"Why are you trying to get involved with my boss? Gusto mo bang gumawa ng prank for publicity and fame? That's a real pain in the ass. So I need you to pull this shit off, how much do you need?"

Nanlaki ang mata ko. How much do you need daw! Yun lang ang naintindihan ko. Baka ibibigay na nila sa akin si Jumong tapos bibigyan nila ako ng pera? O baka ayuda?

"Bibigyan nyo 'ko ng ayuda? Sige, arat ako d'yan! Paubos na kasi ang dala kong pera. Ano siguro," nagbilang ako sa aking daliri. "Singkuwentamil! Oo, sakto na yun."

"Hindi ito ayuda, Ms. Maribago," kamot noo'ng sabi nung bagong dating.

"Ha? E, diba para sa amin ni Jum—

Biglang bumukas pabalibag ang pinto kaya natigil ako. Pumasok ang isang babaeng matangkad, kutis krema at napakaganda! Para syang modelo. Pero bakit umuusok ang ilong nya?

"Is that her?!"

Nagulat ako sa sigaw nya. Mukhang maski itong mga kasama ko nagulat din sa kaniya. Teka, taga-DSWD ba sya? Bakit ganiyan sya tumingin? Nanlilisik ang mata nya at bigla nalang syang sumugod!

"Hala, teka! Bakit ako ang sumusugod mo ma'am taga DSWD? Sila dapat!"

Napabalingkawas ako ng tayo at iniharang ang upuan sa pagitan naming dalawa. Para kaming nagpapatentero dahil mukhang desidido talaga syang saktan ako. Agad naman syang inawat ng dalawang lalaki.

"How dare you threaten my fiancé and child? Who do you think you are?! Bitiwan nyo ko ng makalbo ko yan!" patuloy pa rin sya sa pagpiglas.

"Miss Vallerie, please calm down."

"No! She needs to be—

"Vallerie, stop."

Natigil kaming lahat ng marinig namin ang baritonong boses na iyon. Napatingin kami sa dako ng pinto. Isang lalaki ang nakatayo roon. Seryoso ang kaniyang mukha. Nakakatulala ang kapogian nya. Pero kakaiba ang kaniyang appear— ay teka, appealer ata iyon.

"Mr. Aleksev,"

Napatigin ako kay Rhioz nang tawagin nya ito. Sya si... teka, ibig sabihin nasa kaniya ang anak ko?!

"Boss, diba na sa 'yo ang anak ko? Nasaan sya? Ibigay mo sa 'kin ang anak ko kidnaper ka!"

"What the hell woman? Are you listening to yourself?!" sabat nung Vallerie at pumiksi kaya nakawala sya sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.

Sumugod sya at hindi ko gaanong inasahan ang sumunod na nangyari. Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw. Natigil ako sa paghinga.

"Are you trying to destroy my family?"

Gulat ko syang tiningnan. "H-ha?"

Akamang sasamplain nya 'ko ulit pero isang kamay ang pumigil sa pulso nya. Paglingon ko, si bossing!

"Val, that's enough."

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now