13

650 36 7
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"W-what?" He asked, stammering.

Huminga ako ng malalim at humarap sa tanawin na nasa harapan namin. Kasabay ay ang pag yakap ko sa jacket ni Justin na nakasuot saakin.

"It was new year, that time. I was thirteen. Masaya kaming nag c-celebrate..." huminga ako ng malalim.

"Kumain kami. Tapos nag kaayan sa labas para mag sindi ng paputok. Syempre new year, madaming fireworks. Kaming apat, si daddy, si mommy, si kuya, tapos ako, masaya lang naming pinanonood yung mga fireworks sa kalangitan. Tapos..."

Bigla nalang akong naluha. Pero kailangan kong mag patuloy. Kailangang malaman ni Justin ang pinag daanan ko para maintindihan niya. Para hindi na siya magalit saakin.

"Tapos... the last thing I remember was my brother begging me to not let go. To not leave them. Pag gising ko... nasa US na kami. Mom was carrying my baby brother that time. We spent two years in US. Tapos nung medyo okay na ako, nag pumilit akong mag audition. And..."

Tumigil ako sandali para huminga. Nag punas rin ako ng luhang tumulo mula sa mga mata ko.

"And here I am now. I'm still not fully healed though. The bullet is still in my head. Hindi ko alam kung kailan pwedeng alisin. Masyado daw delikado eh. Kaya naalala mo? Nung nahulog ako mula sa upuan, I thanked you for catching me kahit sabi mo hindi mo intensiyon na saluhin ako. I could die if I bump my head too hard. I could die, Justin. And I don't want to die yet."

Napahagulgol ako. Naramdaman ko nalang ang pag yakap niya saakin habang nag mamakaawa akong ayoko pang mamatay.

"Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap. Si Kiro, ang bata pa niya, hindi ko siya makikitang lumaki kung mawawala ako. Ayoko pang mamatay."

He caressed my hair as his hug tightened. "Ssh, South. Don't cry. Hindi ko hahayaang mamatay ka ng maaga. Andito ako, aalagaan kita. Pangako."

Inalo niya lang ako hanggang sa kumalma ako. Ano ba yan, New Year na New Year ang drama ko. Mamaya niyan umiyak nalang ako buong taon.

Nang tumahan ako ay kumalas ako mula sa yakap niya at pinunasan ang basa kong mukha. Huminga ako ng malalim ng maraming beses.

"Can you tell me how we met?" I asked him.

Tumango siya. "I think you were seven back then, and I was nine. Nag kita tayo sa park, kasama mo ang kuya mo at kasama ko naman sina mommy, nag pi-picnic kami. Nag laro tayo noon, akala ko nga, hindi na tayo mag kikita kapag umalis kami. Kaso nagulat ako, sa nilipatan naming bahay, katapat lang pala namin ang bahay ninyo." He smiled at me.

"Naging matalik tayong magkaibigan, pati na rin ang mga magulang natin. Sobrang clumsy mo, alam mo ba yun?" He laughed kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Then on New Years Eve, umalis kami. Hindi kami sa bahay nag celebrate kaya hindi tayo nakapag celebrate ng mag kasama. The next day, pag balik namin, may naka lagay ng sign sa gate ng bahay niyo na 'For Sale'. Hinintay kita, alam mo yun? Sabi ko, 'babalik pa yun. Hindi naman yun aalis ng hindi nag sasabi' pero habang tumatagal, yung araw naging linggo, yung linggo naging buwan hanggang yung buwan, naging taon."

I know, he was restraining himself from crying. But I know he was hurting inside.

I didn't even know he suffered so much. I hugged him. I hugged him tight.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now