9

80.8K 3.3K 1.3K
                                    

Austine Villaluz POV

Nandito kami ngayon sa harap ng aming bahay. Tahimik lamang silang nagmamasid kay Noah habang ako ay malakas na napapaiyak sa nakikita ko.

"NO!NOO!!! MOMMY!! Please don't make me leave po!! Mommy I want to stay with you!!!" Sigaw ni Noah habang umiiyak. Hawak-hawak siya ngayon ni Sir Nathan at pilit kumakawala mula dito.

Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kong lumapit sa kanila at kunin siya pabalik pero hindi ko magawa. Wala akong kakayahan. Tanging ang pag-iyak lamang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.

"NOAH CRAIG! FOR THE LAST TIME. BEHAVE!" Matigas na saway ni Sir Nathan sa bata. Pero parang wala itong narinig mula sa kaniyang ama at patuloy pa rin itong umiiyak at nagwawala. Nagulat ako ng makawala ito mula sa kanyang ama at mabilis na napatakbo sa akin.

"N-Noah, anak, makinig ka nalang sa daddy mo ha? B-bibisitahin naman kita paminsan-minsan eh." Sabi ko sa kanya. Pinantayan ko ang kanyang tindig at pinahiran ang kanyang mga luha. Mabilis niya akong niyakap. Yakap na sobrang higpit iyong tipong ayaw na niya akong mawala. Ang sarap sa pakiramdam pero sobrang sakit rin.

"Mommy ko, let's go home together nalang po, please. I'll be alone again. No one will like me ulit." Sabi niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"B-baby, h-hindi kasi puwede yan eh. Kailangan kong mag work para may pambili ka ng toys mo, diba? Doon ka muna kay daddy mo kasi mas safe ka doon. Hindi ka mahahanap ng bad guys doon eh" Paliwanag ko sa kanya.

"Don't work nalang po, mommy ko. Daddy have a lot of money po you can just ask him to give you some." Seryosong sabi niya. Nabilaukan tuloy ako ng laway ko. Lecheflan mga beh! Ang drama-drama na namin oh. With matching pa iyak-iyak pa yan ha. Tas sasabihan niya lang ako nun?! Sorry girl, hindi ako marupok. Pero pwedeng igrab ang suggestion ni Noah? Charot!

Humiwalay sa pagkakayakap ko si Noah at mabilis na lumapit sa kaniyang ama. Nagulat naman kaming lahat ng lumuhod ito sa kaniyang harapan at niyakap ang mga binti ni Sir Nathan.

"Daddy ko, let's go home with mommy please daddy." Pakiusap nito kay Sir Nathan habang sumisigok.

Tahimik lamang si Sir Nathan habang nakamasid kay Noah. Iyok titig niya parang nakatingin sa isang estranghero. Napakalamig ng pagtitig niya dito. Maya't-maya ay nagpakawala ito ng malakas ns buntong hininga.

"Stand up. You have to ask permission from Mr and Mrs Villaluz. If they'll agree I'm going to make your..." sandali pa itong napatigil bago nagpatuloy, "..mommy come with us."

Seryoso?! Isasama nila ako?! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Dapat ba akong matuwa o baka kailangan ko ng ipagdasal ang kaluluwa ko? Kasi sa paraan ng pagtitig ni Sir Nathan sa akin parang gusto yata niyang kunin ang kaluluwa ko at ialay kay kamatayan.

"Ah..eh.."

"Grandmama? Grandpapa? Can mommy come with us po?" ang magalang na tanong ni Noah kina mama.

"Walang problena, apo. Kong papayagan ng ama mo bakit hindi." Si papa na ang sumagot dito habang nakangiti.

"Thank you po!" Mabilis nitong nilingon si Sir Nathan. "Daddy!"

Tumango lamang ang huli bago naglakad patungo sa nakaparadang sasakyan sa harap ng aming bahay. Lumapit naman si Noah sa akin at hinila ako papunta sa sasakyan. Tiningnan ko sila mama pero binigyan lamang nila ako ng ngiti.

Bago pumunta sa akin si Noah hinagkan niya muna sila isa-isa.

"Babye po! We will visit you tommorrow" paalam niya sa mga ito.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon