1 : Play it safe

686 95 161
                                    

L U P I

June 12, 2020 | 11:32 am

MAGULO ang mundo na ginagalawan ko, sa bungad ng simbahan ay makikita mo ang mga batang naglalaro. Ang mangilan-ngilan ay namamalimos at ang iba naman ay nagbebenta ng porselas at Sampaguita.

Sa kabilang banda ng kalsada naman ay ang mga nagtitinda, naroon din ang mga tsismosang nagkukumpulan at mga nagsisingilan ng utang.

Sa tapat ko makikita ang halos di umusad na sasakyan dahil sa traffic, tirik na tirik ang araw at halos lahat ng tao ay busy sa kani-kanilang trabaho.

Diskarte.

Kapag sinabing trabaho, sa lungsod ng Vista. Sakop na roon ang mga hindi moral sa mata ng karamihan. 

Sugal, pagbebenta ng CD na pirata, Paminsan-minsan binibigyan din ng ibang gawain tulad ng paggawa ng mga dinamita. Pagbebenta sa lugar na hindi naman dapat pagbentahan at higit sa lahat ang talamak sa lugar na 'to ang—

"Magnanakaw!"

Natatawa akong napatingin sa babaeng mestiza, halatang galing sa marangyang pamilya. Kadalasan kagaya niya ang mga target ng tiga-Vista. Nakasuot ito ng mamahaling alahas. Halata iyon, sa unang tingin pa lamang.

Sino ba naman kasing may saltik ang magsusuot ng mamahaling alahas sa loob ng simbahan? Iaalay mo ba sa Diyos ang dyamante mong kwintas?

Nagkasalubong ang mata namin, tinaasan ko siya ng kilay at halos mapanganga siya nang makitang hinayaan ko lamang na makalagpas ang lalaking hinahabol niya. Kung tutuusin ay kayang kaya ko itong patirin.

But I ain't no snitch. 

At isa pa, Am I obliged to help her? No. Pinagpatuloy ko lamang ang pag sa-soundtrip ko habang nginunguya ang lemon, bubblegum. Humiga ako sa kahoy na waiting bench. Umuuga na ito pero hindi iyon problema sa akin.

Nakapikit ako habang nakataas ang kamay ko sa bandang ulo, presko ang hangin kaya napagpasyahan kong matulog. Naka dalawang kanta na ako nang marinig ang sigaw malapit sa akin. Kahit may tugtog ay rinig na rinig ko ang matinis nitong boses.

"Siya 'yon! Hindi niya pinigilan 'yung magnanakaw, malamang kasabwat siya!" 

Tamad kong dinilat ang isa kong mata, bumungad sa'kin ang dalawang tanod kasama ang babaeng talak ng talak. Akmang hahawakan ako ng mga tanod kaya agad akong tumayo para mag-inat.

"Is not helping someone a crime?" Inosente kong tanong, nakita ko na napaawang ang bibig ng babae. Napansin ko rin ang pamumula ng leeg niya, isa lang ibig sabihin noon tagumpay ang pagdukot ng mamahaling kwintas niya.

"Ugh! You self centered Minion!" Nanglalaki ang mata kong napatingin sa kanya, naka yellow oversized shirt ako pero 'di ibig sabihin noon ay mukha na akong saging na cartoon!

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglakad, nakakakuha na rin kami ng kaunting atensyon dahil sa ingay ng babae hindi siya makakabuti sa tenga ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na akmang hahawakan muli ako ng isang tanod, pero narinig ko na pinigilan na ito ng babae.

Buti naman. Masyadong abala, tinignan ko ang paligid, may kaunting luha na namumuo sa gilid ng mata ko dala ng kanina pang paghikab.

"Hey!" Napapikit ako sa inis ng marinig ang pamilyar na boses, hindi ba siya titigil? Hindi ko siya nilingon at mas binilisan ko pa ang lakad ko pero mukhang persistent talaga siya kaya dumaan na lamang ako sa iba't ibang shortcut para maligaw siya, dumaan pa ako sa kalye kung saan talamak ang mga gangster. 

Touch Of Terror Where stories live. Discover now