Chapter XIII

19 7 0
                                    

Thalia's PoV

Nagka-tinginan naman kami ni Azul ng ibagsak ni Sage ang pinto sa training room. Anyare do'n? Attitude amp!

Umiling-iling si Azul habang natawa at nauna nang pumasok. Sumunod naman ako sakanya at namangha sa P.E. room/training room na sinasabi nila.

Sobrang lawak ng espasyo dito. Pinag-halong gold at silver ang kulay ng mga pader. Meron ding mahabang table na maraming nakalagay na mga weapons.

Lumapit ako dito para mas makita. Madaming uri ng mga espada dito. Pwede mo na ngang pang-salamin dahil sa linaw, e! Meron ding iba't ibang style ng mga shield. Sa pader naman ay nakasabit ang ilang mga spear, bows and arrows.

AKALA KO BA P.E. LANG? BAKIT MAY MGA ARMAS?!

"Goodmorning, Heliodor. Sorry I'm late," agad naman akong tumingin sa lalaki na kakarating lang. Siya ata ang prof namin sa P.E. "I'm Sir Polo, your P.E. teacher."

"Hi, sirr!!" Narinig ko pa ang hagikgik ni Aelin.

Nakita ko ang remote na hawak hawak niya. Para saan naman 'yon? Manonood ba kami dito? Nasagot ang katanungan ko ng bigla niyang gawing forest ang dingding ng training room. Nagulat ako ng biglang nagkaroon ng mga puno sa kung saan saan.

Hinawakan ko ang puno at... TOTOONG PUNO SIYA! HOOOOWW?!

Akala ko kasi artficial lang o kaya hologram.

"You'll be encountering wild animals or monsters. You can use your ability. Now, get your weapons," saad ni sir na hindi ko malaman kung nasaan na. Nagtatago ata sa mga puno.

"And... ah!" Saad niya na para bang may light bulb na umilaw sa utak niya. "You'll be encountering your... fears," nangatog ang binti ko dahil madami akong kinatatakutan! Waaah! Lugi ako!

"Wag mo lang isipin ang kinatatakutan mo and you'll be safe," kinindatan ako ni Keitha bago lumapit sa lamesa na may madaming armas.

HINDI NAMAN AKO NAINFORM NA PATAYAN PALA ANG P.E. NILA DITO! HUHUHU.

Maya maya pa ay nagsalita na naman si Sir Polo. "And you'll start now," nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya. Letsugas! Wala pa akong armas!

Dahan dahang lumubog ang lamesa na naraming weapons kaya mabilis akong kumuha ng kung ano ano. Kumuha rin ako ng pana at arrows na unti-unti nang nilalamon ng pader. Nilagay ko ito sa 'king likod at hinawakan lang ang espadang napulot ko.

"Hi," bati ko sa kasama ko. Kahit papa'no ay nawala ang takot ko ng makita ang kasama ko. Hindi naman siguro niya ako pababayaan, no?— Damn! I just remembered. Iniwan niya nga pala 'ko ng kagatin ako ng ahas! Agad namang nanumbalik ang takot ko.

Letseeeeee!!

Hindi ko na nakikita pa sila Theon. Siguro nga hiwahiwalay kaming lalaban dito. Hinawakan ko ang umiilaw na espada. Para siyang naglalabas ng enerhiya at may liwanag na pumapalibot dito.

Hanep! Pati ba 'to, hi-tech?

Tinignan ni Sage ang hawak hawak ko na espada. "Stop using your ability," kinunot ko ang noo ko.

The Secret Tale of Her  (Descendants Saga #1)Where stories live. Discover now