05

884 47 11
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"Change of plans, guys." Sabi ni kuya Josh habang kumakain kami. Sa susunod na araw na pala yung pag punta namin sa amusement park, wag mo sabihing canceled!?

"Hindi na tayo pupunta sa amusement park," agad akong napasimangot, sabi na nga ba. "Dahil, mag su-swimming nalang tayo sa resort ng kaibigan ko!" Agad na bumalik ang ngiti sa mukha ko. YES YES!

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at pumunta sa kwarto. Schedule ni kuya Ken sa pag huhugas ngayon.

Agad akong nag hanap sa damitan ko ng maisusuot kong swimsuit. Syempre, be proud of your body, girls and boys.

I ended up with a stripe designed two piece swimsuit. Kahit two days pa bago ang outing namin nag ready na ako ng mga gamit ko. Mag s-sleepover rin daw kasi kami doon. Yay!

After kong mag handa ay binuksan ko yung laptop ko at nag search ng pwedeng gawin sa parating na Debut Anniversary namin. 1st year anniversary na namin— or nila? Eh kasi kasasali ko lang naman. Nevermind, 'di naman importante yun.

October 8. May ilang weeks pa naman. Saka na siguro ako bibili ng ireregalo sakanila.

Mabilis na lumipas ang araw, ngayon, papunta na kami sa resort ng kaibigan ni kuya Josh.

Dalawang oras ang byahe namin bago kami makarating sa resort. 10:34am. Hindi pa kami nag b-breakfast. Syempre, hindi naman kami makakakain ng walang challenge.

(Showbreak s3; ep 6)
Ang ginawa namin ay Guess The Song Challenge. Yung first round, dapat sabay sabay naming mabanggit yung pangalan ng kanta para makakuha kami ng pagkain. At dahil nga sObrAng galing namin, isang putahe lang ang nakuha namin.

Sa second round naman ay paunahan kaming makahula ng kanta tapos kapag tama, may 5 seconds kami para dumakot ng pagkain na nasa lamesa. Sa aming anim, si Justin lang ang walang nakain, kahit nga sariling kanta namin hindi niya nahulaan. Ang ending, hindi siya nakakain.

After ng challenge ay bumalik kami sa kwarto namin, kasama ko si Justin at kuya Ken.(nakalimutan ko na sino kasama ni justin so si ken nalang nilagay ko)

Pumunta ako sa higaan kung nasan ang bag ko at nag labas ng chocolate coated na tinapay. "Justin oh, kainin mo." Sabi ko at inabot yung tinapay. "Thanks." Maikli niyang sabi at tinanggap yung tinapay.

Umirap ako ng palihim at inambahan siya, tss ang sungit sungit!

Makalipas ang ilang minuto pumasok na si kuya Josh kasama ang isang lalaki. "Guys, siya nga pala si Justine, Justine with E, yung may ari ng resort na 'to, at kaibigan ko rin."

"Hello sainyo."

"Ah nga pala, he's the same age as you, South." Sabi ni kuya Josh. Ngumiti nalang ako at tumango tango.

"Sige, kita kita nalang tayo mamaya sa cottage natin. Bye." Sabi ni kuya Josh at sabay na silang lumabas nung Justine with E.

Ako naman ay nahiga at natulog nalang muna. Napagod ako sa byahe.

Nagising ako mag a-alas kwatro na. Nakaready na din sina Justin para mag swimming kaya pumunta na ako sa cr para din mag handa. Isinuot ko na yung two piece na dinala ko tapos pinatungan ng oversized na t-shirt.

"Let's go." Sabi ni kuya Ken kaya sumunod nalang kami ni Justin sakaniya. Pag dating namin sa cottage ay andun na yung iba.

Itinali ko yung buhok ko into messy bun at saka tinulungan si kuya Stell na mag ihaw ng barbecue.

"Ayaw mo pa bang mag swimming?" Tanong ni kuya Stell, umiling ako, "mamaya nalang siguro kuya." Tinanguan naman niya ako at nag patuloy kami sa pag i-ihaw.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now