MGD 48 - The Six Keys

Magsimula sa umpisa
                                    

"Padila sa'yo freak.." at bigla akong nagulat, ".. I mean, padila sa ice cream mo." sabi n'ya at inilapit ko sa bibig n'ya 'yung ice cream, "... sarap!" he said, grinning.

"Sure ka bang safe 'yang laway mo?" tanong ko at dumila ako sa hawak kong ice cream.

"Aba, oo naman. Ilang beses na tayong nagkiss?" sabi n'ya habang ngumingisi. "We share saliva, freak. Huwag kang umarte d'yan. Alaga ako sa tooth brusha at mouth wash." he proudly said. "Penge nga ulit!" panghihingi n'ya at binigyan ko s'ya ulit ng pagkakataon para dilian 'yung vanilla ice cream ko.

"Sa tagal mong natulog, nakapagtooth brush ka pa ah?" tanong ko at sinimangutan n'ya lang ako, "Siguro naman nag-tooth brush ka bago mo ko puntahan?" tanong ko at ngumiti naman s'ya. Malapit na namin maubos dalawa ang ice cream dahil salitan kami.

"Kahit i-testing mo pa." mayabang na sabi n'ya. "Sige kiss mo ko." demand n'ya at inilapit ko sa bibig n'ya ang ice cream. Dumila s'ya dito at nagka-stain s'ya sa bibig.

"Ang baboy mong kumain!" sabi ko at pinunasan ko ng tissue ang gilid ng bibig n'ya. "Wala ng kiss, indirect kiss na 'to." pahayag ko at umangal s'ya.

"Gusto ko 'yang lips mo." demand n'ya habang nagpopout. Buti nga sa'yo at may hawak kang bata.

"Mamaya, pag-uwi." simple kong sabi at nabuhayan s'ya ng loob. Abang, tukmol na 'to kung makangiti wagas!

"Sabi mo 'yan ah? Papatayin mo ba ako?" tanong n'ya at nagsalubong ang kilay ko, ".. papatayin sa sarap." he beamed and then laughed.

Halos tumaas ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi n'ya. "Ihh, gusto n'ya.." panunudyo n'ya at umupo na ako sa carpet. Iisnobin kita forever, magdusa ka sa pagkarga kay Yusef.

"Paano ako uupo?" tanong n'ya sa akin.

"Malamang gagamitin mo ang utak mo Sy para magsend ng signal sa mga muscles mo na responsible para makaupo ka." I answered and he frowned, hala pikon much?

"Paano ako uupo ay may bata akong kasama? Baka ma-out of balance ako at madaganan ko itong anak natin?" he said and I gawked at him, looking surprised.

"So you've already admitted that he is your son?" I asked, looking so happy.

"Because I always trust you." he said, beaming. I was caught off guard. Para akong kinilig na ewan, peste!

"There are six keys to a relationship,  freak, and one of these keys is trust." wow ha, nacoma lang ang dami ng nalaman.

"So ano 'yung lima pa?" tanong ko at gusto n'ya sanang umupo. "Ano pang silbi ng stroller?" mataray na suggestion ko at tumawa lang s'ya. Noong mailagay n'ya na si Yusef sa stroller sa side namin ay umupo s'ya sa harap ko.

Nakaindian seat kami pareho, "Friendship, freedom, honesty, trust, understanding and communication. These are the six keys to a good and strong relationship." he uttered.

"Lima lang ang hiningi ko." I said as he messed my hair.

"Namiss kita. Lalo na ang kasungitan mo." sabi n'ya at walang pansintabi na humiga sa hita ko.

"Eh ang kagandahan ko, namiss mo?" I asked, looking downward to see him.

"Kasama na 'yun, kapag syempre sinabi kong namiss kita, ibig sabihin buong pagkatao mo namiss ko." he said and smiled, "Matagal pala akong natulog." he whispered.

Pinaglalaruan ko ang tainga n'ya dahil ang lambot nito, "Sobra kitang namiss." pag-aadmit ko at tiningnan n'ya ako sa mata.

"Kiss mo ko." demand n'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon