Prologo

5 0 0
                                    

Prologo

Sakit, yun lang ang tanging nararamdaman ng aking puso. Hindi maawat ang pagpatak ng aking mga luha habang tinititigan ang lalaking nagpapabilis sa kabog ng aking dibdib.

"M-mahal na mahal kita Soleng ngunit hindi ko kayang talikuran ang aking mga magulang. Madaming sinakripisyo si ama para marating ang puwesto niya ngayon, binuhos din ni ina ang buhay niya para lumaki ako na masunurin, may galang sa mga nakakatanda at mayroong takot sa Diyos. Ngayon ko lang nakita si ina na lumuhod at magmakaawa sa akin na pumayag na akong magpakasal kay binibining Laurel habang nadaplisan ako ng kamao ni ama dahil sa aking sagot na hindi ko kayang magpakasal sa hindi tinitibok ng aking puso. Pinilit natin mabulag sa katotohanan na kaya nating labanan ang kapalaran at tadhana kahit na napagtantuan natin nung una palang na hindi maaari ang ating pag-iibigan. Ikaw ang araw habang ako ang buwan na kahit anong gawin ay hindi magagawang magkasama. Hindi na dapat nating sinubukan ang pag-ibig na makakasakit lang sa atin, hindi na dapat natin sinubukan ang alam nating walang mapapaghantungan." Saad niya, kita ko sa kaniyang mga mata ang sakit na tila'y sarili kong repleksiyon ang aking tinititigan.

Pinunasan ko ang kaniyang mga luha at pilit na binigyan siya ng ngiti na batid ko'y puno ng lungkot at sakit. "Hindi ba't nagsumpaan tayo na ipaglalaban natin ang pag-ibig na ito? Na gagawin natin ang lahat para matupad ang ating adhikain na magkaroon ng masaya at payapang buhay habang magkasama tayong pumuti ang buhok? Hindi ba't maninirahan tayo sa bukid kasama ang ating labing dalawang supling? Na tatakasan mo lahat ng pangarap ng magulang mo para sa iyo para sa ating kaligayahan? Ang layo na ng ating narating, hahayaan mo lang ba na mapunta ito sa wala?" Wika ko sa kaniya habang hinahanap sa kaniyang mga mata ang pag-asa na ipaglalaban pa niya ang pag-ibig namin ngunit nabigo ako dahil iniwas niya ang kaniyang tingin at umiling.

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko, kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagkabagsak din ng aking mundo. Tila nakikidalamhati ang langit sa akin sapagkat sinabayan ng ulan ang aking mga luha.

Hinawakan ko ang kamay ni Tonyo ngunit kaysa hawakan ito pabalik ay binitawan niya ito. "Paalam Soleng. Nawa'y makahanap ka ng lalaking kaya kang ipaglaban, nawa'y mabuhay kang masaya at payapa. Palagi kitang ipagdarasal sa May Kapal. Hinding hindi ko malilimutan ang pag-ibig na iyong pinaranas, ganun na rin lahat ng nabuo nating mga ala-ala. Isasapuso ko ang ating matamis at mapait na ala-ala. Iniibig kita Soleng, ikaw lang ang sinisigaw ng aking puso ngunit hanggang dito na lang tayo." Wika niya, tumalikod na siya at deretsong naglakad paalis habang ako'y naiwan sa aming tagpuan na wasak at dinadamayan ng ulan.

"Nawa'y itatak mo sa iyong puso't isipan ang paalam na ito kung saan iniwan mo ako sa gitna ng ulan na wasak ngunit nananatiling nagmamahal nang buong puso sa iyo."

———

"Soleng, iha, kumain ka na. Ilang araw ka nang hindi nakain. Hindi iyan makakabuti sa iyong kalusugan." Saad ni ina, kitang kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.

"Huwag niyo na ho akong pagtiyagaan. Hindi na rin naman ako magtatagal sa mundong ito. Batid natin na mas malala na ang kalagayan ng aking kalusugan, wala rin naman tayong sapat na salapi upang mapagamot ang aking sakit. Noon ay kinakaya ko ang aking sakit sapagkat tinutulungan ako ng propesor ni Tonyo sa medisina ngunit simula nang tanggihan ko ang tulong niya sa pagrason na kaya na natin ang mga gastusin ay naramdaman ko muli ang panghihina ng aking puso. Tanggap ko na ho ang kahahantungan ng aking buhay. Itabi niyo na ho ang inyong salapi, huwag niyo na po itong sayangin." Wika ko kay ina, binigyan  ko na lang din siya ng pilit na ngiti.

Mahina ang aking puso, mas naramdaman ko ang aking panghihina noong dinamdam ko lahat ng pangyayari sa amin ni Antonio. Hindi ko matanggap na hindi niya ako kayang ipaglaban, hindi ko matanggap na ganun na lang kadali sa kaniya para talikuran ang aming pinagsamahan, hindi ko matanggap na mas pipiliin niyang matali sa babaeng iyon kaysa makipagtanan sa akin para makabuo kami ng pamilya sa payapang lugar. Hindi ko matanggap na kaya niyang kalimutan ang aming pag-ibig para sa kaniyang magulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hundred & Five Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon