7

510 15 5
                                    

》Rosaline Cruz

CLE kami ngayon so puro mga tungkol kina Jesus at iba pang tao yung tinuturo sa amin. Private Christian School kasi itong La Rosario Academy kaya kasama ang CLE.

At eto ako ngayon. Inaantok.

Papikit-pikit na ako at yung mga kinokopya kong notes ay parang letra ng mga alien. Actually mas sulat manok pa nga ito eh. Wala na sa mga linya yung notes tsaka paiba-iba na yung nakaokopya ko.

Umayos ka nga Rosaline!! Kailangan mong mag-aral! At baka magalit pa sayo si Lord!

Umupo ako ng maayos at pinalaki yung mga mata ko kahit na nagmumukhang tarsier na ako dito. Kailangan kong magising baka mapagalitan ako. Yung teacher ko kasi sa CLE matalas yung mata. Kapag nakita ka nyang natutulog sasabihin nya pangalan mo tapos "Mr./Ms. Name, why are you sleeping in my class? Blahblahblah...", at alam nyo na ang susunod doon.

Mga ilang sigundo ay nakapikit na pala ako kaya dumilat ako kaagad at iniling yung ulo ko. Grabe to ah! Ano pa kaya pwede kong gawin? Ah!

Kinurot ko ng malakas yung braso ko at sinampal ng malakas yung pisngi ko. Kinagat ko rin yung dila ko tapos ay nakinig ako sa klase.

Pero napapikit ulit ako wahhh,

Ano pa kaya??? Hmm isip~ isip~ isip~ Aha! Brain Blast!!

Kinuha ko yung water bottle ko at chineck kung malamig pa ito. Pagkatapos kong icheck kung malamig pa ito ay ininom ko agad ito

Binalik ko yung water bottle ko at napangisi

Ayan hindi na ako makakatulog! Hehehehe ang galing galing ko

...

...

ZzzZzzzz.....

》》Third Person

Hindi namalayan ni Rosaline na nakatulog pala siya. Buti na lang hindi napansin kaagad ng teacher nya natutulog sya dahil sa posisyon nya. Nakayuko kasi sya at hawak-hawak pa rin yung ballpen nya. Akala siguro ng teacher na nagt-take down notes sya. Lahat kasi ng kaklase ni Rosaline ay hindi nagt-take down notes at dahil dito naging masaya yung teacher nya. Pero ang itong teacher na to ay isip-bata kahit na ito'y istrikto.

"Ms. Cruz! Who created the universe?" ngiting ngiti na tanong ng teacher kay Rosaline

Tahimik ang buong klase at ang lahat ay nakatingin sa kanya. Napansin ni Jay-R na hindi umiimik ang nasa harap nya (naka upo si Jay-R sa likod ni Rosaline), tinusukan nya si Rosaline gamit ang kanyang ballpen. Pero ang hindi nila alam na nagmumura si Rosaline kapag may gumagambala sa pagtulog nya.

"GOD ALMIGHTY!" sigaw ni Rosaline habang nakayuko pa rin. Medyo nagising si Rosaline dahil sa ginawa ni Jay-R.

Napachuckle si Angelo dahil alam nyang natutulog si Rosaline dahil nakita nya si Rosaline kanina na gumagawa ng paraan para magising.

"Very Good!" pumalakpak ang isip batang CLE teacher nila at nagtanong ulit kay Rosaline, "Who is our Lord and Savior?"

Hindi ulit umimik si Rosaline kaya tinusukan ulit ni Jay-R si Rosaline ng ballpen

"JESUS CHRIST!" inis na sigaw ni Rosaline. Nang dahil sa pagtusok ni Jay-R ay malapit ng magising si Rosaline at mapatay kung sino man ang gumagambala sa tulog nya.

Pumalakpak ulit yung isip batang CLE teacher at nagtanong ulit, "Okay! Last na to Rosaline~ What did Eve say to Adam after she had her twenty-third child?"

Tinusukan ulit ni Jay-R si Rosaline. At dahil doon tuluyang nagising si Rosaline at napa-tayo ng di oras

"KAPAG TINUSOK MO ULIT SA AKIN YANG BAGAY NA YAN, HAHATIIN KO YAN SA DALAWA!!"

La Rosario AcademyWhere stories live. Discover now