Chapter 18

239K 5.9K 742
                                    

Roxette's POV

Ano ba ang nangyayari sa akin at nagawa ko yung ganoong bagay? At kay Ethan pa! Ano na lang ang iisipin ni Mark gayong hindi siya ang pinili ko para gawaan ng dare?

Argh! Ngayon ko lang na-experience na tikman ang katawan ng isang lalaki ng dahil sa lintik na dare na iyan! Naku Abi, pasalamat ka't buntis ka kundi kanina pa kita nasampal at nasabunutan.

Pero bakit ganun? Ginusto ko namang gawin yung dare at masasabi kong para akong hayop na hayuk na hayuk na matikman ang katawan ni Ethan! Nakaasar! Nakakahiya sa lahat!

Kung ang manuod nga ng porn ay hindi ko kayang gawin eh! Tapos ayun? Nagawa ko! Christian pa naman ako pero naging makamundo ang inasal ko kanina.

Hindi lang ako basta Christian, Leader pa naman ako ng Life Group. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Na pakitang-tao lang ako? No! Ayoko! Masisira ang image ko!

Oo, masasabi kong maganda nga ang katawan ni Ethan at halos lahat ng kababaihan ay gustong mapasakanila ito pero ibahin niyo naman ako.

Oo aaminin ko, nagpadala ako sa dare kaya ginusto kong gawin ang maling bagay na iyon at ang kinaiinis ko ngayon ay hindi ko makalimutan ang ginawa ko na parang hinaganap-hanap ko pa na parang I want more.

Naku Roxette, maghunos dili ka! Tandaan mo, umasta ka na karespe-respeto sa harap ng maraming tao. Huwag kang magpaapekto sa nangyari kanina.

Napalingon ako kay Ethan na nagsusuot na ng kaniyang damit ngayon. Aba, nakangiti pa rin hanggang ngayon ang loko!

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagpaparamdam ni Ethan sa akin na siya'y may pagtingin sa akin. Mabait naman siya, gwapo, mayaman! Oo Crush ko siya, pero ayoko munang pumasok sa isang relasyon gayong hindi ko pa tapos ang aking pag-aaral. Study first muna! Haha!

Binawi ko ang tingin sa kaniya at ibinaling naman ito sa lalaking nagpapatibok at nakahuli, upang papintigin ang pihikan kong puso. Haha! Pihikan talaga eh noh?

Marami na akong naging Crush pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko para kay Mark. Mas malalim pa roon lalo na noong ipinapakita niya na para bang concern siya sa akin. Ayie, kinikilig tuloy ako kapag iyon ang iniisip ko hihi!

Bakas sa mukha ni Mark ang pagkalugi. Oo, parang nararamdaman kong isa pa itong nagpaparamdam ng kaniyang damdamin pero kahit na gusto ko siya, hindi pa rin pwede, study first na muna kasi ako.

Natatawa nga ako kay Ginny at Arianne dahil binansagan nila akong Sosyal na Pakipot. Oo mayaman ako pero hindi ako material girl. Ako na yata ang pinakasimpleng babae sa lahat ng simple ngunit pinakamaganda pa rin hihi! Simplicity is beauty nga kaso nga lang, nakasalamin ako dahil malabo ang aking mga mata. Ayokong magcontact lens kasi feeling ko, matutunaw sa mata ko kaya salamin na lang. Kaya minsan, napagkakamalan din akong Sossy Nerd ng lahat hehe.

Oh siya back to the topic. Nakatingin ako ngayon kay Mark. Sakto, napatingin pa rin siya rito sa direksyon ko. Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang pagkalungkot na para bang namatayan, para bang masyado kong nasaktan ang kaniyang puso.

Ano kaya ang iniisip niya gayong hindi siya ang pinili ko? Ano kaya ang iniisip niya noong ginagawa ko yung dare ko? Galit kaya siya sa akin? Iyan ang mga tanong na hindi ko masagot ngayon.

Mahal na mahal ko iyan noon pa man, kaya nasaktan ako noong nalaman kong may girlfriend na siya at wala na akong pag-asa sa kaniya.

Ngayon namang nagkaroon na ulit ako ng chance, hindi ko naman maamin ng mahal ko siya. Siyempre, babae rin naman ako na nahihiya. Maria Clara style kasi ako hindi gaya ng ibang babae na, agad-agad.

Nang bigla niyang iiwas yung kaniyang tingin sa akin ay para bang biglang kumirot itong puso ko. Ano jang gagawin ko? Nasaktan ko siya.

"Hey Roxette, nice one! Paikutin mo na yung bote." Wika ni Abi.

Nakakalungkot naman, nakasakit na naman ako. Hindi ko namalayang may luha na palang umaagos sa aking mga mata.

"Hoy Roxette, umiiyak ka ba? Dahil ba ito sa dare?" Tanong ni Abi na may halong pag-aalala.

"Ay hindi no. May naalala lang ako tsaka napuwing lang ako ng hangin kaya ganun hehe." Wika ko habang nakangiti ng peke.

"Okay? Sige spin mo na ay last na pala kaya si Arianne na ang tatanungin mo." Wika nito sabay baling ng nakakalokong tingin kay Arianne.

"Sige." Wika ko habang pinupunasan ang mga rumaragasang luha sa aking mukha.

Hindi ako dapat magpaapekto kaya kailangan ko munang magsaya at isantabi ang lungkot sa tuwina.

"Oh Arianne, truth or dare?" Masigla kong tanong sa kaniya.

"Truth na lang, baka mas matindi pa sa dare ni Abi ang ipagawa mo sa akin eh hehe.." Wika ni Arianne, na pilit iniiwasan ang dare. Akala niya siguro gaganti ako sa tindi ng dare na natanggap ko.

"Okay, so ano ang letter mo?" Tanong ko rito habang nakangiti ng mapang-usisa.

"Ahm, iyan ngiting iyan, parang dapat na akong kabahan ah? Pero sige, kakayanin ko sa abot ng aking makakaya. Letter P ako." Wika niya na may halong pagkakaba matapos niyang magpakawala ng isang buntong-hininga.

"Ahm, ano kaya ang itatanong ko sayo?" Wika ko habang nakatingala sa kisame at nag-iisip.

Ano bang maaring itanong kay Arianne? Na nagsisimula sa P?

Sa gitna ng aking pag-iisip, naalala ko yung bagay na nakita ko sa kwarto niya.

Nung itanong ko ang tungkol sa bagay na iyon, ayaw niyang sumagot sa tanong ko. Mabuti na lang, napicturan ko iyon noon hehe. Mapapaamin na kita ngayon, Arianne!

"At dahil mukhang may inililihim ka sa akin, ang truth word ko sayo ay PICTURE. Tell us about na kahit ano sa picture na ipapakita ko sayo. Ano ready?" Tanong ko sa kaniya.

"Ready!" Masigla pa niyang sagot kaya kinuha ko na yung cellphone ko sa aking bag.

"Here, ano ang masasabi mo sa picture na ito? Sino yung girl na katabi mo? Share mo naman." Wika ko sabay harap sa kaniya nung picture.

"---" speechless, nabalot ng katahimikan ang paligid.

Hindi umiimik si Arianne sa litratong ipinakita ko sa kaniya kaya para siya napatulala.

"Uy Arianne?" Tanong ni Ginny.

"Patingin nga nung picture." Wika ni Agatha kaya ipinakita ko sa kanila yung picture sa cellphone ko.

Tila ba napatigagal silang lahay at gulat na gulat sa ipinakita kong litrato. Ano ba mayroon sa picture na ito?

"Hey guys, bakit ganiyan ang reaksyon ng mga mukha niyo?" Tanong ko.

Ni isa sa kanila ay walang sumasagot sa aking tanong. Bakit kaya?

-------------------------------------------

E/N: Hello sa lahat, salamat sa patuloy na pagsubaybay dito. Sa mga new readers, thanks sa pagbabasa.

Ano kaya ang nasa larawan na ipinakita ni Roxette sa kanila na ikinagulat ng lahat?

Ano ang mysteryong bumabalot sa larawan?

Unti-unti nating himayin ng ating malaman ang kasagutan sa katanungang iyan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon