"Then let's get involved. Tulungan na natin sila para matapos na 'to. Gusto ko ng happy ending."
Reklamo ni Lesis at tsaka ngumuso. Mahinang natawa si Zia at pumikit muli.


"I'll decide tomorrow. For now, let me rest."
Aniya kaya tumayo na ang kambal at tsaka tumango sabay alis. Wesy closed the curtains and lit the scented candle. Inayos niya narin ang mga pinadala ng Team Alpha sa closet ni Zia at tsaka na pinatay ang ilaw.

He looked at her one more time and breathed out.


"You little devil.."


✥✥

Hindi alam ni Blu kung anong nangyari at nawalan siya ng malay at paggising niya, wala na si Zia sa tabi niya. Sinapo niya ang mukha at tsaka ikinuyom ang kamao. She didn't even leave a note before leaving. Blu sighed and looked out a window.

It was already noon.


Kinuha niya ang cellphone niya nung tumunog ito at tsaka sinagot.


"Oi, Van Saint! Patay ka na ba't hindi ka sumasagot?!"
Saglit siyang napapikit dahil sa boses ni Lucas mula sa kabilang linya. "The hell, Lu.." Mahina niyang sagot at tsaka tumayo.


"Kanina ka pa hinahanap ni Sir Seth. We have training, you dumbass!"
Saglit na kumunot ang noo ni Blu sa sinabi nito. "Training?" Tanong niya.


"You really think what happen would bring everyone down, huh? I guess that stupid cat really has ways to influence anyone. Now everyone wants to be stronger to win the war kaya pumunta ka na rito kung hindi bubugbugin ka nina Xy."
Mahinang natawa si Blu sa sinabi nito.


"Alright, I'll be there."
Huling sabi niya bago pinatay ang tawag. Hinubad niya ang damit at agad siyang nanigas sa kinatatayuan niya nung makitang may mga marka na naman sa dibdib niya. Red spots and other marks formed in his chest and torso.

Agad na pumula ang kanyang pisngi at tenga kaya tinakpan niya ang mukha niya.


"Damnit, Zia.."
Bulong niya at tsaka na nagbihis.


✥✥

"Atlas, usap nga tayo." Tumingin si Audin kina Wilder at Atlas na nasa drinking area ng training site. Break-time kasi nila dahil kasalukuyang pinapagalitan nina Xy si Blu na kararating lang. Isang tango lang ang sinagot ni Atlas bago siya sumunod kay Wilder palabas ng training site.


"Saan na naman pupunta 'yung dalawang 'yun?"
Tanong ni Archer at tumabi kay Reed dun sa sofa.


"Boy's talk."
Sagot ni Reed habang nakatingin sa label ng water bottle na hawak niya. He got this weird habit of reading the nutritional value of everything UHT provides them. Tumingin narin siya kay Audin na kumakain ng tuna sandwich.

"You just ate." Mariin niyang sabi kaya saglit na nanginig si Audin.


"E ano naman? Gutom ako."
Reklamo niya kaya naglabas si Reed ng isang apple. "Eat this instead." Aniya at sinubukang agawin 'yung tuna sandwich na kinakain ni Audin. Audin made a disgusted look at the apple kaya pwersahang kinuha ni Reed sa kanya ang tuna sandwich at binigay sa kanya 'yung apple.

Mangiyak-ngiyak na kinagat ni Audin 'yung apple at tiningnan ng masama si Reed.


"Ang strict mo!"
Sigaw niya bago siya umalis at pinuntahan nalang si Shinshi.


"Seriously? Anak mo ba 'yung batang 'yun?"
Natatawang tanong ni Archer kay Reed. Reed huffed.


"Inaalagaan ko lang."
Sagot niya at nilagay na ang tuna sandwich sa gilid. Archer hummed and looked at the others.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now