Chapter XVI

20 3 0
                                    

Sage's PoV

I closed the door the moment I gave her the paper bag. Tch, I wasn't informed na mahirap pala mag-hanap ng backpack. But it's fine, atleast Thalia can put her things there.

I stopped when I realized what I am thinking. Nah, nothing's wrong with that. Besides, it's my responsibility because I brought her here in the Academe. I shrugged and changed my clothes.

I miss my damn bed so much. "Dorm, turn off the lights." I said and walk towards my bed.

"Yes, master Sage," the lights turned off as soon as the dorm responds. I hopped into my bed to let my tired body rest.

I was about to sleep when I suddenly heard her voice in my mind. 'Thank you... Sage.''

I smiled upon hearing her sincere voice. It felt like all of my energy came back, and at the same time, it made me relax and...

Happy.

Damn, I'm taking back what I said earlier. Maybe there's really something wrong with me. I smiled for the last time and fell asleep.

Thalia's PoV

"THALIAAA! IIIIIIH!" Rinig kong tili ni Aelin kaya umayos ako sa pagkaka-upo at tinignan siya. "Bakit?" Tanong ko sakanya ng mahina. Inaantok pa kase ako, potek.

"Alam mo na ba na kakain tayo sa labas after class? IIIIIH! Magkasama na kakain ang Elite at Tyrant," ani nito at natalon-talon pa. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit? First time niyo bang kumain sa labas ng Academe?" Umiling naman agad si Aelin.

"Hindi, hihi. Ang first time ay ang magkasamang kakain ang Elites at Tyrants," sabi nito at humagikgik pa.

Itatanong ko pa sana kung bakit pero mas mabilis pa sa kidlat na pumunta si Aelin sa upuan niya. Lumingon naman ako sa pinto ng classroom at nakita ang teacher namin na ngayon lang pumasok.

May katandaan na siya pero sinisigaw parin ng tindig niya na may tinataglay siyang malakas na kapangyarihan.

"Good Morning, Heliodor," bati nito sa 'min. Pero si Aelin lang ang mukhang excited ngayon. Ano bang sikreto ng batang 'yon at parang 'di nauubusan ng energy?

Kami nga halos humiga na sa sahig dahil kulang sa tulog. Sila Asterin naman at Skye ay mukhang nag-LQ. Gunggong kase, 'di nag-paalam. HAHAHAHA!

Kumunot naman ang noo ko ng napansing naka-tingin sa 'kin 'yung teacher na 'di ko pa kilala dahil 'di niya pa sinasabi ang pangalan niya. Teka, pasko ba hinihintay niya?

"You," napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na nakatingin sa 'kin ngayon. Tinuro ko ang sarili ko at binigyan ng tingin na: 'bakit-ako?' look ang teacher namin.

"Yes, you. What's your name, new protector?" Tanong nito sa'kin.

"Thalia po," saad ko habang nakaupo. Tinatamad ako ngayon, e. Bakit ba?

Pinaningkitan ako ng mata nito. Luh? May dumi ba sa mukha ko? "IIIIH! Crush niyo po ba si Thalia, Sir Adriel?" Saad ni Aelin. Bigla naman kaming nakarinig ng kulog sa labas. Nahagip ng mata ko si Sage na parang badtrip na nakatingin sa mga ulap na nandidilim ngayon.

Problema no'n?

"Pfft—" muntikan ng tumawa sila Azul pero agad ko silang tinignan ng masama kaya tinakpan na lamang nila ang kani-kanilang bibig. Napatingin ako sa matandang lalaki na nasa harapan namin na naka-ngiti pa ngayon.

The Secret Tale of Her  (Descendants Saga #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora