"Napapansin ko lang sa dalawang nakalipas na taon, lagi kang umaalis ng gantong araw. Minsan nga diba may staycation pa kayo ng mga kaibigan mo?" Bahagya akong nakonsensiya sa tanong ni mama. Hindi ko alam kung paano niya nahalata iyon. 

"Ah opo." Tanging sagot ko. Ayaw kong magdagdag ng kasinungalingan. Bahagya siyang tumango na may pagdududa sa mata. 

"Sino na ba ang mga kaibigan mo ngayon? Hindi ko na nakikita si Gail na bumibisita rito. Nag-away ba kayo? Alam ko lang na bumaba na sila sa Baguio pero kahit once a year man lang hindi ka dinadalaw?" She curiously asked. Hanggang ngayon wala kaming balita kay Gail. She never activated her account.

"Ahm. Nasa ibang bansa na po ata siya." Sagot ko kay mama. Hindi rin ako sigurado sa kalagayan ngayon ni Gail. "Sina Iverson at Addhie po ang lagi kong kasama ngayon." 

"Hmm. Iverson, nagbago na siya ng kotse? Napapansin ko na ibang kotse na naghahatid-sundo sayo nung nag med school ka." Alam ko, ramdam ko, may alam na si mama pero hindi niya lang maderetso dahil gusto niyang aminin ko sakaniya. 

"Ah opo. Bagong kotse." Pagsisinungaling ko. Tumaas ang kilay ni mama sa sagot ko. 

"Parang pamilyar na rin yung kotse na iyon nung nursing ka palang," nag isip-isip pa si mama na tila inaalala kung kaninong kotse iyon. 

"Baka nagkapareho lang, ma." Sabi ko sakaniya. I carefully dial Iverson number para makaiwas kay mama. 

Luckily, he answered it. 

"Hello, Iverson?" Panimula ko, nakuha ko ang atensiyon ni mama. "Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay eh!" 

"Huh? Bagtit ka ba?" Naguguluhang sagot niya sa kabilang linya. 

"Ano? Traffic? Sabagay. Ang dami ngang turista t'wing December." Tuloy-tuloy na sabi ko. 

"What are you saying?" 

"Sige. Magkita nalang tayo sa may seven eleven malapit sa SLSC?" 

"What? Hey, Daisheen. Kindly enlighten me?" 

"Sige sige. Papunta na ako." Nagmadali kong kinuha ang bag ko tiyaka tumingin kay mama na seryosong nakatingin sa akin. 

"Ma, una na ako. Sa may seven eleven na kami magkita nina Iverson." Marahan na tumango si mama na may pagdududa pa rin ang mata. 

"O sige, mag-ingat kayo." Kumaway ako sakaniya bago ako lumabas ng bahay. 

I dialed Jonas number while walking to seven eleven. Dumaan na ako sa Brower Road na ang lalabasan ay ang Hotel Cosmopolitan kung saan katabi lang niyo ang seven eleven na sinasabi ko. 

Limang minuto ko nang dinadial ang number ni Jonas pero hindi pa rin ito sumasagot. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko. Eleven o'clock, ten ang usapan namin. He's not usually late on our date. In fact, lagi nga siyang maaga. 

Iverson calling me but I didn't bother to answer it. Pumara ako ng jeep papunta sa town para pumunta nalang sa SM. Mag-iikot ako roon para may magawa naman ang paghihintay ko. Tinext ko na rin si Jonas na nasa SM ako. Again, he didn't reply. 

I tried to reach him on messenger and twitter even on IG! But he's not replying! I'm starting to worry. 

Nang nasa SM na ako, alas dose na dahil traffic nung papunta sa town pagkatapos ay nilakad ko ang kahabaan ng session road. Lunch na pero wala pa rin paramdam galing kay Jonas. Napabuntong hininga ako hanggang sa naisipan kong kumain muna sa Jollibee. 

Pagkatapos kong kumain ay nag-ikot-ikot ako. Syempre napunta ako sa national bookstore. Nasa field ako ng pang medical, of course. May nagustuhan akong libro tungkol sa puso kaya binili ko na ito. Lumabas ako sa national book store tiyaka tiningnan ang cellphone ko pero wala pa rin. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now