27

72.9K 2.7K 281
                                    

Austine Villaluz

Noong kinatok ako ng isang maid sa bahay na nakarating na raw sila mama ay mabilis akong tumakbo pababa.

"Mama!Papa!" Tili ko bago ko sila dinambahan ng yakap. Napaluha rin ako habang nakayakap sa kanila. Ilang buwan rin kaming hindi nagkita at hindi ako sanay na mawalay sa kanila.

Oo, maganda nga ang buhay dito pero iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya mo.

"Ma, pa, tanggap niyo na po ba ang relasyon namin ng asawa ko?" Tanong ko sa kanila habang pinapahiran ang mga luhang nagsibagsakan kanina.

Binatukan lang ako ni mama at sinamaan ng tingin.

"Anong asawa-asawa kailan ka pa nag-asawa ha?! Para namang may papatol sa iyo." galit niyang sigaw sa akin habang pinanlakihan ng mata.

"Ma! Joke lang naman. Tsaka ang harsh mo naman sakin ma! Sa ganda kong 'to?!" Nakanguso kong sabi dito. Kung alam mo lang ang kamadag nitong anak mo ma. Mahihiya ang mga lamok dumapo sa akin.

"Wow, bakla! Kahit saan ka talaga ilagay sobrang taas pa rin ng kompyansa mo sa sarili. " Nakita ko si Chammy na nakalugay ang buhok, naka jacket ng hanggang tuhod at naka-shades. Awra na awra ang bakla.

"OMG, ma! Kasama niyo pala ang alaga natin."

Inis akong inismiran ng gaga.

"Alaga pala ha. Subukan mong manghingi sa akin ng masi at chicharon." banta nito sa akin dahilan para manlaki ang mata ko.

"Chos lang! I love you sis! Ganda ng awra natin ngayon ah. Pak na pak. Ikot ka nga?" Pambobola ko dito at ang gaga umikot nga. Sarap niyang gawing trompo besh.

"Blooming na blooming. Oh stop ka na. Masyado ka ng nagkakalat." Sabi ko dito dahilan para batuhin ako nito ng dala-dalang bag

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil biglang pumasok si Noah hila-hila ang kawawang si Aniston. Nakasunod sa kanila sila kuya at ang aking mga manugang. Chos! Sila Don Allistan at tita pala.

"Mommy!Mommy! Aniston is here!" Ang masayang sigaw nito ng tumigil ito sa harapan ko. Hindi nito nakalimutang mag mano sa akin na ikinangiti ko. Ang bait talaga ng anak ko mana sa magandang nanay. Like mother like son. Ehem. Mother. May puday ka gurl?! Chos.

"Kanina pa excited ang batang iyan habang nasa sasakyan kami. He's really happy noong makita si Aniston." Narinig kong sabi ni tita. Ngumiti lang ako dito at nag mano sa kanilang dalawa. Syempre, pa-impress tayo kay future mother-in-law para wala ng tututol sa kasal. Baka sampalin ako ng cheque marupok pa naman ako sa pera. Charot! Hindi ko naman minahal si sir dahil sa pera niya, mahal ko siya dahil daks siya. Joke lang mga 50%.

Umupo ako para mapantayan ang tangkad nilang dalawa.

"Yes! Excited ka na ba makipag-play sa kanya?" Tanong ko dito.

"Yes po!" Masayang sagot nito habang tumango-tango. Nginitian ko lang ito at hinalikan sa pisngi.

"Aniston! Namiss kita! Pa-hug nga." Masayang sabi ko dito at niyakap ng mahigpit. Pero napatigil ako ng maramdaman ko ang panginginig ng katawan nito at pag-hikbi. Bigla tuloy akong nataranta.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon