12

109 2 1
                                    

》Third Person

"Shit," sabay na sinabi ng apat na mga lalaking nasa loob ng clinic. Nagtingininan silang apat, halatang gulat na gulat at may halong takot. Iniisip nila kung paano at bakit naaalala ni Rosaline ang mgs nangyari sa kaniya kanina.

"Nasaan sila?!" Takot na takot na tanong ni Rosaline sa apat na binata. Hindi sya makapaniwala, talaga bang totoo ang mga nakita nya o mga imahinasyon nya lamang yoon? Pero alam nya sa loob nya na totoo ang mga pangyayari.

"Angelo! Paano-?" tanong ni Jay-R sa lalaking nakatayo malapit sa higaan ni Rosaline. Pati si Angelo hindi rin alam kung bakit naaalala pa rin ni Rosaline.

Sa mahabang panahon, ngayon lang nangyari na mayroon na hindi tumabla ang mahika ni Angelo sa isang nilalang.

Biglang bumukas ang pinto ng clinic at mayroong narinig na isang malakas na sigaw. Pumasok sa loob ng clinic sina Jinyu at Quentin.

"Rosaline!" sigaw ni Jinyu habang papalapit sa kamang hinihigaan ng dalaga. Nang makarating ay niyakap ng mahigpit ni Jinyu si Rosaline sa sobrang pagaalala.

"Rosaline, ayos ka lang ba? May masakit pa rin ba sa iyo?!" Alalang-alalang tanong ng matalik na kaibigan ni Rosaline sa kanya. Ngayon lamang narinig ni Rosaline sa kanyang kaibigan ang pangalan nya dahil laging sya tinatawag nito sa kanyang binigay na nickname.

"Oo ayos lang ako Jinyu," tumawa ng mahina si Rosaline

"Mukhang kailangan na natin sabihin sa kanya ang totoo," sabi ni Quentin.

Nagkatinginan silang lahat at nagnod lang. Lumabas ang lahat maliban lamang kina Jinyu at kay Zadkiel pati na rin siyempre si Rosaline.

Kumuha si Jinyu ng upuan at umupo malapit sa higaan ni Rosaline. Habang si Zadkiel ay nakasansal sa pader at naka crossed arms malapit sa bintana habang pinagmamasdan ang maliwanag at bilog na buwan. Inayos ni Rosaline ang pagkakaupo sa higaan ng clinic dahil isang mahabang kuwentuhan ang magaganap.

Nagbuntong hininga muna si Jinyu bago magsalita.

"Kailangan mo muna malaman kung sino talaga ako," sabi ni Jinyu habang nakatinging ng diretso sa mga mata ni Rosaline.

Napakunot ng noo si Rosaline dahil nakaramdam sya ng kaunting galit sa kaibigan nya. Matagal na silang naging kaibigan pero hindi pala sya si Jinyu, ibang tao pala ang lagi nyang kasama sa loob ng La Rosario Academy. Pero pinatawad nya na lamang dahil mas lalong gugulo kung hindi.

"My real name is Xyrile Faux Nightingale," dahan-dahan na sinabi ni Jinyu

"I am a Royal Pureblood Vampire from the Nightingale familia. Matagal nang nabubuhay ang mga Nightingale, simula pa noong pinanganak si Moses. Sila anf mga naghahari at nagrereyna sa mga ibang bampira. Mas kilala ang mga Nightingalw bilang mga Kings and Queens of All Vampires. Lumaganap ang lahi ng mga Nightingale sa buong mundo dahil sa marami kaming mga koneksyon at mga tradisyon."

"Kami ang pinakamalakas sa vampire history hanggang ngayon pero dahil sa isang pangyayari, marami sa aking mga ancestors ang namatay. Ako na lamang ang natitirang Nightingale sa buong mundo at nagtatago aki dito sa La Rosario Academy bilang isang ordinaryong estudyante at bampira."

"Kinupkop ako ng pamilyang Kim, isa sa mga maimpluwensyang pureblood vampires. They have been faithful sa mga Nightingale dahil tinulungan namin sila noon sa mga panahon na naghirap sila."

Napangiti si Jinyu este si Xyrile kay Rosaline na ngayo'y nakanganga dahil sa mga pinagsasabi ng bampira.

Napakurap si Rosaline, "Kung ikaw ang huling Royal Pureblood Vampire, then ikaw ay......"

"Tama ka dyan," ngumiti ng napakalapad si Xyrile, "I am the Princess or I should say the current and last Queen of All Vampires,"

Napanganga ulit si Rosaline sa mga salitang binitawan ng kanyang kaibigan.

