Chapter 22

243K 5.6K 1.6K
                                    

Adrian's POV

Nakakaasar talaga! Bakit ba ayaw pa nilang sunugin na lang yung bangkay ni Mae? Oo kaibigan namin siya, kaso lang, darating din yung point na hindi na maganda yung amoy niya.

Oo mali ako, pero sana, maintindihan naman nila ako. Nakakainis lang!

"Not feeling well?" Wika ni Arianne na nakatayo sa may pintuan.

Nakalimutan ko palang isara iyon? Ang dami ko kasing iniisip.

"Hindi lang maganda ang mood ko dahil sa nangyaring sagutan kanina." Wika ko sabay upo sa aking kama.

Ano naman kaya ang pumasok sa isipan ng babaeng ito at naparito siya sa aking kwarto para kausapin ako? Nakakapagtaka lang.

"Hayaan mong pawiin ko ang pagkadismaya mo." Wika niya sabay lapit papunta sa akin at tsaka ako siniil ng halik.

Kakaiba ang halik na ito. Banayad! Yung para bang pinapalitan nito ang poot sa iyong dibdib. Tinugon ko iyon ng walang pag-aalinlangan.

Inihiga niya ako habang patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Maya-maya pa ay kumalas siya at biglang nagtatakbo palabas ng aking kwarto.

Ano kayang nangyari doon? May saltik ba siya?

Yamu na nga siya. Salamat sa kaniya atleast, napagaan niya kahit na papaano ang kirot ng pagkadismaya rito sa aking puso.

Akmang lalabas na ako sa aking silid para mag-agahan ng biglang may magtakip sa ilong ko ng panyo at nalanghap ko ang kakaibang amoy na nagdulot upang mawalan ako ng malay.

Nagising na lamang ako na nakaupo sa aking kamay habang nakagapos ang buo kong katawan at nakaduck tape ang aking bibig.

Pinilit kong ikislot ang aking katawan na nagbabakasakaling makatakas ako ngunit ako'y bigo.

Bumukas muli ang aking silid at iniluwa nito ang isa sa aking mga kaklase.

Siya? Bakit siya? Ano bang nagawa ko sa kaniya na hindi maganda?

Pilit akong nagugulumihanan sa mga katanungang pumapasok sa aking isipan. May posibilidad ba na siya rin ang kumitil ng buhay ni Mae? Pero bakit?

Nakangiti lamang ito habang naglalakad papalapit sa direksyon ko. May dala siya bote at posporo.

Wait, hindi kaya ang laman ng boteng iyon ay gas? May balak ba siyang tustahin ako ng buhay? Hindi maaari!

Lalo akong naghurumintado ng makita ang bagay na hawak-hawak niya. This can't be!

"Oh Adrian, huwag kang masyadong matakot sa akin. Hindi naman kita pahihirapan eh." Bulong nito sa aking tainga.

At dahil doon, nagkaroon ako ng tiyansa para guluhin siya. Ununtog ko siya gamit ang aking ulo at naging dahilan iyon para mapaupo siya sa sahig sa sobrang sakit.

Aaminin ko, maski ako ay nasaktan sa kalokohang ginawa ko pero ayun lang ang naisip kong paraan para makaganti sa kaniya.

"Aba, masyado kang matapang ah! Tingnan natin kung hanggang saan iyang tibay ng pagkatapang mo." Wika nito sabay sindi ng posporo sa harap ng aking mukha.

"Huwag kang munang matakot, tingnan mo oh, tumatagaktak na kaagad ang pawis mo kahit na wala pa akong ginagawa sayo." Wika niya sabay punas sa pawis kong tumatagaktak sa aking mukha.

"Oh ayan, medyo nahimasmasan ka na ba? Kung gayon, simulan na natin." Wika niya habang nakangiti ng todo tiyaka sinindihan ang ang posporo.

Unti-unti niya iyong inilapit sa aking kanang mata. Akala ko ay bubulagin na niya ako kaya napapikit ako. Ngunit, mali ako ng akala dahil sinunog nya ang kilay ko kaliwa't kanan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon