1

2.6K 25 3
                                    

Rosaline Cruz

"Woah," yun lang ang masasabi ko habang ako ay nakatayo sa harap ng gate ng La Rosario Academy. Sa unang tingin mo ay parang napunta ka sa isang kaharian. Mamumuhay ka dito sa school na parang isang prinsesa. Mukhang palasyo nga pero mala-impiyerno naman ang mga school activities.

Ang La Rosario Academy ay isang prestigious school dito sa Philippines. Sobrang mahal ng tuition fee dito kasi magbabayad ka ng dollars and pesos per semester. Parang katulad din ng ibang mga international school dito sa Pilipinas.

Kaya naman ganun kasi yung building ay parang isang vintage castle. Matataas ang mga walls nito at may mga konting lumot at halaman ang mga nakadikit dito. Halatang sobrang tanda na nitong building na ito.

Sabi daw nila may histroy daw ang building na iyon pero yung may-ari lang ang nakakalam. Yung may-ari lang ang nakakalam tungkol sa La Rosario Academy pero sa ibang school naman alam ng mga students kung paano nabuild yung pinapasukan nilang school.

Hay nako, wag ko na lang yun pansinin. Basta ang alam ko ay nakapasok na ako dito sa dreamschool ko. Mataas kasi ang kalidad ng pagtuturo nila dito kaya maraming mga mayayaman ang nagaaral dito. Pati na rin ang mga taga-ibang bansa ay nagpupunta dito sa Pilipinas para lang makapag-aral dito sa school na to.

Sawakas at nakapagenroll na din ako dito sa dream school ko kahit na scholar lang ako. Hindi kami mahirap at hindi rin kami mayaman, may kaya kami pero sapat na yun para makakain at makatira kami sa isang maayos na bahay kaya ganun tsaka senior na ako.

Kahit na last year of highschool na ako nakapagscholarship pa rin ako dito sa La Rosario Academy.....ang weird noh?

Tumingin ako sa paligid ko habang hawak-hawak yungmga bagahe kong dala. Dalawang maliliit na maleta and dala ko at may dala din akong isang sports bag kung saan may mga nakalagay ng mga casual clothes ko at kung ano-ano pang magagamit ko habang nasa loob ako ng school na ito.

Marami akong nakikitang ibang estudyante na naka casual. Bukas na kasi ang first day of school. Siguro kakagaling lang nila sa bakasyon nila. Aish puro mayayaman ang nagaaral dito pero meron din namang mga scholars na katulad ko. Kaso nga lang bilang ang mga iyon.

Mahiral kasing makapasok dito sa school na to. Kailangan laging kang nasa top nung dati mong pinapasukan na school tapos magtatake ka ng isang mahirap na exam. Kailangan hanggang 10 mistakes lang ang makukuha mo. Konting oras lang din ang ilalaan nila para matapos mo ang exam.

Kung makapasa ka ng exam nila, may ipadadalang letter sa bahay nyo. Kasama na doon ang isang brochure, school map, at isang schedule. Ang laking tuwa ng pamilya ko nung natanggap namin yung letter.

Kinuha ko na yung mapa nung school sa backpack ko at hinanap ko kung saan yung Girl's Dormitory. Etong school na ito ay isang boarding school. Magkahiwalay ang Boy's Dormitory at Girl's Dormitory. Meron ding dormitory ang mga teachers kaya walang problema.

Sa west wing ang Boy's Dormitory at sa east wing naman ang Girl's Dormitory. Ang school building naman ay nasa center. Nasa north wing naman ang Faculty's Dormitory. Sa harap ng building ay nakatayo ang isang malaking fountain.

Malayo ang school na ito. Nasa isang secluded area kasi nakatayo ito. Kapag lumabas ka ng school ay puro mga pine trees at kung ano-ano pang puno ang makikita mo. Makakapunta ka dito kapag ipinahatid ka ng driver ng school. Kanina, binaba ako ng driver sa harap ng gate.

Nagsimula na ako maglakad papunta sa east habang tinigtnan ang brochure pati na rin ang school map. May pagkalayo ang Girl's Dormitory kaya mukhang maeexcercise ang mga legs ko.

•••••

"Uhm good morning po pwede ko po bang malaman kung anong room number po ako?" Sabi ko dun sa matandang babae na nandun sa registration center, yung parang dun sa mga hotel na kung saan ka magrerent ng room. Basta parang ganun.

"Ah anong pangalan mo ba iha?" sabi nung matanda. Buti na lang mabait yung tagabantay ng GD (Girl's Dormitory). Halos nasa late 50's na siya. Maraming na syang gray hairs at ito ay nakatali sa isang malinis na bun. Kulay pula ang suot nyang uniform. May isang brooch din syang suot, isang eleganteng cross na may rose sa gilid nito.

Napatitig ako saglit dito at tumingin ulit sa matandang babae. Akala ko masunget itong matanda kasi puro spoil brat nandito eh. Pero inferness ah sobrang ganda dito sa lower level ng GD mala hotel ang itsura.

"Rosaline Cruz po," sabi ko sa kanya habang nakangiti sakanya. Tinaype na nya dun sa computer na gamit nya. Sa sobrang bilis ng pagkatype nya, sa isang kurap lang tapos na sya. Hindi ako nagbibiro, mas mabilis pa nga sya mag type kesa sa mga taong naglalaro ng Dota sa computer shop eh. Grabe naman tong matandang to, ang hardcore.

"Level 8 Room 436," sabi nya sabay bigay sa akin yung room card. Kulay itim at gold ang room card. May nakasulat na La Rosario Academy at Girl's Dormitory dito. Nakasulat din dito ang room number. Ang high-tech talaga nila, hindi na uso susi dito.

Naglakad na ko papuntang elevator habang hawak hawak ko yung maleta ko pati yung room card. Tagiisa kasi dito ng room kaya kailangan mong mgaging independent. Malaki din naman ang Girl's Dormitory kaya ayos lang.

Ang sabi nila sa pinakamataas daw yung mga pinaka super mayayaman o ang mga Class A. Sunod doon ay Class B, Class C, Class D and Class E. Siyempre ang Class E ang mga scholars. Para syang naka rank kung tutuusin. Hihiwalayin ang mga mayayaman sa mga mahihirap.

Lumabas na ako ng elevator at hinanap yung room 436. Iniswipe ko yung room card dun sa swipe thingy. Bumukas na yung pinto tapos pinasok ko yung card dun sa holder thingy para mabuksan yung electricity.

Ayos lang yung kwarto, simple. Kulay puti ang mga dingding tapos may mga nakalgay na kulay purple na curtains. Pero kung mayaman ka pwede mo ipacustomoze ang room. Kung tutuusin, lahat na ng kailangan mo ay nandito.

May flat screen TV, mini sofa, book shelf, queen-size bed, wardrobe, bathroom, study table tapos may maliit na balcony. Airconditioned yung room kaya malamig.

Binuksan ko yuung wardrobe at nakita ko yung mga uniforms ko. Isang set sya at may dalawang extra ang lahat nito.

Ang cute ng mga uniform parang yung uniform dun sa korea tsaka japan.

White school blouse na long sleeves with black sleeveless school sweater or pwede ding black school coat tapos may black and red checkered na neck tie and skirt.

Meron din ditong black knee-high socks and black shoes.

Ang P.E. uniform naman ay red t-shirt and black shorts with red knee-high socks and black with red streaks rubber shoes.

All in all, ang masasabi ko lang ay mahilig talaga sila sa color red, black and white.

Tapos may black school hand/shoulderbag na may lamang mga libro na. Nilagay ko na na yung mga damit ko dun sa wardrobe tulad ng mga t-shirts, shorts, undergarments, etc.

Pumasok na ako dun sa bathroom, may pagkalakihan yun. May malaking mirror, mini cabinet, toilet, sink, shower, tsaka bath tub. Magka hiwalay yung shower tsaka bath tub. Nilagay ko na yung shampoo, soap, etc. dun sa mini cabinet ko.

Wooh grabe nakakapagod magayos ng gamit! Sobrang laki kasi nitong kwarto ko!

Matutulog na ako pagkatapos kong magshower. Gabi na kasi eh tsaka kailangan kong magising ng maaga bukas since first day of school na.

Lumabas ako ng bathroom tapos kinuha ko yung pajama kong may mga design na puro pikachu dun sa maleta kong dala.

Hehehe otaku (anime lover) kasi ako. Pumasok ulit ako sa banyo tsaka nagshower. Hindi ko binasa buhok ko baka kasi mahilo ako.

Pagkatapos kong maligo tsaka nagbihis, kinuha ko yung pikachu stuff toy ko sa maleta ko tapos pinatay ko na yung ilaw.

Humiga na ako sa malambot kong kama habang yakap yakap ko ang paborito kong stuff toy. Regalo kasi sa akin to simula bata pa lamang ako.

Oo na ako na ang isip bata, hehehehe. Pero age doesn't matter sa pagiging otaku buwahahahaha.

Pinikit ko na ang mga mata ko tapos nakatulog kagad ako dahil sa sobrang pagod.

La Rosario AcademyWhere stories live. Discover now