MGD 15 - Red and Blue

269K 5.9K 1.1K
                                    

Transition Chapter which means it is short! Next one will be long, freaks and monsters

Please play the song on the side Stay Stay Stay by Taylor Swift. Lets make it light, guys! ;) 

****

MGD 15 —  Red and Blue

Yung feeling na gusto mo na lang na kainin ka ng lupa. Yung bigla ka na lang mahulog sa kailaliman nito at huwag ng makabalik sa kinatatayuan mo. Napamura ako ng ilang ulit sa isip ko bago ako makabalik sa huwisyo ko. Ohgahd, nawala ata lahat ng poise ko sa katawan dahil sa ginawa ko. I mean, ka-assuming(an) ko.

Dahil hindi naman ako kagaya ng ordinaryong babae, nag-pretend na lang ako na walang nangyari at umakbay sa hubad na katawan ni Carl. Napansin ko rin ang pag-iiba ng ekspresyon ng hinayupak na lalaki na nagpahiya sa akin kanina. Ano na naman bang problema n'ya? Inirapan ko na lang s'ya at inakay si Carl papalabas ng gym.

"Aano tayo?" isang nakakatangang tanong nito sa akin. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin. Noong napansin ko na malayo na kami mula doon sa halimaw ay gigil na gigil ako na pinaghahampas s'ya.

"Ughh! Nakakainis! Nakita mo ba 'yon Carlito?!" napasabunot ako sa buhok ko at pinanggigilan ko si Carl na kasalukuyang umaaray dahil sa sinapit n'ya sa akin.

"Ughh! Hayop s'ya Carl! Hayop! Waaah! Gusto ko ng kainin ng lupa kanina!" hangga't naiisip ko ang nangyari ay hindi ko maialis sa sarili ko na hindi magalit.

"Aray naman! Ang sakit master huhuhu!" hinaplos ni Carl ang braso n'ya na pinanggigilan ko. "Grabe ka, ginawa mo akong punching bag!" naiiyak na sabi n'ya.

"Grabe s'ya Carl! Gusto ko s'yang sabunutan kagaya nito!" buong lakas ko na sinabunutan si Carl. "Gusto ko rin s'yang suntukin sa sikmura!" at ginawa ko kay Carl ang mga hinaing ko sa tukmol na 'yun.

"Awat na! Awat na! A—aray ko naman! Ang sakit na master! Masakit na nga muscles ko, pinasakit mo pa lalo. Huhuhu!" doon ko lang narealize na si Carl nga pala ang sinasaktan ko.

"Sorry!" despensa ko sa kan'ya. "Bakit nga ba kasi sinundan mo ako dito?!" gigil na sabi ko.

"Wow naman! Ako pa talaga? E hinatak mo nga ako oh! Nandun pa naman yung isang chicka babe—aray naman!" napairap na lang ako sa kanya. Habang inaalis ko sa isip ko ang mukha ng babaeng 'yon.

Ugh! Hindi ako naiinsecure! Pero ang ganda n'ya talaga e! Nakakainis naman oh, ang sarap sanang paulanan ng maldita lines kanina 'yung babae kaso wala naman ako sa lugar o wala naman akong dahilan para gawin 'yun sa kan'ya. Maisip ko pa lang na ang ganda n'ya plus ang bait n'ya ay umuurong na ang sungay ko para gawin ang nais kong gawin sa kan'ya.

"Umayos ka Carl! Sabihin mo panget ba ako ngayon? Panget ba ako?!" napaurong naman s'ya sa ginawa ko at pinagmasdan ako.

"Eh maganda ka naman. Bakit mo natanong?"

"W-wala naman!" natawa s'ya sa sinabi ko. "Ano ba Carlito! Huwag mo nga ako tawanan! Peste 'to, wala namang nakakatawa." sumimangot ako.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon