Walang emosyong tumingin si utol kay Jonas. Para bang ‘di worried. Medyo mahigpit nga ang dad ni ate, sabagay matagal siyang ‘di nakasama n’yon.

“At least I know she cares for me,” Uriah sounds cool. “Masarap maghintay pag ganoon.” Sa tono ng pananalita niya para bang… nang-iinggit. P*tcha. Nagiging pilyo na talaga siya ulit.

natahimik si Jonas, bago pa sila ulit mag-away ay iniba ko na ang usapan.

 “Pinapatira ko ni mama sa kanila.” sabi ko habang nakatingin sa puno. Agad silang natahimik at ilag segundo ang lumipas bago nag-react.

“Wow! Oo nga pre,kung ako sa’yo doon ka nalang. Hindi ‘yong nagpapakaermetanyo ka sa madilim mong bahay.” –Jonas.

Niligon ko sila.

“Go ahead.” nakatitig na sagot sakin ni Uriah.

Okay naman sana kaso… ang bahay na ‘yon, ‘yon ang bahay na kinalakihan ko kasama ang kuya ko. Isa ‘yon sa dahilan kung bakit ‘di ko magawang lumipat sa ibang bahay dati pa.

“Kuya Nathan will be happy if you’ll accept tita Julia’s offer.”

“Kailangan pa bang multuhin ka ng kapatid mo para lang pumayag ka. Doon ka na takte para tumino ka naman.” sabay tingin ni Jonas nang mapang-asar kay Uriah. “HAHAHA! Ang swerte naman ni Ethan, pinapatira siya ng mom ni Agatha sa bahay nila.”

Hindi umimik si Uriah na akalam mo ‘di narinig si Jonas.

Napangisi ako ng kaunti sa sinabi nila. Si Uriah lang at Kurt ang nakakilala sa kuya ko nung buhay pa siya, namatay siya sa car accident. ‘Yon ang dahilan kung bakit bigbike ang gamit ko at ‘di kotse.

Kukuha sana ako ng yosi sa bulsa nung bigla akong pinigilan ni Uriah. Napatingin ako sa kanya at tila may pinapakiramdaman. Sobrang seryoso na naman  ng mukha niya.

“May nakamasid satin.” seryoso pero mahinang sabi ni Utol.

Agad kaming naalerto, maging si Jonas ay biglang nagseryoso.  Maaring estudyante, pwede nila akong isumbong pag nakita nila akong nagyosi at pwede akong mapatalsik sa university na ‘to. P*tcha ganito kahigpit dito. Kailangan namin sumunod dahil ‘di pa namin gamay ang kalakaran dito.

 O ‘di naman kaya… kalaban na namin ‘to.

Nanliit lalo ang mga mata ni Uriah. “Jonas, sa may likod ng paglimang plantbox.”

Tumayo na siya, bibwelo ‘yan panigurado pag lumabas sa lungga kung sinuman ‘yang nagmamasid.

Parang lalong lumakas ang pakiramdam ngayon ni Uriah,  pasimpleng dumampot ng  bato si Jonas at pasimpleng tinignan ang malaking plantbox. Nilaro pa niya ang bato sa kayang daliri habang kinakalkula kung gaano kalayo ang pwestong ‘yon dito samin.

P*tcha maayos na nga ‘to. Mukhang mapapasabak kami ngayon. Mahirap lang talaga sa school na ‘to wala kaming kapit ‘di tulad nung sa Burnham pa kami. Sobrang laki ng University na ‘to na pati laman ng bag kinakalkal ng guard.

Tumayo siya, act normal. Bumalik ang tingin sa plant box sabay bato nang malakas doon.

“Gotcha.” –Jonas.

“aray!”

aray? P*tcha boses ng babae.

Napatigil bigla si Uriah sa paglalakad nung marinig ang boses habang si Jonas ay napanganga. Agad akong tumayo at nagpatay malisya. Babae ang natamaan niya, malaking gulo ‘to.

Tumayo ‘yon babae at hawak ang ulo pero nakatalikod siya samin. Bago pa siya humarap dito ay tumalikod na ako at lumakad palayo. Bahala sila d’yan.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Where stories live. Discover now