"So, how's life while I'm gone?" Tanong niya na akala mo nagtatanong sa kasintahan niyang matagal niyang hindi nakita dahil sinaktan at niloko lang naman niya tapos babalik siyang parang walang nangyari, may pabili-bili pa ng factory at Marikina. Gago!

Tinignan ko siya ng masama habang sumusubo ng isda. Mabagal ko pang nginuya yon bago lunukin at uminom ng juice sa wine glass kasi hindi ako pwedeng uminom ng alak baka ialay ko siya sa apoy.

"Masaya. Promise." Madramang sagot ko. "Enjoy ang kidnapping." Sabay bigay ng plastic na ngiti.

Tumango-tango siya. "It's my fault—."

"Ay buti alam mo!"

"Look—."

"Pwedeng wag ngayon? Kumakain ako eh." Reklamo ko at mukang nakuha naman niya.

Naging tahimik tuloy kami habang kumakain. Inenjoy ko ng husto ang sosyal na salmon. Ng matapos kumain tahimik pa rin kami. Malamang ko iniisip na niya kung paano ako uutusan na maghugas ng plato.

Hindi ako maghuhugas. Manigas!

"Would you like—?"

"Hindi ako maghuhugas ng plato!" Putol ko sa sasabihin niya.

Malakas siyang tumawa. "I'm about to ask if you want some desserts."

"Ano... Ano ba yan? Masarap ba yan?" Kuwaring intrigrang tanong ko.

"Of course." Sabi niya at tumayo.

Binuksan niya ang ref at may kung anong kinuha. Nanguha din siya ng platito sa cupboard bago sinumulan ang paglalagay don. May ilang minuto din ang hinintay ko bago niya iabot sakin ang chocolate ice cream na may whipped cream at vanilla syrup.

SAAAAARRRRAAAAP!!!

Nakangiti pa ko bago simulang lantakan yon.

"You like it?" Tanong niya.

"Sinong hindi?"

Tumawa na naman siya bago magpangalungbaba habang nakatingin sakin. Dun ko lang napansin na wala siyang desserts kagaya sakin.

Bigla nalang akong kinutuban. "A-anong nilagay mo dito?"

"Whipped cream and vanilla syrup."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Mas singkit pa sa Koryano at Intsik.

"Yun lang? Yun lang?!"

Nangunot ang noo niya. "Should I put something else?"

"Wala talagang iba? Hindi mo to nilagyan ng kagaya sa tubig na pinainom mo sakin?" Pang-aakusa ko.

Mukang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Napailing siya habang nakangiti.

"No. I did not put anything else."

Dinuro ko siya ng kutsara. "Sinasabi ko sayo! Papabugbog talaga kita kay Kuya Angelo."

"Like I'm scared." Bulong niya pero nadinig ko pa din.

Isusumbong kita kay Kuya. Akala mo.

Tinuloy ko nalang ang paglamon sa ice cream. Nakatingin pa din siya sakin na parang ine-enjoy niyang makita na masaya akong kumakain.

"I miss you." Biglang sabi niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon