38

69.9K 2.8K 817
                                    

Third Person POV

Nagmamadaling lumabas si Nathan kasunod ng kapatid niyang si Ian at Francis palabas ng kanilang mansyon. Tatlong araw na ang lumipas simula ng tawagan niya ang kapatid ni Austine, it took them three days to complete important works to free up their schedules para sa araw na ito. Ngayon araw nila pupuntahan si Christian Balbueno, their father's ex-lover.

Aside from trying to ask for his hand para tulungan silang paamuhin ang ama, kuryuso rin siyang makilala ito sa personal. Marami siyang katanungan dito. Alam niyang sa gagawin niyang ito, maaaring manganib ang relasyon ng kanyang ama at ina.

"N-Nathan, saan ka pupunta?" Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ang nakasalubong na babae. Gusto niyang matawa dito, kung umakto ito parang may namamagitan sa kanilang dalawa.

"None of your business." Aniya at nilagpasan ito. Tuwing nakikita niya ang mukha ng babae ay nanggagalaita ang kamay niyang dapuan ito ng kamao.

Malakas ang kutub niya na may kinalaman ito sa pagkamatay ni Diana pero wala siyang makuhang ebidinsya. Wala na rin silang ibang alam tungkol sa babaeng 'to bukod sa ibinigay sa kanila ni Jonas. Sobrang hirap halukayan ng nakaraan ni Diana Wang. Iyong kahit alam mong may ginawa siyang masama hindi mo naman alam kung paano patutunayan 'yon and it's frustrating.

"Wait lang, Nathan!" Pinigilan siya nito sa pagpasok sa loob ng sasakyan sa pamamagitan ng paghila nito sa kanyang braso. Iwinaksi niya ang kamay nito at pigil ang iritang niyuko ito.

"What do you want? We have an important meeting with an investor. We can't be late."

"But you promised tita you'd go with me at Gissele's." Ang nag-aalangan nitong sabi sa kanya. She bit her lipstick-painted lips and batted her eyes intentionally to make herself look seductive in front of him. Nathan wants nothing but to laugh at her shamefulness. Akala siguro nito ay madadala siya sa lihim nitong pang-aakit.

"I did not promise anything. I have too much work on my hand and I don't have any time to spare for unproductive meetings. Excuse me, we shall go." Muli niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at pumasok doon. Isasara na sana niya ito ng muli na naman itong pigilan ng babae. He can already feel his temper rising rapidly.

"W-what time will you be back? I'm really bored here, can't I go with you?" Ang desperada nitong tanong.

Kahit sila Ian at Francis na nakikinig ay napahilot na sa sariling sintido. This girl is undeniably annoying and too transparent. Halatang-halata na may ibang motibo ito sa kapatid nila.

"Look Ms.Wang, we really have to go. We're meeting someone very important and missing him could become a huge loss to our company. If you're bored bakit hindi mo nalang tulungan ang mga maid namin na maglinis sa bahay? Nathan's ideal wife is someone who can cook and clean. He's not up for a clingy leech." Hindi na nakapagtimpi si Francis at ito na ang kusang sumagot dito. For God's sake! Hindi na siya umuwi ng tatlong araw at halos patayin ang sarili sa trabaho para lang maisingit ang lakad nilang ito.

Gumuhit ang pinaghalong hiya at galit sa mukha ni Dyna. She's definitely offended and mad but she's holding back from blowing up dahil sa pinapangalagaang imahe at karakter. Imahe at karakter na saglit niyang nakalimutan dahil sa desperadong sigaw ng kanyang puso.

She wants Nathaniel Craig Juariz pero hanggang ngayon ay parang wala pa ring improvement ang relasyon nila kahit na napatalsik na niya ang baklang salot sa mansyon. Nathan's playing hard to get. It's getting annoying but all things comes to those who wait. Kailangan niya lang maging matyaga para mapaamo ito.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon