Truth - 03

49 5 0
                                    

Strange

"Anak, gising na. Kailangan mo na mag-ayos bago pa dumating ang bago mong tutor."

Kanina pa ginigising ni Karina ang anak na mahimbing na natutulog sa sarili nitong kama. Tinapik-tapik pa niya ito sa balikat para magising ngunit, hilik lamang ang sinusukli nito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Nagpuyat na naman siguro.

"Anak, get up. Nakakahiya naman sa tutor mo. What did you do all night at mukhang puyat na puyat ka? Gumagaya ka na sa ate mong walang ginawa kung hindi magtipa sa laptop niya." Pinalo na niya ito sa binti.

Akala niya ay magigising na ito nang napahawak ito sa binti, ngunit  isa lang pala itong maling akala.

"Ayaw mo ba talaga bumangon?" She threatened her son.

"Mom, five minutes." He bargained persistently.

Kanina pa naalimpungatan si Dwight, pero tinatamad pa rin siya bumangon.

Mistulang niyayakap siya ng kanyang higaan, hinihila at hinehele para muling makatulog.

"John Dwight Fontanilla, tumayo ka na ngayon din or I'll confiscate your phone and your laptop for a week!" Putol na ang pisi ng pagtitimpi ng ina. Isa sa pinaka-ayaw niya ang pagsasayang ng oras.

That woke him up. Agad na bumangon si Dwight at dali-daling dumiretso sa CR upang ayusin ang sarili. He can live with no aircon or television but not his cellphone!

Bwisit.

Pero he understands his mom. For his own good naman daw.

At the age of seven, sumasabak na sa iba't ibang tutorials ang bunso ng mga Fontanilla. Mula sa Mathematics hanggang History, napag-aralan na niya lahat ito. Maski nga ang Foreign Languages ay pinatos na rin niya.


A typical boy may receive his favorite action figures or a ball for his birthday. But, he's no typical.

Sa pagsapit ng bawat kaarawan, laging gamit sa pag-aaral ang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang.


For his 10th birthday, binilhan na agad siya  ng sariling study table with complete materials and a lamp. Aanhin ko ang mga ito?

His 11th birthday gift consists of 3 membership plans sa iba't ibang sikat na study group. More days of suffering.

Just recently, niregaluhan siya ng isang libro, the Selfish Gene by Richard Dawkins. Mahal daw ang isang iyon, di naman niya maintindihan.

Great.


Bwisit.

Pero he understands them. For his own good naman daw.

Bumaba na siya matapos maghilamos at magsipilyo upang mag-agahan. He can never be late for breakfast or his bones will break, fast.

He skipped joyfully pababa ng hagdan pero napatigil din agad nang mapansin ang tatay niya na seryosong nakaupo sa dining table habang nagbabasa ng morning newspaper. Kasabay namin si Papa kumain? That straightened him up. Umayos na siya ng lakad papunta sa hapag-kainan.

Familia FontanillaWhere stories live. Discover now