mukha nito noong una ngunit agad din niyang nakuha. Nagsalita ito sa harapan ng cellphone. Itinapat ko sa aking tenga ang telepono nang nagtranslate ito.

"What's your order?" my phone said.

Itinapat ko sa bibig ang aking cellphone at sinabi ang order ko. Nang magtranslate ito ay ipinarinig ko sa babae.

"Buta katsudon 18-ko (Eighteen pieces of pork katsudon)," my phone said.

Itinabi ko na ang cellphone ko nang tumango sa akin ang Haponesa.

Sa daming taon kong paninirahan sa Osaka, hindi kailanman sumagi sa isip ko na mag-aral ng Japanese. Wala naman akong plano na mag-asawa ng Hapon para mag-aral ng Japanese.

May kaunti naman akong alam sa Japanese. Iyong mga naririnig kong sinasabi ni Juliet o di kaya'y ni mommy.

"Juuhachi? (Eighteen?)" the girl on the counter asked.

"Nani the what!?" my forehead wrinkled in confusion. I already turned off my phone!

Napatingin ako sa isang Amerikana na sumulpot mula sa likuran ng Haponesa.

"She asked you if your order is eighteen pieces," she said.

Pinalis ko ang pawis na namuo sa sentido ko. Goodness! Akala ko ay mapapasabak ako.

"Oh! Yes, eighteen!"

Naghintay ako ng ilang minuto para sa pagkain. Umorder ako ng boba tea sa katabing tindahan habang naghihintay.

Dumiretso na ako sa loob ng aking sasakyan nang makuha na ang mga pagkain. Nagmadali ako sa pagmamaneho dahil alas-dose pasado na. Tiyak ay gutom na ang mga nagtatrabaho.

"Sonya!" Engineer Riaza lifted his hand up.

In-apir-an ko iyon. "Nasaan ang mga nagtatrabaho?" I sipped on my boba tea.

"Malamang nasa loob? Baka nasa langit, Sonya? Tignan mo," he sarcastically replied.

I remembered someone. I shrugged and then shook my head.

"Kain muna kayo," I lifted up the paper bag I was holding.

"Sige, sabihan ko lang sila," sabi nito at pumasok sa loob.

Sinundan ko siya bitbit ang mga pagkain. Napatigil lamang ako nang makita si Vidales na palabas ng resto.

He was looking at the paper he was holding. Patuloy ang lakad nito kaya't tinawag ko siya.

"Architect!" ngumiti ako rito nang malawak.

Tinitigan ako nito sandali sa mata bago bumaba ang tingin sa mga pagkaing dala ko.

"Kain tayo!" I offered. I didn't wait for his respond. Ayokong mapahiya.

Dumiretso na ako sa loob ng resto. Malakas ang amoy ng semento dahil siguro katutuyo lang. Ang mataas na pader ay wala pang pintura. Sa may dulong bahagi ay nakapuwesto ang mga hollow blocks. May tatlo namang lamesa na nakapuwesto sa bungad ng resto. Siguro ay doon kumakain ang mga nagtatrabaho.

Hindi ko alam dahil dati, umaalis agad ako pagkahatid ng mga pagkain. Ngayon ay mananatili ako kahit siguro trenta minuto lang.

"Konnichiwa! (Good day!) Kain po tayo!" bati ko sa lahat.

Ang ilan sa mga trabahador ay Hapon ngunit mas marami ang mga Pilpino. Mabuti at hindi ako pinagdamutan ni daddy. Silang lahat ay sa kompanya niya galing.

His Cold Touch (Japan Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora