Hmpf! Puro frozen goods.

"Double door pa man din." Bulong ko at sinara nalang ang ref.

Tinuloy ko na ang balak kong pagtakas. Halos magtatalon ako sa tuwa ng makalabas ako at makalakad palayo ng hindi napapansin ng Hari ng mga Ulupong. Ilang beses ko siyang nilingon at ganun pa rin ang ginagawa niya.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na matanaw ang bahay at ang hudas. Sa kasamaang palad dahil sa init ng buhangin maka-ilang beses akong huminto para lang isuot ang sapatos ko, tapos huhubarin ko din dahil naghahakot ng buhangin.

Mabuti nalang at hapon na dahil malawak na ang parte na may lilim. Salamat sa bundok na bato na siyang humaharang sa init ng araw.

Alam kong sandali pa lang akong naglalakad, pero dahil sa init mabilis akong mapagod at mauhaw. Napatingala ako sa harap ng puno ng niyog. Hindi kataasan pero hindi din mababa. Ang dami bunga sa taas.

Pantawid uhaw lang oh!

Umaakyat ako ng puno dati. Pero hindi pa ko nakaka-akyat sa puno ng niyog. Kasi paano ka aakyat dito? Walang sanga na kakapitan.

Pero dahil sa uhaw, susubukan ko pa rin. Binaba ko ang bag ko at ang sapatos. Tumingala pa ko sandali bago simulang umakyat. Nakatungtong ako sa malapad na parte ng puno. Pero nangsubukan ko ng ihakbang ang paa ko paakyat—wala na! Hanggang dun nalang.

Nag-isip pa ko sandali kung paano ba ang magandang teknik. Niyakap ko ang puno at sinubukang umakyat pagapang. Napatawa naman ako ng umusad ako paakyat.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman kong dumudulas ako pababa.

"Ayyy.... Waaagg!" Pagmamaka-awa ko sa puno.

Dumudulas talaga ako pababa. Sinubukan ko pang yumakap ng mahigpit pero dumudulas pa rin ako. Hanggang sa dinggin ng puno ang pagsusumamo ko. May kamay na sumalo sa pwet—tangina!

"HAYOP! BAKIT MO KO HINAHAWAKAN?! WAG MO KONG HAWAKAN DYAN!" Sigaw ko habang pilit nililingon ang demunyu.

"Do you really want me to let go?"

Parang may sumuntok sa puso ko. Napayakap ako ng mas mahigpit sa puno kasunod ng sunod-sunod na pagmumura ko sa isip ko.

Kwanan.

"You know, I can do this all day." Sabi pa niya at ramdam ko ang pang-aasar sa tono niya.

Hayop! Hayop! Hayop!

"B-bitiwan mo ko! Sasamain ka sakin!" Banta ko.

"I can't. But you can let go, I'm ready to catch you."

Catch you! Catch you! Ulowl!

"Ayoko! Lumayas ka dyan! At alisin mo yang kamay mo sa pwet ko!"

Dinig ko ang mahina niyang pagtawa. Inalis ko ang isang kamay ko sa pagkakayakap at pilit hinahampas ang kamay niya sa pang-upo ko pero agad ko din binalik dahil sa unti-unting pagkahulog.

"If I let you go, you'll fall on the ground." Sabi niya na akala mo nagpapaliwanag ng masamang mangyayari.

"Wala akong pake! Kahit mabalian ako!"

Dinig ko ang mahina niyang buntong hininga. "Okay, you ask for it."

Inalis niya ang kamay sa pang-upo ko at halos malagutan ako ng hininga ng tuluyan akong malaglag mula sa pwesto ko. Napabitaw ako sa pagkaka-yakap at dire-diretsong napahiga sa buhanginan.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon