02

936 40 16
                                    


SOUTH's POINT OF VIEW

"STAND BY PO!" Sigaw ng isang staff saamin. Homaygad dis is it!

Andito kami ngayon sa backstage ng ASAP! Oo mga sis, heto na talaga! Heto na! Ipapakilala na nila ako bilang official member.

Ang gagawin namin ay kakanta muna kami ng Tilaluha bago sasayaw ng Go Up.

Nang matapos na yung performer na nakasalang sa stage bago kami, dumoble— hindi, tumriple yung kaba ko. Kaya mo 'to, South! Fighting!

"Relax," napatingin ako sa gilid ko, si kuya Sejun pala. Ngumiti nalang ako ng kinakabahan. Hindi ako makapag relax!!

Nag kumpulan kaming anim at nag dasal bago isinigaw yung salitang 'Break'

"LET'S WELCOME, SB19!" Huminga ako ng malalim bago kami umakyat sa stage. Sigawan yung mga fans, na mostly ay mga babae. Umupo kami sa upuan na nakahanda sa stage at nag hinintay na mag simula yung kanta.

Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata

Kanta ni kuya Ken.

Pa'no nga ba?
Pa'no nga ba?
Pa'no nga bang limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag iisa

Kanta ko naman. Tinuloy naman ni kuya Josh yung kanta na sinundan naman ni kuya Sejun. Sinabayan ko ito, nag duet kami.

Kahit na ulan ay tumila na

Panimula ni Justin sa second part.

Luha sa aking mata'y patuloy pa

Sinabayan ko sina kuya Sejun at Justin sa pagkanta ng part na iyon.

Unti-unti nang nawala yung kaba ko, hanggang sa matapos yung kanta. Oras na para sa Go Up, syempre tumayo na kami para sumayaw.

YEAH we gonna go up!
Yea-yeah we gonna go up!

Simula ni Justin.

Tanging liwanag ang nakikita
Sa tuwing ipipikit aking mata

Bituwin kong laging nag niningning
Sa dilim
Walang makakapigil

Pag sabay ko sa part ni kuya Ken at part ni Justin.

Itong aking pinapangako
Hinding-hindi susuko
Kahit ako'y mabigo
Yeah make me

Kanta ni kuya Stell habang nag sasayaw.

You know I'm ready
Come on and test me

Kanta ni kuya Josh.

Yeah we gonna go up
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag abot ng pangarap 'di hihinto

Handa akong harapin ang lahat, yeah
Kahit pa imposible
Yeah we gonna go up

Kanta nina kuya Sejun at Stell. Then sabay sabay kaming sumayaw. Hanggang sa natapos yung kanta ay nawala yung kaba ko.

Parang ang dali na lang para sakin mag perform sa harap ng madaming tao, which is unusual. I just shrugged it off and enjoyed oyr performance.

After ng performance namin ay nag stay pa kami sa stage, syempre para ma-introduce na ako formally.

"There you have it, SB19!" Sabi ng host. Nag palakpakan naman ang mga tao. "But wait, may napapansin ba kayong kakaiba?" Tanong nitong muli, I bet he's referring to me. And I was right.

"Please welcome, South Ventura, the new member of SB19!" Nag palakpakan silang muli at binigyan naman ako ng mic.

"Hello po sainyong lahat, I'm South Ventura, the new bunso of SB19!" Sabi ko at yumuko ng kaunti pagkatapos mag pakilala.

The fans screamed in happiness.

I roamed my eyes around the whole venue, and at the very side, I saw my parents, I smiled at them and waved in secret.

After ko magpakilala ay nag tanong tanong pa saakin ang host, "Hmm, Ms. South, alam kong wala 'to sa script at hindi kailangan, pero lahat kami dito ay curious, sino ang celebrity crush mo?"

Sigawan naman ang mga tao. Samantalang ako ay nahihiya. ITANONG BA NAMAN SAKEN CRUSH KO!!!???? Pero okay lang, baka biglaang mag appear nalang dito sa stage si McCoy hihi!

"Hala, haha!" Sabi ko, habang nagkakamot ng batok. "Ahm, ang celebrity crush ko po ay si," tiningnan ko pa ang mga members ko na panigurado curious din, well, maliban siguro kay Justin? Laki ng galit nito sakin wala naman akong ginagawa!? Tss.

"Si, Kuya McCoy De Leon po." Sagot ko ay yumuko. Kahita pota! Sigawan nanaman ang mga tao at mas lalong nagsigawan nang may umakyta sa stage.

PAKSHET!!!!

SI MCCOY!!!

PWEDE NAKO MAGING HOTDOG!!

Napaawang ang labi ko sa gulat at naramdaman ko naman ang pamumula ko. "Hi, Ms. South," bati nito sakin at kumaway pa. Agad namang nag sigawan ang mga tao dahil dito. Habang ako? Malapit ng mahimatay sa kilig!

Ang pogi niya juicecolored! Nawawala yung mata niya habang nakangiti! Ang cute! Pwede ko ba siyang ilagay sa bulsa ko tapos iuwi???

"Hello po!" Masayang tugon ko. Sigawan nanaman mga tao. Yung totoo guys, mas kinikilig ba kayo kesa sakin?

Kahit mga oldies nakikita kong nakikihiyaw din. Ang cute nila.

"I'm McCoy De Leon," sabi niya at nag lahad ng kamay, kahit nahihiya, tinanggap ko nalang iyon.

ShEeet! Ang lambot ng kamay! Ayoko ng bitiwan! Huhu.

Nag shake hands kami tapos bigla niya akong niyakap kaya mas lalong umingay sa venue. SHET TOTOO BA 'TO!??? Si McCoy, niyayakap ako!??

Weh!? Di nga!?

Sobrang sayang niyakap ko nalang din ito pabalik at sabay sabay na kaming umalis sa stage after mag paalam sa mga fans. Hanggang sa makapag paalam kami sa fans ay nakaakbay sakin si McCoy! Please, tama na kOya mahihinatay nakO!

Nag paalam lang ito nang makarating na kami sa kwartong pinag s-stay-an namin.

Agad akong nag sisisigaw na halos magulat pa mga kuya ko, pero lampake! Ngayon lang. I-e-enjoy ko lang yung moment namin ni McCoy kanina.

Niyakap yakap ko pa yung sarili ko na parang baliw at hinalik-halikan yung kamay ko. HINDI AKO MAKA MOVE ON!

Ang bango bango pa niya kaninang magkayakap kami. Amoy na amoy ko siya! Sobrang nakaka turn-on!

"Oh, baka mahimatay ka diyan!" Sigaw sakin ni kuya Ken kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag mo-moment ako eh!?

Kumuha ako ng bottled water at nilagok iyon habang ramdam ko paring nakangiti ako.

'Di na yata ako makakatulog mamayang gabi.

"Tss, huy, okay ka lang?" Rinig kong tanong ni kuya Josh. Napatango nalang ako habang nakangiti padin sa kawalan.

"Na-buang na." Rinig ko pang sabi ni kuya Ken pero hindi ko na ito pinansin. Bahala ka diyan kuya chicKen.

SB19's New MemberWhere stories live. Discover now