Chapter 43: Pull Me Closer

24 3 0
                                    

CHRISTIAN POV

Nung pumasok na kami sa MCDO ay umupo muna ako at nag order na sila, Mga ilang minuto pa ay nakabili na sila ng pagkain kaya lumapit sila sa akin.

"Tara na" sabi ni Josh habang ni-double check niya yung binili niya

"May fries at sundae ba?" Sabi ko kaya tumingin si Kaleb at Josh sa akin na parang nalilito

"Nakalimutan niyo na ba? Hindi ako kumakain ng rice sa morning, fries and sundae lang talaga gusto ko dito sa mcdo" seryoso kong sabi

"Okay kalang ba? Ang aga-aga, mag ice cream kana?" Sabi ni Kaleb

"Tsk" yan lang ang sinabi ko at napansin kong napa buntong-hinga si Josh

"Bibili lang ako, teka" sabi ni Josh, kaya idol ko itong Josh eh. Tumingin ako kay Kaleb and He gave me a not agree look

"Bleh" sabi ko, para kaming mga bata dahil nag "bleh" din siya sa akin. Yep confirmed bata pa talaga kami

Nung bumalik na si Josh ay may dala-dala na siyang pagkain ulit, "sundae and fries" sabu niya habang binigay sa akin kaya agad-agad kong tinignan ito, legit nga kaya nag smile ako na parang bata

"Tara na nga" sabi ni Josh kaya agad-agad kaming umalis sa MCDO

"Hindi na ba tayo mag tricycle?" Pa-cute kong sabi kaya tumingin si Josh sa akin

"Eh, gusto mo bang bawiin ko yung fries at sundae mo hmp?"pa cute din sabi ni Josh kaya nagulat ako

I knew it, may plano talaga itong Josh everytime mabuti siya sa akin!

Tumingin ako kay Kaleb at parang naguguluhan siya, Naku parang kailangan marunong si Kaleb sa ultimate mega cute powers ko.

"Aish, sige na nga" inis kong sabi habang hinawakan ko yung sundae at fries ko habang nag pout kaya pumara si Josh ng taxi at sumakay na kami

"Hindi na talaga ako sasakay ng tricycle, NEVER!" Sabi ni Kaleb, nasa front seat kasi siya habang kami ni Josh nasa likod

"Oh okay at dahil hindi ka nagbayad sa tricycle kanina, ikaw magbabayad" sabi ko kaya tumawa kami ni Josh habang tumingin si Kaleb sa amin

"WHAT?!" he shouted

"Diba mayaman ka? Magbayad ka!" Sabi ko kaya mas tumawa kami ni Josh at napansin kong nag mimic si Kaleb pero hindi ko na ito ni big deal dahil tuwang-tuwa ako sobra

Ang saya pala maging masaya noh? Yung hindi mo kailangan mag pretend na masaya ka.

Mga ilang minuto ay nasa harapan na kami ng Hospital kaya nagbayad si Kaleb habang kami ni Josh dala-dala namin ang mga pagkain at bumaba na sa taxi, Nung bumaba na din si Kaleb ay agad-agad kaming pumasok sa Hospital dahil alam kong gutom na itong mga baboy, joke lang baka mabasa nila ito mapatay ako anytime.

Nung nasa labas na kami ng room ay pumasok na kami at ayon na nga agad-agad nilang nilapag ang dala-dala naming pagkain sa table, nung na ilapag na nila ay umupo muna kami at ayon na nga, kumain na kami. Nung tapos na kami kumain ay nagsalita na si Kaleb, "Bro uwi na ako" Sabi ni Kaleb kaya nagtaka ako

"Bakit? Hindi mo ba sasamahan si Josh" sabi ko

"Okay lang bro sige ingat ka" Josh said in a dry tone

"Eh mag a-attend ako ng class sa afternoon" Sabi ni Kaleb habang kinuha na niya yung keys niya at tumayo kaya napa smirk ako, napansin ito ni Josh at Kaleb kaya tumingin sila sa akin

"We all know na hindi ka papasok mamaya kapag absent ka sa morning at kahit pumasok ka man, papasok ka lang naman dahil kay Samantha at hindi ka naman matuto" Sabi ko kaya napa scoff si Kaleb while Josh and I giggled

Happy Never After (Master Romance Season #1) On-GoingWhere stories live. Discover now