Chapter XIX

18 6 0
                                    

Thalia's PoV

"Amputcha! Kaya ayoko ng Friday, e. Unang subject Exousiá agad, umay!" Reklamo ni Azul. Nandito na kami ngayon sa training room. Hinihintay nalang namin si Sir Den. Pa-special, e.

"No kaya! Ang pretty na bungad nga sa morning, e. So hot ni Papi Den," sabat naman ni Aquila habang nag-reretouch pa.

Anak ng— pag-papawisan din naman mamaya pa-ganyan ganyan pa.

"Mas pogi naman ako do'n," bulong ni Azul. Napa-ngisi nalang ako dahil obvious ang gago.

"Anong ni-say mo?" Mataray na tanong ni Aquila.

"Huh? Hindi ka ba naglinis ng tenga mo, Aquila?" Ngumuso naman si Aelin. Napatingin naman sakanya si Azul na halatang nagdadasal na sa kasalukuyan na huwag sabihin ng bata.

Pero sabi nga nila, hindi nagsisinungaling ang mga bata...

"Ang sabi niya, mas— asjkfhdnhjsydg," tuloy-tuloy parin sa pagsasalita si Aelin kahit na hindi na namin siya maintindihan dahil tinakpan ni Azul ang bibig nito.

"Azul," tinaas naman agad ng gunggong ang dalawang kamay niya na tanda ng pag-suko.

"Hindi po lalaban, Boss Theon," tumawa naman si Azul at umiling-iling pa.

"Whatevs! Ang corny kase, pa-takip takip pa ng mouth ni Aelin," saad ni Aquila at umirap. Tinawanan nalang namin sila dahil... nakakatawa. Obvious ba?

"Thalia..."

Napalingon naman ako dahil may narinig ako na bumubulong ng pangalan ko. Nakita ko si Sage na nasa likuran ko at nangiti-ngiti kaya binatukan ko agad siya.

"Damn! What was that for, woman?!" Inis na tanong nito sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gunggong ka ba? Pabulong-bulong ka pa diyan, kala mo nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you mean? I'm not even whispering," saad nito na umiigting nanaman ang panga niya.

Ulol! Mukha siyang kabayo!

"Aba! Huling-huli kana nga sa akto tapos 'di ka pa aamin—" napatigil agad ako ng marinig ko nanaman ang bulong.

"Thalia, this is where you belong..."

Tinignan ko naman si Sage na hindi talaga bumuka ang bibig. Ibig sabihin, hindi siya. Atsaka, pang-babae 'yung boses non, e.

Tinignan ko naman si Asterin na katabi si Keitha ngayon. Natango-tango silang dalawa habang naka-ngiti pa.

"Hoy!" Agad naman silang lumingon sa'kin. "Tigilan niyo na nga kaka-prank prank niyo sa 'kin. Nakaka-urat na!" Reklamo ko sakanila. Pero tinignan lang nila ako na takang-taka sa pinag-sasabi ko.

"Behold, the worst is yet to come..."

Tinignan ko naman na lahat ng mga kasamahan ko pero wala kong nakita na nag-salita sa kanila.

ANAK NG—! SINO BA 'YON?

Napatayo naman ako sa inis dahil 'di ko mahuli kung sino 'yon. Atsaka, parang ako lang 'yung nakakarinig ng boses na 'yon base sa mga reaksyon nila.

"My child..."

Na-tuod ako ng marinig ang huling sinabi niya. Napatingin ako sa pintuan ng training room namin dahil parang do'n nanggaling ang boses niya.

The Secret Tale of Her  (Descendants Saga #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя