15

608 30 6
                                    


A/N ; so my adviser said that i was included in the honors list and i'm happy so here's an update. hope you enjoy!! iloveyouall <33

SOUTH's POINT OF VIEW

"Hey, kumain kana?" Kuya Sejun asked. Sa puntong ito, mukha na talaga kaming mag boyfriend at girlfriend.

"Hmm, katatapos lang." Sagot ko.

Sabay kaming pumunta sa may sala dahil nag plano silang mag movie marathon. Si kuya Stell ang nag handa ng popcorn at ng iba pang makakain habang sina kuya Ken at si Justin ang bumili ng mga inumin, meron din silang biniling ice cream. Habang kami nina kuya Sejun at kuya Josh ang namili ng mga panonoorin namin.

"Ayan nalang! Tapos itong isa at saka ito." Turo ko sa mga CD.

"Himala, walang Harry Potter?" Sita ni kuya Josh.

Umiling iling ako. "Eh ilang beses ko ng napanood. At saka baka nag sasawa na kayo." Tumawa pa ako.

Nauna na akong naupo sa sofa at sa tabi ko at si kuya Stell habang sa kabila ay si kuya Sejun.

Nang dumating na sina kuya Ken at si Justin ay naupo silang pareho sa sahig kasama si kuya Josh.

Nag simula na kaming manood ng movie. May tig-iisa kaming bowl ng popcorn at tig-iisang soda — except ako na nag iced coffee.

Tahimik lang kaming nanonood. Umalis ang tingin ko sa tv screen at dumako iyon kay Justin hanggang sa kamay niya.

Pag katapos ng pag uusap namin sa rooftop three weeks ago, naging maayos naman kami, hindi nga lang tulad ng dati. Na sobrang alaga niya ako, ngayon, pakiramdam ko ay iniisip niyang nandiyan naman si kuya Sejun — na akala niya ang boyfriend ko talaga — na mag aalaga saakin.

Then a week later after ng usap na nangyari, Ms. Sharlene San Pedro posted a photo of their wrist wearing the same bracelet.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyon, hindi ako nag tanong, at wala rin naman akong karapatang mag tanong.

Maybe I just felt sad. Yung niregalo ko kasing bracelet ay wala na sa kamay niya. Samantalang yung regalo niya saakin ay nandito pa.

Hindi ko alam, maybe it felt a little... unfair?

Pero sino ba ako para mag reklamo? I'm a nobody to him.

Maybe not nobody, maybe a friend. An old friend. And maybe that's just it. Nothing more, nothing less.

Just a friend who's opinion does not matter.

Nag focus nalang ulit ako sa panonood.

"South, ubos na popcorn mo," kuya Sejun pointed out, "eto, sayo nalang 'tong akin."

Napuno ang buong sala ng panunukso sina kuya Ken at kuya Josh. Parang hindi alam ah.

Tinanggap ko nalang yung popcorn para manahimik na sila.

Nang malapit ng mag end ay may nakakaiyak na scene. Malamang ay umiyak ako.

I let myself believe that it was because of the movie, but there's this voice inside me that said, 'Umiiyak ka kasi tinapon na ni Justin yung regalo mo'

After the movie, nag bathroom break muna kami. Tapos nag handa ulit ng panibagong pagkain si kuya Stell. Only Justin and I was left.

Nakatitig lang ako sa tv screen nang mag salita ito. "Okay ka lang?"

Napunta sakaniya ang tingin ko. "Ha? Ah, oo naman."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. Maya-maya pa ay bumalik na rin sila at nag simula na ang pangalawang movie. Horror naman this time.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now