Kahit papaano, pag andito ako e parang ang liwanag ng paligid ko. Ang pagtawag sakin ni ate ng kapatid at ang pagtawag sakin ng anak ni mama, nakakagaan ng pakiramdam.

“ Ang tagal naman ni Demi….takte talaga, nakakakilabot ang mga ahas… hoy ano ba kausapin niyo nga ko!”

Tinignan lang namin siya ni utol saglit sabay balik sa ginagawa namin.

“Takte, sabi ko kausapin hindi tignan.”

Parang gag* na naman ‘tong si Jonas. Andito kami sa garden. Umingay lang nung dumating si Jonas. Kanina kami lang ni utol dito. ‘Di din siya nagsasalita dahil busy sa cellphone niya.

‘Tss… siya na ngayon ang ‘di makabitaw sa cellphone niya. ’

Naalala ko tuloy bigla nung halos ‘di ko mabitawan ang cellphone ko dahil kay… scratch that. P*tcha kahit sa isip ko ayoko na banggitin ang pangalan niya. F*ck, I can’t understand why I keep on thinking of her. Gusto ko na siya alisin sa isip ko. Ilang buwan na ang nakakalipas, wala pading presensya na.

That’s really embarrassed. Pagkatapos ko umamin na gusto ko siya bigla nalang magiging cold at ‘di na magpaparamdam. It really hurts. Sobrang binaba ko ang ego and pride ko para lang maamin na gusto ko siya. Halos tumagtak ang pawis ko nung oras na ‘yon p*tcha. That was my first time! First time ko magkagusto ng ganito at umamin ng nararamdaman ko.

“Tsss!” sabay bitaw ko ng sketch pad. I lose myself control again, masyadong napadiin na naman ang hagod ko ng lapis sa papel.

Napatingin sila saking dalawa, tinignan ko lang din sila saglit. Gusto ko magyosi.

“Sumali kayong frat?” tanong ni Jonas tsaka humiga sa damuhan.

“Malamang hindi…” dagdag niya. “Pakyu! mapanis sana laway niyo.”

Hindi talaga kami sasali sa frat dahil simula nung mawala kami sa Glefficial, ayaw na ni ate na sumali pa kami sa kung anong organisasyon. P*tcha ang daming nagyayaya saming mga organisasyon dito dahil ‘yong iba kilala kami.  Nakakabanas, kaya madalas nasa tagong lugar kami para walang manggulo.

Tuwing magkikita kami ni ate lagi niyang pinapaalala na wag sasali sa kung anu-ano except sa mga organization para sa academic and extracurricular.  Kakaiba pa naman magalit ‘yon.

Kasali ako sa arts habang si Uriah sa Journalism. Kailangan niyang sumali doon dahil scholar siya, he has no choice. Itong si Jonas, undecided padin. Mukhang may ibang pinagkakaabalan si gag*. Si Demi ayaw sumali sa kung ano. Ang gusto niya nga lang ay unting subject  ang itake para mabantayan at masamahan padin si Jonas kaso inutusan na siya ni Jonas na mag full load. Siya daw bahala sa mom niya.

“ ‘Yong ibang babae kinukulit ako lalo na kapag tungkol sa inyo at kay Ethan. Takte, mas pogi naman ako sa weirdong  ‘yan. Sabagay ‘di din ako interesado sa kanila. May iba akong pinagkakaabalahan ngayon. Hihihi. ” natatawang sabi ni tukmol. P*tcha mukhang siraulo. Hindi padin tumitigil sa pagtawa.

 “You look like retarded.”  -Uriah.

Tumigil si Jonas sa pagtawa, “Ikaw nga mukhang retarded d’yan biglang ngumingiti habang nagtetext, kala mo ‘di ko pansin takte ! hahaha.  Kahit pigilan mo pa ‘yan ngiti mo nakikita ko ‘yang butas ng pisngi mo.”

“The f*ck, butas?” sabay ngiti nang nakakaloko ni Uriah pagkatapos ay nagseryoso. “You’re insecure Jonas, that’s gaysh*t.”

“Takte! Insecure tang*na. Eh abnormal nag pag may ganyan ‘di ba? ahhaha!”

“It’s called asset.” cool na sagot ni Utol. Parang mga bata p*tcha.

“Kayo na ba? ‘Di pa ‘no? Mga 5 yrs. pa bago payagan ng dad ni Agatha na sagutin ka hahah. Goodluck.”

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Onde as histórias ganham vida. Descobre agora