Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kim! Ito na ang hinihintay na tanong ng lahat. There's a lot of rumors and pictures going around. There's a lot of dots na naco-connect. Kim, are you the secret wife of Nathan Juariz?" Ang intregang tanong ni Pelay dito dahilan para mapahalakhak ako.

"Anong nakakatawa?" Ang nagtatakang tanong ni Chammy sa akin.

"Wala. Iniisip ko lang kung paano ipapasara iyang show nila. Ako ang papalit! Napaka-walang kwenta ng mga tanong nakaka-sira ng relasyon." Ang pangde-deskrimina ko dito.

"Hmm...baka?" Pareho kaming natahimik ni Chammy sa sagot nitong Kimarot Domingo habang iyong nasa set hindi na magkamayaw sa pagtili "Haha! Joke lang po." Ang awkward niyang tawa.

"Alam mo, bakla...magpa-boobs ka na. T'as 'yang ilong mo patangusin mo nalang ng unti." Ang pang-uuyam ni Chammy sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin saka padabog na pinatay ang TV.

"Tayo na." Tumayo ako sa inuupuan ko saka hinarap si Chammy.

"Saan?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.

"Sa sementeryo. May ipapalibing akong haliparot na Kim Domingo ang pangalan." Ang sagot ko.

"Gaga! Senador tatay n'on, oi! Vernon Domingo, gurl. Minority Leader ng senado."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito saka muling napabalik ng upo katabi ni Chammy. "Alam mo, hindi naman talaga maiiwasan ang mga admirers. Normal lang naman 'yan sa buhay. Sa tingin mo anong ikakaso kapag sinampal ko sa kanila ang marriage contract?"

"Ewan ko, bakla. Tanong mo sa asawa mong abogado. Sa sampalan lang ako marunong eh."

Lumipas ang buong maghapon at tanging pagpla-plano lang kung paano namin pupuksain ang mga peste sa buhay. Chos! Ano ako threatened? Sa ganda kong 'to?

Slight lang.

May tiwala naman ako kay Nathan pero wala akong tiwala doon sa mga hitad sa paligid niya. Aba'y dumadami na sila, girl. Hindi lang si Kimarot. Hindi lang si Kim ang nakikita kong nagte-text palagi sa cellphone niya na pang-trabaho lang dapat. Ibang consultation service yata ang gusto nila sa asawa ko.

"How's your day, baby?" Ang narinig kong tanong ni Nathan pagkalapit niya sa amin ni Nigel.

Alas nuebe na ng gabi at kasalukuyan kong pinapatulog si Nigel. Si Noah naman ay nakatulog sa higaan namin. Naglalambing kasi kanina dahil pinagalitan ko. Aba'y nakipagbuno na naman sa kaklase niya. Hindi rin siya gaanong nakikipag-usap sa mga classmates niya. Hindi ko naman siya pinagalitan tungkol doon. Naiintindihan ko naman na may mga bata talagang tahimik. Ang ikinagalit ko lang ay ang pagiging bayolente nito minsan.

"Magiging okay pag-hinalikan mo ako. 'Yong french kiss please." Ang malanding sagot ko dito habang patuloy na sinasayaw si Nigel sa mga bisig ko. Bakit ba?! Bakit ang sarap niyang humalik? Charot!

Natatawa siyang lumapit sa pwesto ko saka ako hinalikan. Ewan ko kung anong gayuma ang pinainom ni Nathan sa akin at tuwing nagkakalapit kami parang gusto ko nalang bumukaka dito. Feel ba niyo yong pagiging pokpok ko mga bes? Hindi? Wala kasi kayong jowa.

Pagkatapos naming maghabol ng hininga hinalikan naman niya kami ni Nigel sa noo.

"Naging malikot na naman ba ang biik na 'to?" Tanong niya. Malakas ko itong pinalo sa balikat saka kinurot.

"Sa gwapo at cute ng anak ko, tatawagin mo lang na biik? Akala mo naman kung sino kang gwapo." Ang inis kong saway dito. Like duh?! Ginalingan ko pa ang paggiling para magawa itong chikiting na 'to tas tatawagin niya lang itong biik? My ghad. Hindi ka na makakaisa, Nathan.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon