Chapter 48

161K 4.1K 2.3K
                                    

"Ginny! Tawagin mo na nga sila para makakain na tayo." Wika ni Roxette habay hinahalo ang niluto niyang tinola.

"Si Ethan na lang, hindi pa ako tapos sa ginagawa ko eh." Wika nito habang inaayos ang mga kubyertos sa lamesa.

"Oh sige pakisabi na lang sa kaniya." Aniya sabay yuko.

"Oh bakit ganiyan itsura mo? Nahihiya ka kay Ethan noh? Haha!" Pangbubuska rito ni Ginny.

"Sa pagkakaalam ko, nahihiya lang naman sa lalaki iyang si Rox kapag may gusto siya rito." Segunda ni Arianne habay patuloy na hinuhugasan ang mga plato.

"Naku! Tigilan niyo nga ako! Huwag ako ang intrigahin niyo!" Anito sabay talikod sa mga kaibigan at nagkunwaring busy siya sa kaniyang ginagawa.

"Aminin mo na kasi sa amin Rox! Na may gusto kay Ethan!" Panunuya rito ni Ginny sabay lapat sa tabi ng dalaga.

"Tsaka sa pamumula mong iyan! Kilala na kita! Crush mo nga! Haha!" Pangbibwisit dito ni Arianne.

"Oo na! Crush ko na siya! Kaya tigilan niyo na nga ako!" Tagtataray ni Roxette na may halong kilig.

"Sabi na nga ba eh! Crush mo na si Papa Ethan!" Wika ni Arianne sabay sundot sa tagiliran ng dalaga na nagdulot upang mapaigtad ito.

"Ayiee! RoHan na ako! Haha!" Pangungulit dito ni Ginny.

"Pero MaXette pa rin talaga ako! Ahaha!" Wika ni Arianne na nagtatatalon pa sa sobrang kilig.

"Kinikilig tuloy ako! Gusto kong magtatalon! Hihi!" Ani ni Ginny na ginawa naman niya.

"Uy girls! Anyare sa inyo?" Tanong ni Ethan na galing sa sala.

"Oh hot! Busog na ako, hindi na ako kakain! Hihi!" Wika ni Ginny na napatulala sa katawan ni Ethan dahil shirtless ito.

"Oh my ulam! Sizzling hot!" Wika ni Arianne kagat sa kaniyang lower lip.

"Oh girls, hinay-hinay lang! Haha!" Ani ni Ethan sabay punas sa pawis na tumatagaktak sa kaniyang katawan.

"Bakit ka ba sa nakahubad? Tingnan mo tuloy ginawa mo sa mga kaibigan ko. Parang mga asong naglalaway! Hehe!" Wika ni Rox habang humahagikgik ng paimpit.

"Masyado kasing mainit eh. Hayaan mo, magsawa sila sa katawan ko." Wika ni Ethan sabay lapit kay Rox at niyakap ito. Gayon na lamang ang gulat niya at pagkalaki ng kaniyang mata ng magdikit ang kanilang katawan.

"I love you Rox!" Wika ni Ethan sa tainga ng dalaga na nagsanhi upang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nakadama siya ng pag-iinit ng kaniyang katawan sa pagyakap sa kaniya ng binata.

"Ayyiie! Alabyu daw! Napaka-intense naman ng scene dito! Hehe!" Wika ni Ginny.

"Tara Ginny, tayo na ang tumawag sa kanila." Wika ni Arianne at nilisan nila ang kusina at naiwan yung dalawa.

Hanggang ngayon, nakayakap pa rin si Ethan kay Rox. Hindi alam ni Rox ang gagawin sa sobrang pagkabigla. Nagulat siya ng bigla na lamang kumilos ang kaniyang kamay at yumakap din siya kay Ethan. Pansin ng dalaga na nakapikit ang binata habang yakap nila ang isa't isa. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso kaya minarapat niyang pumikit na lang din.

Maya-maya pa'y naramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Ethan sa kaniyang labi. Para bang nawala siya sa wisyo at tinugon niya ito. Para silang mga anghel sa langit na naghahalikan sa himpapawid na walang sinuman ang maaaring humadlang.

"Plok!"

Natigil ang dalawa sa paghahalikan ng marinig nilang may nabasag.

"Ah sorry kung naabala ko kayo. Sige lang, ipagpatuloy niyo lang iyan." Wika ni Mark na nabitawan ang baso ng makita niya ang ginagawa nung dalawa kaya dumiretso ito kaagad sa itaas patungong kwarto.

Natauhan bigla si Roxette at naitulak niya si Ethan. Hindi niya alam kung bakit siya nakipaghalikan sa binata. Pakiramdam niya, para siya nahipnotismo nito.

"Sorry Ethan. Nadala lang ako ng tawag ng laman. Pasensya na." Wika nito sabay takbo patungong loob ng banyo.

Roxette's POV

Pagkapasok ko sa banyo ay kaagad akong naghilamos. Tila ba nawala ako sa sarili ng bigla akong halikan ni Ethan. Nadarang lang ako kanina ng tawag ng laman kaya nagawa ko ang ganoong bagay.

Pero hanggang ngayon, nalilito pa rin ako. Nasaktan ako ng makita ni Mark ang paghahalikan namin ni Ethan. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtaksilan ko yung taong mahal ko.

Pero sa ginawa sa akin ni Ethan kanina, pakiramdam ko'y nasa langit na ako. Ang sarap sa pakiramdam. Para bang I want more.

Pero mali talaga! Nasaktan ko yung taong mahal ko. Pakiramdam ko nga ay mahal na rin ako ni Mark pero hindi niya lang maamin. Si Ethan naman, umamin na siya sa akin ang kailangan na lang ay pagbuksan ko siya ng pinto.

Sino ang iibigin ko

Ikaw ba na pangarap ko

O siya ba na kumakatok sa puso ko

O, anong paiiralin ko

Isip ba o ang puso ko

Nalilitong-litong litong-lito

Sinong pipiliin ko

Mahal ko o mahal ako

Sino nga ba ang pipiliin ko? Mahal ko? O mahal ako? Nalilito na ako! Nakakarelate tuloy ako sa kanta ni Kz Tandingan.

-----

Lumabas si Roxette at nandun na sa hapag-kainan ang kanyang mga kasamahan. Naiilang siya sa nangyari kanina. Ang awkward pa sapagkat katabi niya sa kanan si Mark at sa kaliwa naman si Ethan kaya hindi siya makagalaw ng maayos.

"Guys, nasaan nga pala si Tom?" Tanong ni Agatha.

"Ah, napansin ko siya kanina na nagpunta roon sa may kwarto niya eh." Wika ni Ethan na pasulyap-sulyap ng tingin kay Rox.

"Kian, pakitawag naman si Tom please?" Ani ni Agatha.

"Ok!" Wala emosyon niyang sabi at tinungo na nga ang silid ni Tom.

"Tok! Tok! Tok!" Katok niya. "Tom, bumaba ka na, kakain na." Anito.

"Uy Tom! Ano ba?" Aniya. Dahil sa sobrang pagkainip ay binuksan na niya ng pwersahan yung pinto.

Nanlulumong bumaba ng hagdan si Kian patungo sa mga kasama.

"Ano sabi ni Tom?" Tanong ni Agatha.

"Patay na siya." Wika ni Kian at tahimik na umupo sa pwesto niya.

"Oh no! May namatay na naman sa atin!" Wika ni Tin na napatakip pa sa kaniyang bibig.

"Ang sarap isumpa nung killer! Nakakapanggigil siya!" Wika ni Xiara na nangigigil.

"Relax Xiara, calm down." Ani ni Nikka.

"Kung gayon, kumain muna tayo at mamaya na natin puntahan ang kaniyang labi upang hindi masayang itong pagkain na pinaghirapang lutuin ni Roxette." Aniya at sumunod naman sa kaniya ang lahat.

Makalipas ang isang oras, tinungo na nila ang silid ni Tom.

"Juice colored!" Wika ni Jerome.

"Wala talagang puso ang killer na iyan. Ang dapat sa kaniya, siya ang ipako sa Krus!" Wika ni Mia na nagngangalit.

"Kung ito ang tadhana ng bawat-isa sa atin, pwes, tanggapin na lang natin. Tanging himala na lang ang makakasave sa atin." Wika ni Agatha habang iniinspeksyon ang katawan ni Tom.

"Ang death word niya ay NAILS kaya siya ipinako diyan ng killer." Wika ni Agatha sabay lakad palayo.

"Nga pala boys, alam niyo na ang dapat niyong gawin." Aniya at tuluyan ng nilisan ang lugar.

Killer's POV

Ano kaya kung pagsabayin na natin si masayahin at si mahinhin? Mas masaya hindi ba? Haha!

Ipaparanas ko talaga sa inyo ang bagsik ng Alphabet of Death kaya huwag niyo akong babanggain. Matitikman niyo kung gaano ako kalupit.

Kawawang Tom, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon