Chapter V

29 9 0
                                    

Thalia's PoV

"Lady Thalia, Master Sage wants you to wake up," dinig kong sabi nung hi-tech daw nilang dorm. Bumangon ako sa higaan ko at tinignan 'yung orasan na nasa ibabaw ng pintuan.

What the freak?! 6:00 na ng gabi?! Ilang oras na pala 'kong nakatulog simula nung nangyari. Tumingin ako sa salamin na nasa side table ng kama ko.

"Buti naman at bumalik na," hinawakan ko 'yung mata ko na nag-iba ng kulay kanina. "O baka naman guni guni ko lang?" Napairap nalang ako kase mukha ngang namalik-mata lang ako. Sanaol kase ng sanaol sa mga mata ng kasama ko dito, 'yan tuloy.

"Lady Thalia, Master Sage wants you to—" pinigilan ko na agad ang pagsasalita nung letseng dorm nila at pabagsak na binuksan 'yung pinto ng kwarto ko 'daw'.

Tinignan ko sila na kumakain ngayon sa may counter ng kitchen. Hinayaan ko nalang sila at dumere-deretso sa may pintuan. Bubuksan ko na sana pero hinarangan ito nung Azul.

Nyeta...

"At sa'n ka naman pupunta, Miss Beautiful?" Sabi pa nung mokong. Pinamewangan ko siya saka hinablot 'yung buhok niya. Narinig ko pa 'yung pag aray niya pero wapakels. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makauwi.

"At sino ka naman para sabihin ko sayo kung sa'n ako pupunta? Ha? Tatay ba kita?" Ani ko sa kanya habang naka-sabunot sa buhok niya. Akala ko mag-susurrender agad 'tong gunggong na 'to...

PERO HINDE! HINABLOT DIN NUNG MOKONG 'YUNG BUHOK KO!

"Putcha! Bitawan mo 'yung buhok ko!" Gigil na sabmit nito.

"Utot mo! Ikaw muna ang bumitaw!" Sigaw ko pabalik sakanya. Inipon ko lahat ng lakas ko at tinulak siya ng malakas.

Kitang-kita ko kung pa'no siya tumilapon sa may pintuan. Tss, buti nga sayo. Gago ka, ha. Huminga ako ng malalim kasi akala ko tapos na. Pero agad na nanlaki 'yung mata ko dahil nakita kong papalapit nanaman siya.

"Shit," bulong ko sa sarili. Hinanda ko ang sarili ko para sa round two. Hinahamon mo ko, ha, e'di game! Susuntukin na sana namin ang isa't isa, pero....

"FREEZE!" Sigaw nung Eirlys samin. Narinig ko pa 'yung munti niyang maarteng tawa.

Anak ng— ano 'to?! Ice ice water?! Gagalaw na sana ako dahil hindi ako nakikipag-laro. Pero pakshet, ba't 'di ako makagalaw?! Tinignan ko si Azul na nanigas rin pero unti-unti ng natutunaw 'yung ice sa katawan——

WHAT THE—?! ICE?! AS IN LITERAL NA YELO KAMI?!

Nakita ng dalawang mata ko kung paano natunaw ni Azul 'yung yelo gamit 'yung tubig na nalabas sa kamay niya.

P-paanong?

Una, 'yung pagpapa-galing ni Keitha sa sugat sa pisngi ko at ang pagpapagalaw niya ng halaman. Pangalawa, ginawa kaming literal na ice ni Eirlys! Tapos ngayon naman... MAY TUBIG NA NALABAS SA KAMAY NI AZUL?!

"Eirlys, unfreeze her, now" Dinig kong sabi ni Sage. Ano? Maga-asta siyang concerned sa 'kin? EWW! NO THANKS!

The Secret Tale of Her  (Descendants Saga #1)Where stories live. Discover now