The Baby Downstairs

23 6 1
                                    

CHAPTER 4: THE BABY DOWNSTAIRS

Isang malakas na kalampag ang narinig ko sa gilid ng bahay namin dahilan para ako ay magising. Parang mayroong bumagsak sa bubungan dahil may espasyo sa pagitan ng bahay namin at bahay ng mga Gonzales. Sumilip ako sa bintana na mukhang iniwang bukas ni Mama.

Isang pusa ang nakita kong naglalakad sa bubungan. "Ikaw ba yung pusang kaaway ng pusa ng Alvarez? Ang ingay niyo ha? Nag-re-wrestling ata kayo kagabi."

Lumingon ako sa likod ko at saka ko lang napansin ang oras. Alas otso na pala, ako na naman mag-isa ang nandidito sa taas. May pasok si Papa at Mama, habang may training ngayon ni Sei ng maaga dahil Sabado at mamayang hapon pa siya uuwi dahil gagala pa iyon kasama ng mga kaibigan niya.

Lumabas ako ng kwarto at nakapatay ang ilaw sa kusina at dito sa dining room. Napatingin ako sa kwarto ko, puro damit lang naman namin ang nakalagay doon. At bigla kong naalala yung nangyari kahapon.

Malala man iyon ay hindi ko nakayanang sabihin sa mga magulang ko. Alam kong hindi sila maniniwala kaya para saan pa na sabihin iyon. Isisisi na naman nila iyon sa paggising ko sa madaling araw, kung anu-ano tuloy ang nakikita ko at imahinasyon ko lamang iyon.

Binuksan ko ang ilaw sa dining room at sa kusina. Sa lamesa ay nandoon ang isang supot ng pandesal. Kumuha ako ng butter, kutsilyo, at platito. Hinati ko sa gitna ang pandesal at nilagyan ng butter. Pagkatapos ay pinasok ko iyon sa oven toaster at pinihit.

Habang hinintay na tumunog ay naghilamos at nagsipilyo muna ako. Nagpalit din ng damit pang-bahay at binuksan ang pinto sa may sala. Binuksan ko din ang TV sa katotohanang natatakot talaga ako kaya gusto ko makarinig ng ingay. Binuksan ko rin ang pinto sa terrace.

Nang marinig kong tumunog na ang oven toaster ay dali-dali akong pumunta roon at inilagay sa platito ang aking pagkain. Kumuha ako ang ng tubig at inilagay ang butter sa refrigerator at ang kutsilyo sa lababo.

Pumunta ako ng sala at doon kumain. Habang nanonood ay may narinig akong iyak ng baby. Hinayaan ko lang iyon dahil baka sa kapitbahay namin niyon. Ngunit tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ng baby.

Mga ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin tumitigil ang bata sa pag-iyak. Inis akong tumayo at padabog na pumunta sa likod. Pinakinggan ko kung saan nanggagaling ang iyak pero hindi sa likod nanggagaling, kung hindi sa baba.

Napanguso naman ako bigla. "Bakit naman hindi nila patahanin si Krystyn?" Nagdesisyon akong bumaba dahil nga masyado na akong naiirita sa pag-iyak ng baby.

Habang naglalakad pabalik ng sala ay naalala ko na naman ang pangyayaring muntik na akong mamatay. Kinilabutan na naman ako bigla at nakaramdam ng lamig sa likod.

"Pwede ba, huwag ngayon." Sabi ko.

Dumiretso ako sa baba at pumunta sa pinto. Mula sa kinatatayuan ko ay naririnig kong umiiyak ang baby. Kumatok ako ng tatlong beses, "Tita? Tita, nandiyan po ba kayo?"

Walang sumagot sa aking katok at tanong. Muli akong kumatok, "Tita? Si Krystyn po ba yung umiiyak?"

"Lola? Ikaw po ba ang nariyan? Umiiyak po ba si Krystyn? Baka pwede pong patahanin niyo."

Biglang tumigil ang pag-iyak ng baby at biglang tumahol ng paulit-ulit ang mga aso. Napatingin ako sa mga aso at nakatingin sila sa bintana. Nilapitan ko ang bintana at sumilip sa loob.

Nakita kong nakapatay ang ilaw sa dining area nila at nakasarado ang pinto sa kanilang kusina. "Tulog kaya sila?" Kakaiba talaga ang nararamdaman ko roon.

"Tita?" Muli kong sigaw. "Tita, si Krystyn po ba yung umiiyak?" Pero wala akong natanggap na sagot mula sa loob. Napakunot naman ang noo ko at iginala ang mata ko. Nakakita ako ng isang pigura sa may dining area nila. "Si Tita kaya iyon?"

"Tita!" Sigaw ko ulit sa kanya. Pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Nakita kong unti-unti siyang lumalapit sa akin. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay pinansin na niya ako.

Biglang lumakas ang kahol ng mga aso sa bawat hakbang ni Tita. Napa-isip naman ako bigla, "Si Tita ba talaga ito?"

Napatingin ako sa mga aso at tuloy-tuloy pa rin sila sa pagkahol. Palakas pa ito ng palakas. "Shh! Huwag kayong masyadong maingay. Baka umiyak na naman si Krystyn." Saway ko sa mga ito. Tumigil mga ito at ilang segundo pa lang ang lumipas ay kumahol na naman ang mga ito.

Napalingon ako sa bintana at biglang nawala si Tita. "Anak ng pating, nasaan na naman si Tita?" Napahawak ako sa bakal ng bintana at sinilip ng maayos ang loob.

"Tita?"

Isang mabilis na itim ang gumalaw. Napakurap ako at mas lumakas ang kahol ng mga aso. "Okay, isasarado ko na." Nang abutin ko ay may humawak sa braso ko at napasigaw ako.

"AAHH!"

Hinila ko kaagad pabalik ang braso ko at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa bakery kung saan nakatira ang lolo't lola ko pati na rin ang second cousin ko at pamilya niya.

"Ate! S-sila Tita po b-ba, n-nasaan sila?" Hingal kong tanong sa nanay ng second cousin ko.

"Ay, si Tita mo?" Mahinahong tanong niya.

"Opo. Opo. Si Tita po, nasaan siya?"

"Ay nasa opisina siya." Namumutla na siguro ang mukha ko ngayon. E sino yung nakita ko?

"Si Krystyn po, nasaan po?" Nag-aalala kong tanong.

"Ay kasama ng iyong Inay sa itaas, natutulog ata ang baby." K-kasama ni lola si Krystyn? So, walang baby sa baba namin?

"W-wala pong tao sa baba?"

"Walang tao sa baba ninyo." Sagot niya sa akin. Ako lang pala ang nasa loob ng bahay. Ako lang. Walang kasama. Mag-isa. "Si Clark po, nasaan?"

"Ay, nasa taas din siya. Naglalaro kasama ni Kuya Mel mo."

Halos hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga pangyayari. Anak ng pitong puting pating! Sino na naman iyon?

"Ay be, gusto mo ba munang pumasok?" Naka-awang ang bibig ko nang tumingin ako sa kaniya.

Patrixia, Wake UpWhere stories live. Discover now