Chapter 31 : Captured

Start from the beginning
                                    

“Curtis! Curtis!” Sigaw ako ng sigaw pero muli lamang akong pinagtawanan ni Kevin.

 “Walang hiya ka pakawalan mo kami dito! Papatayin kita!” Sigaw naman ni Milo na nanggagalaiti na sa galit.

Muling lumapit si Kevin sa mismong tapat ng kulungan ko, hindi parin nawawala ang malademonyong ngisi sa mukha niya, “Musta na? Masarap bang tulog mo?” Aniya.

“Kevin we can still fix this! Pakawalan mo kami!” Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

“Fix? Everything’s Perfect Erin! Everything’s going according to our plan!” Pagmamalaki niya habang  nakaliyad ang dalawang kamay at humalakhak.

"Kevin wala kaming kasalanan sayo! Pakawalan mo kami!” Iyak naman ni Kitty.

Biglang kinuha ni Kevin ang flashlight na dinala at salitan niya itong itinutok sa amin nila Milo Kitty at Paul.

“Anak ng—Nasaan—Guys?! Nasaan ako?! Anong nangyayari?!” Narinig kong may nagsalita mula sa kulungang katabi lang ni Paul. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero sigurado ako kung kaninong boses ito—Kay James!

Itinutok ni Kevin ang flashlight sa direksyon ni James ngunit habang ginagawa niya ito ay saglit na nahagip ng liwanag ang isang mesa. Nakita kong nakapatong rito ang isang video camera, lubid, mga damit at isang kutsilyo.

“Erin anong meron? Ba’t ka nakangisi?” Tanong ni Kevin at itinutok sakin ang flashlight.

*****

KITTY’S POINT OF VIEW

Iminulat ko ang mga mata ko

Napakasakit ng katawan ko lalo na ng ulo. Hindi ko na matandaan kung anong nangyari o kung bakit ako ngayon nakahiga sa gitna ng kakahuyan.

Dali-dali akong bumangon pero nakatali pala ang mga kamay ko at nasa isang kulungan ako sa gitna ng gubat.

“M-milo? Oh My God!” Napaiyak ako nang makita kong kasama ko lang pala si Milo sa iisang kulungan.

Wala siyang malay kaya pilit kong niyuyugyog ang braso niya hanggang sa magising siya.

 “Kitty?” Nalilito niyang untag. Gaya ko ay hindi rin niya naiintindihan ang nangyayari.

 Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero nakatali ang mga kamay namin.

"Nasaan tayo?” Nalilitong sambit ni Milo at naupo.

“Hindi ko alam,” Umiling-iling ako, “Ang naalala ko takot na takot ako kaya sinubukan kitang sundan, hanggang dun lang,” Napakagat ako sa labi ko pero sadyang hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagbuhos.

“Shit! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” Natatarantang tanong ni Milo na para bang kinikilatis ang mukha at buong katawan ko kaya napapikit na lamang ako at umiling-iling.

"Okay lang ako... Hindi lang tayo ang nandito, Milo tingnan mo, marami tayo.” Manginignginig akong ngumuso sa iba pang mga kulungan kung saan naroroon ang mga walang malay na nakasuot ng kulay orange na damit at sako sa kanilang mga mukha.

Sa sobrang takot ko ay napapahagulgol na lamang ako. Natatakot akong mamatay. Natatakot akong mamatayan ng mga kaibigan.

 “Tulong…” Narinig kong may umungol kaya agad kaming napatingin ni Milo sa kulungang katabi lang namin.

“Erin?! Oh my God Erin! Thank God you’re alive!” Umiiyak man hindi ko napigilang mapangiti. Buhay siya. Buhay ang bestfriend ko.

Tama nga si Robbie. Diyos ko, maraming salamat.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now