"Juskolord, nababaliw na yata ako. Una, inatake ako ng isang higanteng kalahating butiki. Tapos matalik ba kaibigan ko pala ang isang Reyna ng mga bampira!" hindi mapakaniwalang sabi ni Rosaline habang tumawa lamang si Xyrile.

Zadkiel fake coughed at the two girls.

"Baka naman gusto mong sabihin sa kanya ang mga iba pang impormasyon?", tumaas ang isang kilay ni Zadkiel.

"Yes sir," inirapan lamang ni Xyrile ang lalaki

"Actually, ang La Rosario Academy ay isang academy para sa mga 'supernaturals' o mga 'halimaw' o kahit anong mga tawag ninyo sa amin," sabi ni Xyrile habang kinoquote nya gamit ang mga kamay nya sa mga salita

"Sa loob ng La Rosario Academy may mga vampires, werewolves, faeries, witches, wizards, demons, angels, people wih superpowers, hybrids, aliens, dwarves, at kung ano-ano pa. Kasama na rin ung mga white lady, engkanto and alam mo na yung iba."

"Pero meron rin mga normal na tao tulad nyo. Kaya iba ang schedule ninyo kaysa sa amin."

"And since I'm from the blood of vampires. Puro tungkol sa mga vampires ang mga sasabihin ko at si Zadkiel naman ang masasabi sa mga iba."

"Currently, may 7 main Purebloods na nagpapatakbo sa mga bampira. Vixier, Faustus, Syrode, Najiaki, Giovante, Iora, at siyempre kasama na rin ang mga Kim."

"Bawat pamilya ng 7 purebloods na ito ay may mga leader or ang kanilang great master na bumubuo sa kanilang organisasyon na tinatawag na Lamia Imperium. In english, Vampire Government. Tulad ng isang gobyerno, sila ang nagpapatakbo sa buong vampire community. Nagpupulong-pulong sila every month para sa mga latest updates na nangyayari sa vampire community. Meron din silang mga events kung saan bigla-biglaan silang nagmemeeting."

Nagnod lamang si Rosaline kahit na medyo sumasakit na ang ulo sa mga impormasyon tungkol sa bampira. Paano pa kaya ang mgs ibang mga supernaturals, meron din silang mga ganitong mganorganization or something. Pero kailangan nya itong malaman para may nalalaman sya sa mga susunod na mangyayari.

"Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa iyo, every after 3 months nagpupulong-pulong ang bawat leaders or orgs ng lahat ng nga supeenaturals para malaman kung ano na ang nangyayari sa kani-kanilang mga lahi. Ang tawag naman sa kanila ay ang Absolute Government."

Napahinto muna saglit si Xyrile ng narinig na lumapit si Zadkiel sa kanila.

"Itigil muna natin ito at ituloy na long to bukas. Mahina pa ang katawan nya at kailangan nya muna magpahinga." sabi ni Zadkiel

Tumango si Xyrile sa mga sinabi ni Zadkiel.

"Hindi ayos lang, ituloy mo lang", ngumiti si Rosaline kay Xyrile

"Hinde! Kailangan mo muna magpahinga dahil inatake ka ng bruhitang iyon kani-kanina lang," sabi ni Xyrile

Nagpupumilit silang dalawa hangang sa magsalita so Zadkiel.

"Rosaline, magpahinga ka na nga! Kung ayaw mo susuntukin kita para mawalan ng malay." banta ni Zadkiel sa dalaga.

Gustong sabihin ni Rosaline kay Zadkiel na subukan nya pero hindi sya kilala masyado ang binata. Baka suntukin nga sya pagsinabi na iyon.

Inirapan lamang ni Rosaline si Zadkiel at humiga sa kama ng clinic. Nagpaiwan si Xyrile para may makasama si Rosaline at may magbantay kung mayroong gusto ulit umatake sa kanya. Lumabas si Zadkiel ng clinic at sinabi sa mga kasamahan na pumunta na sila sa kanilang mga kwarto para magpahinga na. Sumunod naman sila at nagsi alisan maliban kay Quentin.

"Magpapaiwan ako kasama sila," sabi ni Quentin. Tumango na lamang si Zadkiel at akmang aalis na ng biglang hawakan ni Quentin si Zadkiel sa braso nito ng magkatabi na sila.

"Alam ko kung bakit kayo nandito," mahinang sabi ni Quentin at binitawan si Zadkiel. Pumasok na sa loob ng clinic si Quentin habang nagpatuloy naman sa paglalakad si Zadkiel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

La Rosario AcademyWhere stories live. Discover now