Chapter 53

150K 4.4K 1K
                                    

Killer's POV

Nagising akong bigla ng makaamoy ako ng masarap. Sa pagtantiya ko, may nagluluto sa may kusina kaya dali-dali akong bumaba nang hindi niya napapansin.

Pagkarating ko roon, nadatnan kong busy si Aaron sa paggawa ng cake. Aba! Hindi ko alam na may talent pala yung isang ito sa pagbebake. Akala ko ay pagtugtog lang ang alam niyang gawin.

Nagtago ako sa may pinakamakipot na parte ng bahay at pinagmasdan ko siyang gumawa ng nakakapaglaway na dessert. Na-miss kong kumain ng matamis, ang paborito kong kainin kasama ng taong tanging nakakaunawa sa akin. Miss na kita.

Mukhang enjoy na enjoy siya sa paggawa ng design. Inspired? Siguro, kaso napapansin ko lang na sa lahat ng magjowa, sila ni Tin ang hindi mo man lang makikitaan ng sweetness sa isa't isa. Napapaisip nga ako minsan, magjowa ba talaga sila?

Anyways, ako kasi yung taong bitter sa tuwing nakakakita ako ng masayang tao lalo na kapag magjowa pa. Kumukulo ang aking dugo at parang nagdidilim ang aking paningin at para bang nais ko silang itapon sa dagat para malapa sila ng pating.

Bakit ba ganito ang tadhana sa akin? Ni minsan, hindi ko naramdamang maging masaya. Lahat ng taong nakakasalamuha ko ay peke lamang ang pakikitungo sa akin. Am I not worthy to be happy? Puro pagdurusa na lamang ba ang mararanasan ko sa buhay? At dahil doon, I killed their happiness just for my own sake. Ganun na pala ako kasama? Haha! As long as masaya ako sa ginagawa ko, then go! Gagawin ko kung ano man ang gustuhin kong gawin.

I find Aaron sweet but, mukhang hindi na-aappreciate ni Tin ang effort ni Aaron para sa kaniya. Poor Aaron! Kinakawawa mo lang ang sarili mo.

Napansin kong tapos na siya sa kaniyang ginagawa kaya lumapit ako sa kaniya ng dahan-dahan. Eksakto naman na tumalikod siya, para bang nagdarasal ang mokong? Basta, kailangan ko na siyang maligpit kaya naman hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon. Dinukot ko sa aking bulsa ang lagi kong dala na injection na may gamot pampatulog at dali-dali kong itinarak ito sa kaniyang balikat ng walang pag-aalinlangan.

Bumagsak siya sa sahig agad-agad. Wala akong pakialam kung mamukhaan niya ako sapagkat ito na ang hantungan ng kaniyang buhay. Nang tuluyan na siyang mawalan ng malay, isinagawa ko na ang paglitis sa kaniya na siguradong ikatataranta nila. Haha!

-----

"Wow guys! Ang sarap naman nito! Sino ang gumawa?" Tanong ni Tin sa mga kasamang nakaupo na sa lamesa.

"Hindi ko alam eh, basta pagdating namin dito nakaayos na iyan." Wika ni Agatha na nakatingin lamang sa cake.

"Hiwa na at nakadestribute na yung cake sa lahat. Parang pinagplanuhan talaga at nais niya tayong isorpresa." Wika ni Kian na katapat si Agatha.

"Paborito ko kasi itong chocolate cake! Kaya salamat sa kung sino man ang gumawa." Ligalig na wika ni Tin at naupo na sa kaniyang pwesto.

Unti-unti ng nagdatingan yung mga kasama nila at tanging si Aaron na lamang ang hinihintay nila.

"Karlo, tawagin mo na nga si Aaron sa kwarto niya." Utos ni Agatha.

"Okay!" Wika nito at tinungo na nga ang kwarto ng binata.

"Ahm, ang sarap!" Wika ni Tin. Hindi niya na napigilan pa ang sarili kaya tumikim na siya kaagad.

"Hindi ka makapagtimpi Tin noh? Haha! Mapanukso kasi yung cake, tinatawag niya na nga rin ako para kainin siya." Wika ni Xiara na hawak na rin yung tinidor.

"Wait guys, amoy sunog. Naaamoy niyo ba?" Wika ni Mia na iritang-irita sa amoy.

"Oo nga guys, saan kaya nanggagaling iyon?" Dugtong pa ni Ethan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon