Halos hindi mag-sink in sa akin ang lahat. Doon ko napagtanto kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ni Ezzio kahapon. Their company's name was tainted! Damay ang kumpanya nila sa issue na 'yon! Siguradong madami ang kwekwestiyon kung bakit hindi nila nasiguradong malinis ang background ng kliyente.

I couldn't help but be worried about him. Siya ang head ng kumpanya nila rito sa Pilipinas. Siya ang kailangang humarap sa problema at sa board of directors. I could only imagine how the board would react. Nag-aalala ako sa kinakaharap ni Ezzio sa mga oras na 'to.

I immediately texted him. I said I saw the news. But an hour passed and he still hadn't replied. Nakarating na lang ako sa El Gusto, wala pa rin. Kaya naman napagdesisyonan kong tawagan na siya. I could hear his phone ringing but the call immediately ended. He was rejecting my calls!

Tumawag ako ulit, pero ganoon pa rin ang nangyayari. I called once again, but he really wasn't answering.

What the hell, Ezzio!

Inis kong tiningnan ang phone. Ngunit nang maisip na baka iniistorbo ko lang siya ay bahagya rin akong napabuntong hininga. Fine. I'd give him time. Hindi ko siya guguluhin ngayon.

'Yon nga ang ginawa ko. I went on with my day like the usual. The thought of him crossed my mind from time to time but I managed to not reach out to him. Bumisita naman si Venny sa shop kinahapunan. Pinag-usapan namin ang tungkol doon. I said I had no idea about it. Well, it wasn't like Ezzio opened up to me a lot, in the first place. Kahapon nga lang naging sobrang maayos ang pakikitungo niya sa'kin, 'di ba?

Ganoon din naman si Venny. Wala rin siyang alam doon. Bakit nga naman meron? E, kliyente lang naman niya si Ezzio at hindi sila nag-uusap tungkol sa mga bagay sa kumpanya.

When I finally got home, that's when I decided to call him. Pero taliwas kaninang umaga, isang tawag lang ang ginawa ko. Hindi na ako nagulat pa nang hindi niya nanaman sinagot. I only breathed in, deciding to get my mind off it for the night.

The following day was the same. So was the day after that. Sa mga araw na nakalipas ay nag-aabang lang ako sa balita, hinihintay na makatanggap ng good news. Pero naging tahimik na ang media. Kung meron mang lumalabas ay tungkol lang sa manufacturer at wala nang ibang ditalye ukol sa kumpanya nina Z. I didn't know if I should take it as a good sign. Dahil kahit ganoon ay hindi pa rin ako sigurado kung ayos na ba ang lahat.

"The number you have dialed is now unattended. Please try your call later."

I sighed after hearing the same line I heard the last time. My anxiety for him was through the roof. Was he really okay? Hindi ko alam. I just wanted to know. I just wanted to hear from him. I just wanted to reach out.

"Sam? This is Paris."

"P-Paris!" bakas ang pagkagulat sa boses niya. "What made you call?"

Hindi ako agad nakasagot. Napagtanto niya siguro 'yon dahil dinagdagan niya ang sinabi.

"You're worried, aren't you?"

I bit my lip. There was no denying it. Huminga ako ng malalim.

"Sam, are you with Ray? Can I talk to him?"

This was the only solution I could think of. Kung hindi ako sinasagot ni Ezzio, baka naman nakikipag-usap siya kay Ray kahit papaano. Baka lang sakaling alam ni Ray kung saan siya matatagpuan. O kahit malaman ko lang mula sa kanya kung kamusta si Z.

"S-Sure! Yeah, he's with me," After that, her voice became faint while calling her fiancé. "Babe, Paris wants to talk to you!"

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Where stories live. Discover now