24.2

80.9K 3.4K 774
                                    

Austine Villaluz

"Sir, saan ba kasi tayo pupunta?" Hinihingal kong tanong dito. Paano ba naman kanina pa kami palakad lakad dito sa gubat na katabi nung pavilion. Dito mo ba ako gagalawin, sir?Charot!

"You'll know once we get there. Just bear with it for a moment. Malapit na naman tayo." Aniya at patuloy lang sa paglalakad.

Tingnan niyo tong lalaking 'to gusto akong idate pero wala man lang ka sweet sweet. Diba pag ganito nagho-holding hands dapat kami or mas maganda eh mag iyotan kami dito. Pero hindi mga bakla! Ang bilis pa niyang maglakad. Jusko! Puno pa ng putik itong sapatos k--

"Yawa!"

So ayon nga mga beh, hindi ko nakita na may bato pala na nasa may paanan ko kaya ito at nagswimming ang lola niyo. Saktong-sakto pa yong mukha kong nasawsaw sa may putikan. Wow! Grabe. Napaka romantic talaga beh. Maliban sa akin wala ng ibang magandang nangyari sa date kuno na ito.

"Austine?! Are you fine. Shit. I'm sorry."

Nag-aalalang napabalik ito sa aking gawi. Lumuhod ito sa harapan ko at marahan akong itinayo mula sa pagkakadapa. Mabuti nalang talaga at sa damuhan nag landing ang katawan ko kaso nga lang lahat ng kamalasan napunta sa mukha ko.

Hindi ako nagsalita noong sinuri niya ang buo kong katawan para tingnan kong may mga galos ba ako. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya at nawalan ng confidence sa sarili. Bigla tuloy akong nag doubt sa feelings ni sir sa akin. Totoo ba talaga 'yon o pinagti-tripan niya lang ako?

Ang Gusto ko lang naman ay 'yong masubukan at maranasan ang isang date kasama ang taong gusto ko. Iyong date na kung saan palagi kong nababasa sa mga libro at nakikita sa telebisyon. Hindi itong ganitong naging katawa-tawa ako sa harap ng taong gusto ko.

Nag-uunahang lumabas ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Kainis ha! Puting punla dapat ang pinapalabas ko ngayong gabi hindi luha. Shet ka sir. Akala mo hindi ako makakahanap ng afam na ipapalit ko sayo? Mas maraming mas malaki at masarap sayo noh.

Akala ko ay hindi nito nakita ang pag luha ko dahil ibinaba na nga nito ang cellphone niyang naka-on ang flashlight. Nagulat nalang ako ng naramdaman ko ang mainit niya palad sa pisngi ko. Siya ang nagkusang pahiran ang mga luha ko doon.

"Hush, baby. I'm so sorry if I ever made you feel bad or hurt. I was just looking forward to bringing you in my favorite place." Malumanay ang boses ni sir ng sinabi niya sa akin iyon. Nasa pisnge ko pa rin ang mga palad niya. Ang sarap pakinggan ng boses niya kulang nalang matunaw itong marupok kong puso.

Sweet na sana ng moment eh kung hindi lang nangangati itong mukha ko. Jusko day! Ang poreless, smooth and supple skin ko. Wala na!

"Okay lang, sir pero wala bang tubig dito kasi sobrang kati na ng mukha ko. Di ko talaga feel itong face mask ko." Oo. Ako na ang maarte, besh. Naglalagay ako ng aztec clay pero nag iinarte ako dito sa ating local product. Kasi naman mga beh putik yon ng watson, itong putik na ito ewan ko kung ilang tae na ang humalo dito.

"May bottled water ako dito. Yumuko ka ng kunti, I'll clean your face." Hindi na ako nag inarte mga beh. Tumuwad na ako este yumuko na ako. Minsan lang tayo magka landian moments kaya lubos-lubosin na natin itey. Buntisan na! Chos!

Ipinikit ko ang aking mata ng maramdaman ko ang pagagos ng malamig na tubig sa mukha ko. Sunod na inihilamos ni sir ang kanyang palad para mawala ang mga putik sa mukha ko.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon