Chapter 14

9K 381 92
                                    

Paris

Pareho kaming napalingon ni King sa gawi ni Ezzio. Nang makita ko siya ay tumatakbo na siya papunta sa amin. Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat.

Really? Talagang eksaktong ngayon siya dumating?

"Paris," aniya nang makaabot. He only gave King a short nod to acknowledge his presence. Hindi ko alam kung bakit tila nailang ako bigla. Alright! There's the three of us in the kiosk now. Totally not awkward.

"Let's go?" tanong ni Ezzio. Hindi ako agad nakasagot. Isang tango lang ang naibigay ko.

I looked at King to bid him goodbye.

"Una na kami," was all I could manage to say. May parte sa akin na nanghinayang dahil hindi ko tuluyang nasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman. But for some reason, a part of me was also relieved because I was starting to think it was a bad idea. Mabuti na lang pala at dumating si Ezzio.

When I turned back to him, I just saw him looking at King with a blank expression on his face. Hmm. Siguro nga hindi talaga sila close, ano?

We immediately started walking after that. Napansin ko ang pagkaiba ng mood niya. He seemed... off. And quiet, too. Tila malalim ang iniisip.

Habang naglalakad palabas ng campus, tinanong ko si Z kung bakit niya pa ako ipinaghintay kanina. I mean, seeing each other wasn't necessary. Kasi wala naman kaming napag-usapang lakad ngayon.

It took a couple of seconds before he replied.

"Hin...di ko rin alam," mahina niyang sabi, tila ba nalilito. My forehead creased. Anong hindi niya alam? Pwede ba 'yon?

I decided to shrug and ignore his answer. I shot another question. "Wala ba kayong training ngayon?"

Medyo matagal uli bago siya umiling. "Meron. Nagpaalam lang ako kay coach."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ba't naman?"

Nasa parking lot na kami at papasok na sana sa sasakyan niya, but we stopped when I asked him that. Nakatingin kami sa isa't-isa, ang sasakyan niya nasa pagitan namin. He looked... confused. Yung parang kahit siya mismo hindi alam kung anong sagot sa tanong ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Masyado siyang lutang!

"You know what? Huwag mo na lang sagutin," I said and got into his car.  Agad rin naman siyang sumunod at pinaandar ang kotse. Alam kong ihahatid niya ako sa bahay dahil napansin kong papunta roon ang mga daang tinatahak niya. For a moment, I wondered again why he skipped his training today. Pero dahil wala akong maisip na sagot, I just settled with the idea of him not having enough sleep. Baka gusto niya lang talagang umuwi dahil masyado siyang pagod at lutang. Tapos naisipan niya na lang na isama ako, tutal nasa isang neighborhood lang naman kami. It made sense.

We were quiet the whole ride. Medyo nasanay na rin ako sa katahimikan kasama si Ezzio. Kaya lang, there was something weird about it this time. Parang... ang awkward. Ang awkward niya.

Hindi naglaon, huminto ang kotse. I looked outside the window and saw the familiarity of our spanish-style house. Ang daddy kasi nagpatayo ng bahay namin. He wanted to make it reflect his spanish roots.

Bumaling ako kay Ezzio para magpaalam sana. Pero nang makita ko siya, batid ko pa rin na marami siyang iniisip.

"Ayos ka lang?"

Nakahawak lang siya sa manebela habang nasa harap ang tingin. He nodded slowly.

"Yeah," he answered, still preoccupied. Hindi ko mapigilang magtaka. I was about to say something again when he turned to me.

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Where stories live. Discover now