Hindi talaga ako makagalaw dito sa kinasusubsuban ko. Magkakapatid sila? Pero paano nangyari iyon? Tsaka, paano ko pipigilan yung killer kung kakampi naman nito yung Black Lady na si Helga pala? Na Ate nila? Paano ko sila lalabanan? Wala nga akong lakas ng loob eh.

"Kung iniisip mong talo ka na, at wala kang laban sa kanila, huwag kang mag-alala, kaya nga nandito ako para gabayan ka. Hindi dapat matalo ng Dilim ang Liwanag." Singit niya.

"Kung kapatid mo nga ang killer, at nais mong pigilaan ko siya, sino ang kapatid mo?" Mapang-usisa kong tanong.

"Ang kapatid ko ay si..."

"Gumising ka na diyan! Batugan!" Sigaw niya sabay buhos sa mukha ko ng malamig na tubig kaya bigla akong nagising.

Nakakainis! Ayun na eh! Malalaman ko na sana kung sino siya! Panira lang.

Pagkamulat ko ng aking mga mata, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya na nandito sa harapan ko ang killer? I can't believe this! 

"Ikaw yung killer?" Sigaw ko sa aking isipan.

Karlo's POV

Hindi ako makapaniwala na kayang paratangan ni Agatha na si Ginny ang killer. Alam kong hindi iyon magagawa ni Ginny. Hindi porket pamamahay na nila ito ay si Ginny na kaagad ang kaniyang pagbibintangan. Nasaan ang hustisya roon? Sayang lang at sinang-ayunan nila ang pagkakakulong kay Ginny sa silid nito.

Baka naman si Agatha talaga ang killer? Hindi nga siya mukhang nababahala kapag may namamatay na isa sa mga kasama namin eh. Wala lang siyang reaksyon. Para bang okay lang sa kaniya na may mamatay. Sa kalagayan talaga namin ngayon, ang hirap magtiwala. Hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi.

Dahil sa nangyaring eksena, nandito lang ako sa kwarto at nakakulong mag-isa. Nagmumuni-muni lang habang nakahiga sa malambot na kama. Naalala ko bigla yung memory card ni Ramil kaya naman napabangon ako bigla sa kinahihigaan ko. Baka tuyo na iyon kaya naman dali-dali ko iyong kinuha sa aking drawer at isinalpak agad sa aking cellphone.

Pagkabukas ko ng recordings, ito kaagad ang bumulaga sa akin.

"Sabi na nga ba eh, ikaw ang killer! Pero, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" Wika ni Ramil.

"Simple lang, I want you all to suffer." Sambit ng killer.

"Ganun pala. Pwes, hindi ko na hahayaan pa na mapatay mo kaming lahat."

Hanggang doon lang ang nilalaman ng reocrdings. Nang marinig ko yung boses ng killer, tiyak ko na babae ito. Inisa-isa ko yung mga kaklase ko kung sino ang maaaring may mag-ari ng boses na ito. Bigla akong natauhan ng maaninaw ko yung boses nung killer. Paulit-ulit ko talagang pinapakinggan hanggang sa sigurado na ako na siya nga talagaa ng salarin.

"Kamusta ka na Karlo? Hindi ka ba nagsasawa sa pinapakinggan mo?" Boses ng isang babae roon sa may pintuan. Napatigil ako sa ginagawa ko at halos hindi muna ako gumagalaw. Nandito na siya, ako ba'y natunugan niya?

Dahil nakatalikod ako sa may pintuan, hindi ko tuloy mawari kung susugurin na ba niya ako o hindi. Dahan-dahan ko siyang nilingon hanggang sa bumungad siya sa harapan ko na nakanight gown lang. Hulmang-hulma ang kaniyang katawan sa suot niya ngayon. Para bang inaakit niya ang sinumang tumingin sa kaniya.

Nginitian ko lang siya. Kunwari ay wala akong alam na siya na nga yung killer kaya plano kong magmaangan-maangan na lang.

"Oh bakit ka nandito? May kailangan ka ba sa akin?" Mahinahon kong tanong habang nakaupo ako sa may kama. Nakatayo lang talaga siya sa may pintuan. Maya-maya pa, naglakad na siya papalapit sa akin.

Nagulat ako dahil huminto siya talaga sa harapan ko. Ang mas kinagulat ko, bigla niyang tinanggal ang suot niyang night gown. Mahaba iyon na hanggang hita. Nanlaki ang mata ko at halos tumulo ang aking laway sa ganda ng kaniyang katawan. Nakabra't panty na lang siya ngayon. Sinusubukan niya bang i-seduce ako?

"Alam kong Karlo na gusto mo ito. Lalaki ka lang at natutukso. Heto na ako oh! Pagkain na nasa harapan mo. Huwag ka ng magdalawang-isip pa na sunggaban ako, ako pa ba matatanggihan mo?" Wika niya habang niyayapos ang aking katawan.

Bigla ako nakaramdam ng matinding pagkainit. Halos nabuhay lahat ng natutulog kong kalibugan sa katawan. Ayokong kumagat sa kaniyang pain kaso huli na ang lahat, she kiss me torridly.

Para akong malalasing sa sarap. Ang lambot ng kaniyang labi. Nais niya akong mabaliw sa pagnanasa ko sa kaniya. Alam kong hindi ito tama kaya naman naitulak ko pa siya sandali.

"Are you crazy? Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko na kunwari ay hindi alam kung ano ang rason niya.

"I like you! And I want you right now!" Sambit niya sabay lapit sa akin ngunit napigilan ko siya gamit ang aking kanang kamay.

"Huli ka na! Ang galing mong um-acting! Hindi mo ako matatalo sa pang-aakit lang." Sambit ko habang hawak ko siya sa magkabila niyang balikat.

"Alam ko namang alam mo na. Yung recordings pa lang, huli na kita. Hindi ako tanga para hindi malamang hawak mo yung memory card kaya nga nandito ako para bawiin iyon sa iyo eh." Pahayag niya habang nakangiti. Nagtataka ako kasi nagagawa niya pang ngumiti gayong nabulilyaso ko na ang plano niya.

"Paalam, Karlo! haha!" Turan niya at may hinugot siyang maliit na patalim sa kaniyang bra at itinarak iyon sa aking dibdib.

"Hahaha! Magdusa ka!" Sambit niya habang ligayang-ligaya.

Napahiga na lamang ako sa kama dahil napakislot ako sa sobrang sakit. Nakabaon pa rin iyon hanggang ngayon sa dibdib ko. Nais ko amn hugutin, pero mukhang huli na ang lahat. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at may hawak na malaking kutsilyo.

"Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa! Haha!" Wika niya at biglang inihataw ang malaking kutsilyo na iyon sa aking leeg hanggang sa humiwalay ang aking ulo sa aking katawan.

Killer's POV

Tuwang-tuwa ako habang hawak-hawak ko ang ulo ni Karlo ngayon. Akala niya siguro ay maiisahan niyaa ko. Pwes, nagkakamali siya. Nagpaplano pa lang siya, may plano na ako kaya hindi niya ako mauutakan haha!

Pinagmamasdan ko ngayon ang pugot niyang ulo habang nakaupo sa kaniyang kama. Nakasuot na rin ako ng matinong damit. Ang ganda lang talaga ng mata niya kasi chinito. Alam ko namang babae/tukso mahina siya kaya ayun ang naisip kong gawin para pakagatin siya sa aking plano haha!

Letter B, check! seven letters left! 

Habang tangan-tanagn ko ang ulo ni Karlo, nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at bumulaga sa harapan ko si Ginny.

"Xiara..."

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon