The GCQ mission: Billionaires Baby

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige nay, larga."

Inipit ko ang selpon sa pagitan ng aking tenga at balikat. Nakita kong umusad ang pila kaya humakbang ako habang pinapakinggan si nanay at nagsusulat sa braso.

["Oki na?"]

"Opo, oki na—

"My God! Ano ba?!"

Agad akong napaatras nang bigla na namang nambulyaw yung babae mataray sa unahan. Pinatay ko ang tawag at maingat na ibinalik sa bulsa ang luma kong selpon.

"Ganyan ka ba talaga katanga? Look at my things!"

"P-pasensiya na, pupulutin ko na lang."

Luluhod na sana ako para pulutin ang mga gamit nyang nahulog dahil sa pagka-bangga ko sa kaniya, ngunit biglang umingay ang mga taga medya sa malapit kaya sandali akong natigil at nagtaas ng tingin.

Hindi na sana ako magbibigay pake at akmang yuyuko na ulit pero may nahagip ang aking paningin na dahilan ng pagkalabog ng dibdib ko. Jusko... may nakita ako! Si ano! Hindi ako pwedeng magkamali!

Ang anak ko!

"Miss, hindi mo pupulutin?!"

Napatingin ako muli sa babaeng mataray na mas nagsalubong pa ang manipis na kilay nang mapatingin sa akin.

"What's with that expression?"

"Yung anak ko, neng! Nakita ko na!"

"Neng?! What are you— hey!"

Walang lingon na nanakbo ak para habulin iyong taong akay ang anak ko sa kabilang pasilyo. Hindi ko pinansin ang galit na sigaw ng babae at hinagis ko na rin ang mga dala kong gamit upang walang sagabal sa aking paggalaw.

Kahit maraming maiingay na nagku-kumpulang taga medya at gwardyang nakaharang, nagawa kong makisiksik at lumusot sa ilalim ng mga riles. Tinulak ko rin ang mga nakaharang. Hindi dapat mawala ang lalaki sa paningin ko!

"May nakalusot! Habulin nyo!"

Naririnig ko ang mga sipol sa aking likuran. Alam kong may nalabag akong batas pero anak ko kasi yun! Hindi pwedeng tumayo lang ako do'n at walang gawin!

"'Nak! Nandito si mama!"

Hingal na sigaw ko. Hindi ko ininda ang takot at pagod. Masaya ako kasi dininig pala ng mga santo ang dasal ko na sana mahahanap ko agad ang anak ko. At heto, kitang-kita ko na sya ngayon. Ilang hakbang na lang maaabot ko na!

"Jumong anak!"

"Shit! Mr. Aleksev, watch out!"

Nang akmang hahawakan ko ang balikat ng lalaking akay ang tulog kong anak ay agad syang nakailag at may malakas na pwersa ang humila sa akin mula sa likuran. At sa isang iglap lang ay nakasubsob na ako sa sahig!

"Sir, leave this place immediately! I'll take care of this."

Boses ng isang lalaki mula sa aking likuran. Tulak-tulak nya ang mukha ko sa sahig at halos mapasigaw ako sa sakit dahil hawak nya ang kamay ko sa likuran! Bakit nila ito ginagawa sa akin?!

"Bitiwan mo 'ko! Ang anak ko! Bitiwan mo 'ko!"

Nagpumiglas ako ngunit hindi ako makawala! Kahit anong pakiusap ko ay hindi niya ako pinapakinggan. Naiiyak ako dahil sa mabilis na mga pangyayari. Bakit nila itinatakbo ang anak ko? Kailangan ba nila ng pera? Wala akong pantubos!

Nakita ko ang pagdating ng mga sekyo at naramdaman ko ang malamig na posas sa aking mga pulso. Hindi ko inaasahang ganito ang aabutin ko dito sa Maynila. Ikukulong ba nila ako? Ang anak ko lang naman ang kailangan ko!

"Ser, pakiusap yung anak ko!"

Muli ay hindi sila nakinig. Wala akong ibang nagawa kundi sundan ng tingin ang lalaki yakap ang anak ko at mabilis na naglalakad palayo, habang ang mga lalaking nakasuot ng pormal na itim ay nakapaligid sa kaniya. Sino sya? At bakit nasa kaniya ang anak ko?

"She has to be interrogated. This could be some kind of assassination trick."

•••

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon