Chapter X

22 9 0
                                    

Thalia's PoV

"THALIA BILISAN MO NA DIYAN! AYOKONG MA-KELTUKAN NI SER DEN!" Rinig kong sigaw ni Azul sa may sala.

Binuksan ko na 'yung pintuan ko at pumunta na sakanila. Naka-ayos naman na kasi talaga 'ko. Pero...

"Oh? There you are— ANONG NANGYARI SA'YO?!" Napaismid nalang ako sa tanong ni Keitha. Gulat na gulat e. First time makakita ng puyat, hmph!

Nawala bigla pagka-mahinhin, e. Pfft.

"Let's go," dinig kong sabi ni Sage na nauna ng lumabas. Sumunod nalang ako kahit tinatamad. Potek naman kasi! Nung nagising ako kagabi 'di na 'ko nakatulog ulet. Mukha tuloy akong zombie ngayon.

Nasa harapan ko ngayon 'yung tatlong boys na dere-deretso lang sa lakad. Except pala kay Azul na parang unggoy na nakanta. Ang sakit sa tenga, bwiset.

Naramdaman ko namang kumapit sa braso ko si Keitha at nasa kabilang gilid ko naman si Eirlys. "Pero seryoso Thalia, ano bang nangyari sayo?" Tanong sa'kin ni Keitha.

Kahit nga si Eirlys ay naghihintay ng sagot ko. Huminga ako ng malalim dahil no choice na 'ko. "Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi," ani ko habang nakatingin ng deretso sa dinadaanan namin.

Pumasok na kami sa elevator para makapunta sa ground floor. "Ba't naman 'di ka nakatulog ng maayos?" Tanong sa'kin ni Eirlys.

Sasabihin ko ba talaga sakanila? E, baka nga normal lang 'yon kasi masyado ko lang iniisip 'yung na-topic namin kahapon sa history class.

"Napaginipan ko kase sila Queen Ai—" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang bumukas 'yung elevator. Lumabas na kami at tinungo 'yung pinto papunta sa labas.

Ah, oo nga pala! 'Di ko pa nasasabi sainyo na may limang building sa loob ng Thávma Academe, the Iatrikós, Atrómitos, Therapévo, Peírama at Alysída.

Ang Iatrikós Building ay kung saan pumapasok upang mag-aral ang mga med students. Nando'n rin ang kanilang laboratory, experiments, etc.

Ang Atrómitos Building naman is our building. Where the Protectors and Warriors train and learn. Nahahati kaming mga Protectors sa dalawang grupo dahil magkaka-away ang mga rulers nila. Kabilang ako sa Elite, protectors of Ouránios, Akefiá and Prásinos. Habang ang Tyrants naman ay mga protectors of Adeiázo, Hepháes at Aéras. Pero nasa iisa lang kaming room, ngunit magkakahiwalay sa training. Heliodor Class ang tawag sa'min habang Emerald Class naman ang tawag sa mga training-to-be warriors.

Nahahati ang Emerald Class sa dalawa. Ang Anílikos (minor) at Meízon (major). Ang mga Anílikos ay ang mga bagong salta. Pfft. I mean 'yung mga bago lang sa paaralan. Kumbaga junior high school lang sa mortal realm pero 2 years lang kailangan nilang gawing pagsasanay at pagkatapos ng dalawang taon ay may kakalabanin silang Meízon na kailangan nilang talunin para mapatunayan nila na karapat dapat silang maging isang ganap na Meízon.

Ang Meízon naman ay dadaan sa tatlong taong pagsasanay bago nila harapin ang mga ganap na warriors. Depende sayo kung sino ang gusto mong hamunin sa mga warriors. Kung 'yung pinaka-mababang ranggo, na siyang pinaka-mahina sa hukbo nila, o ang heneral agad.

Ang Alysída at Peírama ay mga dorms ng students. Sa Peírama 'yung mga meds student which is the Sapphire Class, then 'yung Alysída ay ang dorm naming mga protectors and warriors

Tinatawag naman na Therapévo ang hospital dito. At Kýrios naman ang tawag sa main building na pinasukan ko kahapon, kung saan ko na meet si cutie Lux.

The Secret Tale of Her  (Descendants Saga #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt