Pagbalik niya, gulat na gulat siyang tumingin sa nga kaklase. Ang papel na sinagutan niya kagabi ay naging papel ng section.

Ilan sa mga classmates niya ang pinipicturan iyon. Ilan naman ay direktang kumukopya. May ilan pang nag-aagawan.

I didn't know that this will happen.

Sa tabi ng kumpol ng kaklase nakatayo si Paula na mukhang nag-aalala sa kalagayan ng papel ni Dwight. 

"Huy, guys! Mahiya naman kayo kay Dwight! Di nga kayo nagpaalam sa kanya eh! Balik niyo na yan," sigaw ni Paula sa gilid sa mga kaklase pero wala itong mga narinig.

"Ibigay niyo na lang yan kay Kristine mamaya."

Kaagad na nagsi-lingunan ang Aristotle kay Dwight. Halatang nagulat sila sa kanyang tinuran.

"Bhie, nagalit ata si Kuya Dwight," pabulong na wika ni Joy sa katabi na si Maureen.

"Huy ibalik niyo na yan, guys! Sagutan niyo na lang yan mag-isa," ani ni Leyo na mukhang nagu-guilty na sa ginawa.

"Eh okay nga lang daw eh," sagot ng isa niya pang classmate.

"Kung okay lang sa kanya, gagawin mo na agad. Kapal din ng mukha mo eh."

"Malamang! Kung manipis yung mukha, edi sumabog na to"

"Namimilosopo ka pa ah! Eh kung sampalin ko yan para sumabog na!"

"Edi gawin mo!"

"Talaga? Akin na yan!"

"Mama mo, akin na yan."

"Alam mo, wala ka talagang kwenta kausap eh!"

"At least, di ako bida-bida na tulad mo! Jollibee ka?"

Sumingit na ang iba nilang classmate.

"Hoy guys tama na yan!"

"Katatapos lang ng open forum eh, nag-aaway na naman kayo!"

"Tigil niyo na yan, uy! Ako na lang magpapakopya sa inyo."

Kahit kailan talaga, ang drama masyado ng Grade 8. Kaunting kibot, issue agad, away agad.  Dapat pala 'di ko na pinakopya si Otep eh.

I didn't know.

Nanuod na lang sa sa gilid at pinagmasdan ang mga nag-aaway at umaawat na mga kaklase.

Pero ilang minuto ang lumipas at tumigil na rin sila nang magsalita si Reynard na kapapasok lamang sa room. Lahat sila ay nagulat na iniasta nito.

"Guys, sino may stapler?"

He obviously didn't know what's happening.





"Kuya Dwight, sama ka samin sa park? Wala naman si Miss eh kaya early dismissal."

Lumingon siya sa gawi ni Nica, isa niya ring kaklase. Dahil nga may aasikasuhin ang teacher nila ay naging free time ang period, pero hindi niya inaasahan na magiging early dismissal iyon.

Tinanggal niya ang earphones at nag-isip kung dapat ba siyang sumama. He came into a decision.

"Sorry, di pwede eh. Next time?"

Nagpaalam na sa kanya si Nica dahil mukhang siya na lang ang hinihintay ng grupo nito. Sa kanyang pag-aayos ng gamit, hindi niya maiwasan marinig ang sinabi ng kasama ni Nica.

Familia FontanillaWhere stories live. Discover now