MGD 7 - Getting Tipsy

343K 7.3K 1.6K
                                    

Follow.Vote.Comment

***

MGD 7 - Getting Tipsy

Sometimes you have to accept the truth and stop wasting your time on the wrong people.

Kagaya na lang ngayon, I don't know. Talagang nagagalit lang talaga ako sa nakikita ko, ang sweet nila grabe and wow lang talaga, napakawarm ang welcome nilang sa aking dalawa. Kasing warm at kasing hot ng kumukulo kong dugo sa kanilang dalawa.

"Mind to speak, hindi n'yo ba ako namiss?" ngumiti ako ng sarkastiko. At yung bruhilda kong best friend na nagffeeling maldita ngayon ay tinaasan ako ng kilay, "Hindi e, ikaw nakakamiss?" inirapan n'ya ako. Napatawa na lang ako sa isip ko. Nairita naman si Steph noong pinigilan s'ya ni Terrence na magsalita pa.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa couch dito sa loob ng office n'ya, "Well, I'm not surprised Stephanie, ganda ng welcome ah? Kasing ganda ko." ipinag-cross ko ang arms ko at inayos ang pagkakalapat ng hita ko sa isa ko pang hita. Masdan mo kung gaano kaganda ang legs ko.

"Dapat ba bigyan ka ng welcome party? So magpapahanda na ba ako sa mga staff ko?" nginitian n'ya ako pero alam kong may halong kaplastikan ang ngiti n'ya, "Ay wag na nga lang, mag-aaksaya lang pala ako ng pera. Kung sa'yo lang? No thanks." napatawa na lang ako.

"Oh sino ba nakaisip ng welcome party na 'yan? Ako ba?" I clicked my tongue several times, "Ikaw ang nagsuggest, after three years hindi ka pa rin nakakapaginvest ng utak?" bigla naman s'yang nag-init sa galit. I don't want to offend her pero masyado na s'yang tinutubuan ng buntot ang sungay.

"Master, ah-ah ano. Kalma ka lang.." napatingin ako sa ekspresyon ni Steph. Nakahawak lang naman si Carl sa braso ko, at paglipat ko ng tingin sa kasama n'ya ay nagbago ang ekspresyon nito. Ayaw ko sa lahat ay yung pinapakailaman ako sa mga oras na kagaya nito.

"Wala pa rin pinagbago ang ugali mo Trish. Same as ever, low class at patapon. Bakit hindi mo sinubukan mag enroll sa school of etiquette?" mapanuya n'yang pahayag. Itinaas ko naman ang kilay ko, "Sa akin mo pa talaga sinabi 'yan? Mukhang mas kailangan mo 'yan." tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Tumayo rin s'ya sa kinauupuan n'ya, ang dalawang lalaki naman na kasama namin ay hindi makapagsalita, alam nila ang ugali ko so don't bother me to stop 'cause I won't do that.

"Yung attitude ko ba ang problema mo?" I paused. "Don't ever confuse my personality with my attitude, my personality is who I am and my attitude depends on who you are."

Naglakad ako papunta sa pinto, "You really disappoint me Steph, sa ngayon pinipigilan ko pa ang sarili ko na sampalin ka para matauhan ka. Pasalamat ka at medyo bumait na ako, so bye! Magpalakas ka pa.." pinatunog ko ang heels ko habang pababa sa hagdan. Napansin ko naman na nakasunod sa akin si Carl, kasunod n'ya si Steph at yung huli sino pa ba? Si Terrence.

Let the show begin. .

Napatigil ako sa paglalakad ko, nasa tapat na pala ako ng counter, nakaharap ko na naman ang mga barista n'ya.

Napahinto sila sa pagsunod sa akin, nakatayo lang silang tatlo doon aat mukhang hinihintay kung ano ang gagawin ko. Okay, wish granted.

Bibigyan ko sila ng sarili kong welcome party, yung tipong hindi nila ako makakalimutan. Yung ako pa rin ang dating nakilala nila. . wish granted.

Pumunta ako sa harap ng counter, inilabas ko ang wallet ko sa mamahalin kong pouch, "Frappé Macchiato." talagang i-pronounce ko ng maayos ang inorder ko. Italian accent. Halos natulala ang barista sa accent ko, eto ang nakakatawa sa mga Pilipino. Namamangha sila kapag nakakarinig sila ng english o ibang lenggawahe. 

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon