2

747 17 1
                                    

Rosaline Cruz

*kringgggg* *kringgggg*

Siumla ng marinig ko ang tunog na alarm clock ko ay tinapon ko ito sa isang pader. Dinig na dinig ko kung paano nahulog at tumigil ang alarm clock. Hinigpitan ko ang kapit sa kumot ko at mas lalong idinikit ko yung mukha ko sa yakap kong stuff toy.

Ang ingay naman ng alarm clock ko. Nakakasira ng araw! - ay shit first day of school pala ngayon! Bumangon ako kaagad at inistretch ang buo kong katawan.

"Goood Morniiiiing sa inyoooooo!!!!!" kinanta ko yung dun sa commercial sa nescafe hehehe

Tumayo na ako tsaka kinuha yung towel pati yung uniform ko. Pumunta na ako sa bathroom at naligo na.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng bathroom ko at sinuot ang uniform kong puro red, black at white. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ngumiti.

"Good luck sayo Rosaline Cruz!" sabi ko sa salamin habang binobrofist ang reflection ko. Oo, ako na ang baliw.

*ringggggg*

"Breakfast!!" sabi nung nasa labas ng kwarto ko tapos pumasok na siya sa loob. Nilagay na nya yung breakfast ko dun sa table malapit sa sofa. Amoy na amoy ang pagkain na nilapag nya sa buong room ko kaya nagutom ako bigla.

"Thank you," sabi ko sa kanya. Wahaha panghigh class talaga dito.

Pagkalabas na pagkalabas nya ng kwarto ko nilamon ko kagad yung breakfast ko. Sobrang sarap ng hinanda nilang pagkain. May omelette, mashed potatoes, sliced fruits, belgian waffles tsaka isang tasa ng kape.

Nang matapos ko nang kainin ang breakfast ko ay nagtoothbrush ko at lumabas kagad ng kwarto habang dala-dala ang school bag ko.

Yosh! Ready na ready na ako!

Bumaba na ako sa lower level at lumabas na sa GD. Pumunta na ako sa main hall at marami akong nakitang mga students na lumalabas. Yung mga iba nagaayos ng buhok doon sa kasama nila. Yung iba nakikipag chikahan. Yung iba naman kumakain pa habang lumalabas ng dormitory kasama yung mga kaibigan nila.

Ramdam na ramdam ko ang pagkasyosyal nila. Halos mawala ang self-confidence ko. Paano na ako magkakafriend?!

Hala pano ba yan baka dahil scholar lang ako hindi na nila ako magiging friend kasi mayayaman sila. Pero pwede naman ako makipagfriend sa mga ibang scholars din...pero pano pagmasungit sila? Hala pa-

*booogsh*

"Ay sorry! Sorry!" sabi ko dun sa nabungo kong babae

"Ah hindi ayos lang, hindi kasi ako tumitingin sa daan." sabi nya saakin na nakangiti....

Oh mah Gawds....ang ganda ganda nya hiyang hiya naman ako sa fes ko. Mukha syang koreana, black straight hair tapos yung baba mesyo kulot with full bangs. Tapos singkit mata nya tsaka mahaba eyelashes nya, sobrang puti din nya. Sobrang puti din ng ngipin nya tapos aligned pa, redish yung lips nya pero natural. Wala syang pimples, ang smooth smooth ng skin nya.

Eh ako dark brown wavy hair tsaka singkit din mata ko, mabalahibo din ako tapos medyo kulay yellow yung ngipin ko tapos hindi sya gaano ka-aligned. Medyo pinkish ang lips ako at may konting pimples din ako pero hindi sya halata.

"Hindi ah! ako kaya yung hindi tumitingin sa daan." sabi ko sa kanya sabay pout

"Wah ang cute cute mo naman," sabi nya sakin sabay pinch ng cheeks ko. Arush saket nun ah. Ang sakit mangurot nitong babaeng to ah!

"Wahhh hindi kaya ako cute."

"Sige na nga hindi ka na cute..............

.... SOBRANG CUTE MOOOOO!!!!!!"

La Rosario AcademyWhere stories live. Discover now