10

703 31 6
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

Maaga akong nag handa ng sarili dahil pupunta kami mamaya sa Minesview.

Nag suot ako ng white tshirt na may 'Tokyo' sa gitna tapos ay denim skirt at white na sapatos. Itinali ko ang buhok ko into a bun para mas presko.

Bago kami lumabas, kumain muna kami ng breakfast sa may lobby. Mabilis na bumalik sa kwarto para mag toothbrush saka kami tumuloy sa Minesview.

Nag stop kami saglit sa The Mansion para kumuha ng litrato saka nag patuloy ng byahe papunta sa distinasiyon namin.

Kaming tatlong mag kakapatid, pare-parehas ng outfit, take note, this isn't planned.

Kiro was wearing a white shirt with Groot in the middle of the shirt and a denim pants paired with a white shoes.

Kuya Kieth wore a white tshirt with 'Fly me to the moon' written just above his chest with a denim pants same with Kiro and a white shoes. Dahil feeling cool ang kuya ko, he also wore shades.

When we arrived, nag park muna si daddy bago kami bumaba. Kumuha kami ng maraming litrato. Tapos kinuhanan naman kami nina mommy at daddy ng litrato nina kuya at Kiro.

Meron yung normal na pose, meron naman yung nasa right side ko si Kiro at left naman si kuya, tapos nakatingin sakin si kuya tapos nakatingin ako kay Kiro tapos si Kiro ay naka pogi sign.

Meron pa yung buhat ni kuya si Kiro habang naka rock and roll sign ako sa gilid habang suot ang shades ni kuya. Tapos ang last ay yung buhat ako ni kuya sa likod niya at buhat ko naman si Kiro sa likod ko.

"Aww my babies." Malambing na sabi ni mommy habang nakatingin sa litratong kakukuha namin.

May mga nag approach saakin at nag pa picture. Yung iba nahihiya pa dahil kasama ko ang family ko kaya ako na ang tumawag sakanila.

Pag katapos niyon ay nag patuloy na kami sa pag lalakad. Kuya wanted to wear the Igorot clothes, while Kiro wanted to have a picture with the horse, and I wanted to have a picture with the dog, kaso madaming nakapila kaya nag decide akong mag rent nalang ng binoculars.

50 ang rent for 15 minutes. Nakatapat sa mata ko yung binoculars habang pinapalibot sa view ang paningin ko.

Napabitaw ako sa binoculars nang may mahagip ang mata ko. Buti nalang may tali na nakasuot sa leeg ko.

His eyes met mine.

Pareho lang kaming nag katitigan.

"H-hey..." I whispered but loud enough for him to hear.

Hindi ako makapaniwala. Hanggang dito ba naman sa Minesview mag kikita kami? Hindi naman ako nag rereklamo, he did save and helped me and Kiro yesterday.

He was wearing a brown sweatshirt, black pants and a Converse shoes.

He smiled. My heart raced because of that smile. Ano bang nangyayari saakin? Maybe I was just shocked? Madalang lang kasi siyang ngumiti saakin.

Yup. That's it.

"Hey. Andito ka rin pala." Justin said.

Tumango ako. "Yeah, I'm with my family. Andiyan lang sila sa paligid, pakalat kalat."

He was also using a binocular. Just like me. "Nananadya yata ang tadhana ah, palagi tayong nag kikita." He said. I smiled slightly at humarap sa view at itinapat muli anh binoculars sa mata ko.

"Oo nga, eh. Same hotel tayo, tapos nag kita pa tayo sa Burnham kahapon, tapos ngayon." Natatawang umiling iling ako habang nakatapat parin sa mata ko ang binoculars.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now