📣9:30 is sleep time or before 9

+ M,W,F - Schedule for my updates

+ T,Th,S- Rest

Sunday-Time for the Lord :) ❤

CHEER UP! "DO YOUR BEST AND GOD DO THE REST."

-Depende sa inyo kung anong schedule gagawin ninyo as long as talagang magagawa ninyo and try to do this para maging balanse kayo sa lahat.

5) Make a motivational quotes, wallpaper, lockscreen.

📌 Share ko lang, may nabasa kasi ako and it makes me inspired a lot. Isa din siyang writer pero di pa sikat pero yung enery and spirit niya kakaiba.

Mababasa ninyo naman yung quotes ko sa introduction diba? Pero much better na madami.

I have here my examples, sana may load kayo para makita ninyo :)

+QOUTES+

+WALLPAPER+

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

+WALLPAPER+

+LOCKSCREEN+

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

+LOCKSCREEN+

Simple lang lahat yan pero pinapahalagahan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simple lang lahat yan pero pinapahalagahan ko. Sino pa ba mag aa- appreciate? Tayo muna, yung sarili muna natin bago ang iba.

Huwag maliitin ang sarili kasi pag ginawa mo 'yun parang sinasabi mo na patapon or walang kwenta yung gawa mo so pano pa kaya pag may nagpahalaga na iba? Hindi tayo totally satisfied kaya mas mabuti na tanggapin natin ng bukal sa puso.

TAKE NOTE #2: MAHALIN MO ANG GAWA MO.

6) Edit your Book Cover/s and anything that you need.

📌 Alam ko iilan lang yung may skills dito pero try ninyo lang naman and kapag ayaw ninyo hanap kayo. HAHA joke. Maganda kasi na all around kayo, alam ko hindi madali pero mas okay yun para atleast malaman ninyo if kaya ninyo ba talaga? Kung ayaw ninyo at may pambayad kayo go ahead. Para sa akin, mas okay na lahat ng gagawin paghihirapan. Pag-aralan muna and soon matuto at makukuha mo rin naman.

TAKE NOTE #3: BE CREATIVE AND ALWAYS TRUST YOURSELF, KABIG.

7) Used your Pen name.

📌Alam ko minsan napapagod tayo at pinanghihinaan ng loob pero wag susuko, okay? Wag din literal sa sinabi ko na "Used your Pen" ibig kong sabihin na lagi natin ingatan ito gamitin para magkaroon tayo ng branding. Ito rin ang magdadala ng pagkasino natin as a writer.

📌Alam ko rin na modern na tayo ngayon at more on technology na talaga pero mas okay na gumawa doon tayo sa nakasanayan natin if nagsusulat ka save your notebook and pens kapag sa phone or laptop ka enjoy typing and always put your pen name.

-Mahalaga na may alaala tayo sa lahat atleast magiging tanda yun kung paano tayo nagsimula bilang isang manunulat.

8) Take time to study.

📌 Bilang isang underrated writer kailangan marami ka pang matutunan kaya magbasa basa ka and talagang sumali ka sa mga tao or grupo na nagpapalakasan para mag-improve ka pa. Like Writerhoods or I could say Samahan ng mga Manunulat. Mas okay din na mayroon tayong dictionary or other resources na kailangan natin para mas mahasa tayo. Mas okay yung kahit paunti-unti lang basta may natutunan at isinasabuhay talaga.

TAKE NOTE #4: DON'T STRESS TOO MUCH, GIVE TIME TO REST FOR YOURSELF AND ALWAYS DO YOUR FIRST PRIORITIES.

9) Know your character in your story.

📌 Nilagay ko 'to para maging aware tayo and sa larangan ng pagsulat dapat talagang ganap na ganap para dama ng mambabasa basta lagyan lagi ng puso at lawakan ang isipan. Iba-iba man yung character mo mas mabuting itugma mo at wag basta basta gumawa.

TAKE NOTE #5: Act like you are the actor or actress.

10) Always value your emotions and emphasize the true feelings.

📌 Nabanggit ko na 'to sa introduction ko pero uulitin ko kasi importante talaga siya. Lahat tayo dumaan sa pagiging mambabasa at aminin natin na talagang mahalaga ito sa istorya na binabasa natin kaya dapat alam talaga natin yung point out natin. Isa ka ito sa pupukaw sa interes ng mambabasa natin and ang goal naman talaga natin mapukaw natin sila. Mahalaga na kapag sumusulat tayo wag lang basta basta gumamit din tayo ng matalinghaga na salita english man yan o tagalog basta mauunawaan at mapunto ang dapat.

-Lagyan mo palagi ng puso at isipin mo na nandun ka sa scene na yun maganda man o hindi ang pangyayari dapat lumilitaw yung damdamin na pinupunto mo.

- Sumubok din ng iba't ibang genre para mas mahasa yung kakayahan natin.

AUTHOR'S NOTE:

Sana magustuhan ninyo lahat ng binigay ko. Marami pa yan so abang abang mga kabig. Sana may napulot kayong aral at makatulong sa writing journey ninyo. Tulungan lang kabig. Enjoy again and keep on writing.

PADAYON!


Source of DataWhere stories live. Discover now